a/n: hello, i'm back, actually, sa office ko 'to tinype kaya sorry if maraming typo errors or hindi siya nakaformat katulad nung mga nauna kong posts. hehe. XD ninja-moves lang. wahahaha...
yung video sa gilid, nakita ko lang sa youtube... hehehe... mejo matinis lang yung boses niya pero pwede na pagtyagaan. hehe. XDD ----->
---
Sasaeng?
Ano nga ba ang sasaeng?
According sa Lai's Dictionary... (sariling dictionary ng author, muntimang eh. nyahaha. XD)
Sasaeng: fan o grupo ng fans na sobrang wild, sobrang extreme, sobrang mag-stalk, sobrang mahal ang idol nila na maging ang word na 'RESPETO' ay nakakalimutan.
The meaning above is only based on what I know. Kaya sorry kung ganyan. haha...
From Wikipedia: A sasaeng fan (사생팬) is an excessively obsessed Hallyu fan.
From Soompi: Sasaeng fans are described as extreme fans who stalk their idols and invade their privacy with questionable methods.
Actually, nung napasok ako sa mundo ng KPOP. Wala talaga akong kaalam-alam dyan sa mga sasaeng fans na yan. Tapos hanggang sa makarinig na lang ako ng iba't ibang balita.
Over kasi minsan mag-react ang mga fangirls. Oo, over tayo minsan. Wag na magkaila. Over tayo, makita lang natin yung pictures nila, over na tayo magreact. Yung may picture lang kasama yung fan, wagas tayong makalaet. haha.. Oo, fan ka eh./ Syempre natural lang yan. Nagseselos ka kasi MAHAL mo si OPPA. Oo, ramdam kita, pero minsan kasi sobra na. Yung tipong OA na. Gaya nga nung sabi ko dun sa meaning ko, 'yung word na RESPETO' nakakalimutan na.
---
Oo, ganyan nga sila. Isa ka bang sasaeng? Wag mo na basahin, baka awayin mo ko eh. hahaha.. Gusto ko lang ma-realize ng mga readers ko, na kahit idols yang mga yan, kahit na public figure silang lahat, TAO pa rin sila. Kailangan silang respetuhin.
Example:
This was way back back back... Matagal na eh. 2006 pa yata...
Yung may sasaeng fans na naging dahilan ng pagkafood poison ng isa sa mga DBSK member. I don't know the whole story pero may ibinigay daw na gift for the member and the member thinking na it was a gift from a fan, ate it. Ayun, na-food poison siya yata.
Recent lang ito... sa pagkakaaalala ko...
Tapos meron pa yung sa EXO naman yata, magsi-CR yung isang member pero dahil daw sa mga sasaeng fans, hindi makapagCR ng maayos, another member blocked the door to the CR for him.
---
May iilan pang mga sasaeng na kayang pumunta at pumasok sa dorms ng mga idols. Tapos yung iba pa nga raw ninanakaw yung mga under garments ng mga idols. Yung ibang malalakas ang loob isinasama yung mga under garments nila sa mga gamit ng idols. Meron pa nga raw na pati yung 'sanitary napkin' ay iniwan sa harapan ng dorm nila. (Isn't this a little too much? Mygaaas~)
Meron pang iba na hina-hack yung mga social networking accounts ng mga idols like yung Twitter, me2day at mga iba pang accounts nila.
---
Marami-rami pang events concerning sasaeng fans. Pero karamihan kasi Korean fans, since sila yung mas malapit sa mga idols, they can do whatever they want and whenever they want to do it. Sa Pilipinas, wala pa naman akong nababalitaan about sasaengs. Oh baka hindi lang ako masyadong updated. Sa pagkakaalam ko kasi, ang mga Pinoy fans, makita lang nila ang idols nila, mapanood lang nila, isang picture lang, okay na sa kanila. Hindi na nila kailangan pang gumawa ng kung anu-anong pambabastos or pag-invade ng privacy ng idol para lang sila lumigaya. Mababaw kasi tayo eh... XD
Ayos lang naman kasing magkaroon ka ng maramin posters ng KPOP idols sa kwarto mo. Yung tipong tinitilian mo sila kapag napapanood mo sa TV or kung may comeback sila tapos nanonood ka sa laptop.
Ayos lang din yung manonood ka ng concerts nila tapos you'll scream at the top of your lungs, yung tipong kahit magmukha kang baliw, ayos lang kasi si Oppa yun. Ichini-cheer ko siya.
Ang hindi ayos ay yung mga pamamaraan na medyo nakakatapak na sa salitang 'RESPETO'.
Fan ka, Idol sila. Oo, iisa ang mundo nyo. Nirerespeto ka naman nila as their fan eh. They do silly things, cute things para mapasaya nila tayong mga fans nila. Sana man lang mabigyan natin sila ng personal space na kailangan nila. Hindi porket idol sila, kailangan 24/7 alam mo ang nangyayari sa buhay nila. They also have their own lives.
Reflect tayo please~
---
a/n: sayang di mababasa ng korean sasaengs. LoLs... hahaha.. wala pong aaway sa akin, mabait po akong bata. hahaha....
Kaya hindi maiiwasan yung mga idols na mag-ninja moves dahil sa mga sasaengs na yan..hihihi~ if you know what I mean. XD
Next post: Wala pa akong maisip. Hindi pa ako namomroblema eh.. mwahahaha... XD
![](https://img.wattpad.com/cover/1998971-288-k309525.jpg)
BINABASA MO ANG
Dilemmas of a KPOP Fangirl
De TodoWala lang. Compilation ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayong gabi. Actually, hindi siya story eh.. Biglaang pumasok sa isip ko… :”””””> ito yung mga problems na kinakaharap ng isang fangirl na tulad kow!