Rhian POV
Maaga akong nagising dahil parang may nakadagan saakin na mabigat.
Minulat ko ang aking mata at tama nga ako at nay nakadagan nga saakin at si Raven iyon. Nakatingin ito saakin na may kasamang pacute.
"Mama gising na daw sabi lola sandra dahil kain na daw at pasok pa daw po kayo opisina!" Natawa ako sa anak ko at pinisil ko ang kanyang pising saka ginulo din ang kanyang buhok.
Umalis ang anak ko sa pagkakadagan saakin at saka naman ako umupo at hinalikan sa pisngi ang aking anak.
"Mama tara na po" Nang hawakan nito ang kamay ko nagpahila na din ako dahil baka magwala pa kapag hindi ko sinunod ang sinabi nya.
Bumaba na kami ng anak ko at pumunta na kami sa dinning area at naabutan namin doon sila Nay Cassandra at si mama.
"Maupo na kayo at kakain na tayo." Pinaupo ko na muna ang anak ko sa pwesto nya at saka ako umupo din.
"Ano ang magiging plano mo Rhian?" Kahit hindi sinabi ni Nay Cassandra kung para saan ang tanong na iyon ay alam ko na.
Umiling ako."Wala pa po...."
Wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko. Ako ay kinakabahan din kapag tinotoo nga ni Stevan ang tungkol sa korte.
Ayoko mahiwalay saakin ang anak ko dahil hindi ko na alam ang mangyayari saakin kapag nakuha nya si Raven.
Kung kailangan ko ipaglaban ang anak ko basta hindi lang nya ito makuha ay gagawin ko kahit gumastos pa ako ng malaking pera para doon.
Natapos na kaming kumain at nagpaalam na ako kila Nay Cassandra, kay mama, at sa anak ko.
"Nasan si sir?" Tanong ko sa sarili ko. Pagdating ko kasi dito sa opisina ay wala sya. Saan naman kaya nagpunta iyon?
Umalis na ako sa opsina ni sir at pumunta na sa pwesto ko. Madami pa akong gagawin kaya hindi dapat ako tatamad tamad. Malaki ang sahod ko kada month kaya maslalo ko pang pinagbubutihan ang pagtatrabaho para sulit naman ang binabayad ng kompanya saakin.
"Excuse me..... nandyan ba ang boss mo?" Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files sa computer ko nang biglang may nagsalita. Inangat ko ang aking tingin na may kasamang ngiti.
Agad akong napanganga nang makita ko ang kaharap ko. Sobrang gwapo nya. Para tuloy ako nakakita ng isang greek god. Shit! Makalaglag panty ang kagwapuhan nya!
Narinig ko itong umubo kaya bumalik ako sa wisyo. OMG nakakahiya ka Rhian! at isa pa may anak ka na tapos lumalandi ka pa!
"S-sorry po sir" Yumuko ako para hindi nya makita ang namumula kong pisngi.
"It's okay ganyan talaga ang mga babae kapag nakikita nila ako" Tumawa pa ito. Okay na sana ang lalaking ito pero mukhang mayabang.
"Wala po si boss dito ehh. Balik nalang po kayo bukas o kaya tawagan nyo nalang po kung may number kayo ni sir" Binalik ko na agad ang aking paningin sa computer para ituloy ang naudlot kong trabaho.
"Kanina ayos pa ang pagtrato mo saakin tapos ngayon masungit kana.... Ang mga babae talaga mabilis magpalit ng mood" Umiling iling pa ito.
"Ayy oo nga pala ako si Atty. Jack Clemonte but you can call me Jack or pwede din attorney dahil minsan iyon ang tinatawag saakin ng mga ibang tao na nakakakilala saakin. Kaibigan ko ang boss mo kaya pls maging mabait ka din saakin" Nginisihan pa ako nito bago umalis. Aishh napaka ewan talaga ng lalaking iyon. WALA AKONG PAKE KUNG SINO PA SYA!
-------------------------