Chapter 13: The Heat

362 3 0
                                        

Kumakain si Juliane, Michie at Nicole nang biglang tumunog ang door bell. Nagkakatawanan pa sila sa pagkwekwentuhan ng tungkol sa boyfriend ni Michie. Binuksan nya ang pinto at nawala ang ngiti sa kanyang nga labi sa nakita nya.

"Hello!" nakangiting bati sa kanya ni Martin. Kusa na itong pumasok sa loob ng condo nya at pabagsak na naupo sa couch. Iniabot nito sa kanya ang bulaklak at truffles na chocolates. "What are you doing here?" asik nya dito at nagtataka. "I'm just visiting you, my friend." he smiled and winked to her friends. Nakita nya si Nicole kung paano sya tingnan at pati na rin si Michie na may pagtatanong sa mga mata.

Pinamulahan sya ng mukha. "You're lovely when you're blushing." sabi ni Martin. Hindi nya alam kung bakit andun ang lalaki. "How did you find my place?" tanong nya dito. "Oh, no! Don't answer it. You're my stalker!" bawi nya dito. Nairita sya sa pagtawa nito. Buong buo ang boses nito at pwedeng maging radio announcer ito o dj na siguradong magugustuhan ng mga babae na pakinggan. She didn't know how to react properly.

"Titingnan mo nalang ba ako at di mo pakakainin?" sabi nito sa kanya sa salitang Filipino. "No, I don't! You're not even welcome here, you ass!" sabi nya dito. "Ouch!" sabi nito na sinabayan pa nito ng facial expression. "Okay, for now I'm gonna leave you guys. I just wanted to see your place and it's nice. So fem." dagdag nito at nagpaalam na.

Bumalik sya sa kanyang upuan at pinagpatuloy ang pagkain nya ng tahimik. Wala na sya gana pang kumain pero pinilit pa din nya. "You two were not compatible." komento ni Michie. "Yeah, I think so." pagsang ayon ni Nicky dito. "Hey! What you're talking about! He's not my lover and I will buried my self to hell if I am!" biro nya sa mga ito na muli na ikinatawa lang ng mga ito.

Lumabas silang tatlo pagkatapos. Si Michie ay hindi na pumasok sa trabaho nya. Nag-out na ito ng tuluyan at sumama sa kanila ni Nicky. They went Boston Common and Boston Public Garden. Para naman marelax silang tatlo. Sulit ang hindi nila pagpasok, dahil na din sa mga pinuntahan nila.

They enjoy the Swan boat ride, a harbor cruise, and a leisurely walk along the Charles River Esplanade. Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Nakauwi na sila ni Nicky at si Michie ay nagpaalam na din sa kanila. Sinulyapan nya ang relo. 7 pm na. Tinanong nya si Nicky kung gusto pa nitong kumain. Ang tanging sagot nito ay di na. Nabusog na kasi sila sa dami ng kinain nila sa labas.

They were sitting at the balcony when Nicky ask her. "Who's your neighbor here?" "I don't know." sagot nya sa paraan na para bang di nya iniintindi ang kapit-bahay nya. Tinitigan lang sya nito na para bang di sya nagsasabi ng totoo. "I really don't know, hey! So don't give me a murderous look." sabi nya dito. Pareho silang natawa. Tumunog ang cellphone nya.

"Hello, granny!" sabi nya sa masayang wika. "Don't you worry, lo. I will visit you tomorrow and since I do not have a class on monday, I will spend it with you." dagdag pa nya. Mukhang natuwa naman ito sa sinabi nya. "Ah, lo. Can I take a friend with me?" tanong nya sa. kanyang lolo na sinangayunan naman nito. napa-''Yes'' pa sya na ikinatuwa ni Nicky.

"So are you coming with me?" ulit nya kay Nicky. "Yes, sure. Just promise me that you will teach me to ride a horse." paninigurado pa nito sa kanya. "Okay. That's a deal then." Maya-maya pa ay pumasok na sila sa kwarto.

*****

Si Brandon ay 6pm naa nakauwi sa condo nya. Di na sya tumuloy sa ama pagkatapos ng mga business meeting nya. Pagdating nya ay nakita nya si Martina na naglilinis ng room ni Juliane. Binati sya nito at napag alaman nya na wala doon si Juliane. Naginit ang ulo nya. Sinabi nya dito na hindi dapat malaman ni Juliane na sa kabilang silid lang sya. Ngumiti lang ito at tumango.

Yun ang gusto nya sa medyo matanda nang si Martina. Matagal na itong nagtratrabaho doon. Bukod tanging sya at si Juliane lang ang nililinisan nito ng kwarto. Nauutusan pa nya ito minsan na magluto sa kwarto nya. The old lady is beautiful. Isa itong orphan. Buhat nang lumabas ito sa ampunan ay ang great grandparents nya ang kumuha dito. Medyo matanda lang dito ng konti ang daddy nya.

Nang mabuksan ang pinto ay tinawagan nya si Martin. Sa inis nya ay hindi na nya ito muling tinawagan dahil hindi ito sumasagot sa tawag nya. Tatanungin pa naman sana nya ito tungkol sa pinagutos nya kanina. Niluwagan nya ang necktie nya at pabagsak na nahiga ng marinig nya ang kaluskos sa kabilang silid. Narinig nya na may kausap si Juliane. Hindi nya matukoy kung babae o lalaki ang kasama ng dalaga dahil di nya marinig ang tinig ng isa. Naikuyom nya ang mga palad. Lalo na ng marinig nya na pupunta ito ng Colorado bukas at kasama pa ang lalaki. Hindi sya nakapag pigil. Inayos nya ang damit na suot at nagmamadaling lumabas.

Natagpuan nalang ni Brandon Na nasa isang bar. Medyo napapadami na din sya ng nainom. Tuluyan nang kumawala ang galit nya dahil kahit si Martin ay parang bula na nawala.

May lumapit sa kanya na babae. Namumukhaan nya ito. Isa ito sa anak ng business partner ng daddy nya. "Hey, you're Brandon Maxfield, right?" sabi nito sa kanya. "Yeah." nakangiting sagot dito. Naginuman sila at di na nya alam pa kung ano pa nangyayari. Natagpuan nalang nya ang sarili na kasama ito sakay ng BMW black series nya at tinutungo ang condo ng babae.

They have a little wine and a moan.

The Campus Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon