Chapter 13

126 6 0
                                    

Rhian POV

"Papa!" Sigaw ng anak ko nang makita nya ang ama nya.

Ngayon ang unang bisita nya kay Raven at mukhang wala naman syang balak na itakas ang bata kaya nakakahinga ako ng maluwag.

"Rhian,pwede ko ba makasama ang anak ko sa isang dinner?"

"Lalabas kayo?" Tumango ito.

"Nakaluto na kasi kami dito at gabi na kaya hindi na pwedeng lumabas si Raven." Palusot ko. Hindi pa kasi ako gaano nagtitiwala sakanya.


"Okay." Nang makita ko ang malungkot na mukha ni Raven at ng gago nyang ama agad akong naguilty sa sinabi ko.


"K-kung gusto mo d-dito ka nalang kumain kasabay namin" Sambit ko at agad naman lumiwanag ang mga mukha nila.


"Salamat."

"Yehey! Papa subuan mo po ako ahh!" Agad lumaki ang ang mata ko.


"Raven! Diba sabi mo big boy kana? Bakit magpapasubo ka pa?"

"Mama joke lang yun!" Loko lokong bata talaga.


"Rhian kain na tayo!" Rinig kong aya ni Nay Cassandra.


"Mauna na kayo sa dinning ni Raven at susunod nalang ako dahil kukunin ko muna si mama sa kwarto nya" Pagkatapos ko sabihin iyon ay agad naman hinila ni Raven ang tatay nya.

Agad akong umakyat at pumunta sa kwarto ni mama. Pagkapasok ko ay naabutan ko syang nakahiga sa kama at nakabukas ang radyo. Naglakad ako papalapit sa radyo at pinatay ito at saka lumapit kay mama.


"Ma ako po ito" Inabot ko ang kamay ko sakanya at inalalayan na makatayo.


Nang makalabas kami ng kwarto inalalayan ko naman sya na makababa ng hagdan at hindi ako nahirapan dahil kabisado na ni mama ang hagdan basta hawakan lamang sya at alalayan.

Nakarating na kami sa hapag at naabutan namin sila na nakaupo at hinihintay nalamang yata kami.


"Ayan kumpleto na tayo. Maupo na kayo" Sambit ni Nay Cassandra. Inalalayan ko na umupo si mama sa pwesto nya saka ako pumunta sa pwesto ko at umupo.

"Magdasal na tayo" Sabay sabay kaming nagdasal at nang matapos ay nagkanya kanya ng sandok ng pagkain pero inuna ko muna ang anak ko at si mama bago ako kumain.


"Anak anong gusto mo?" Tanong ko.

"Yung chicken curry po mama" Kinuha ko ang sandok at sakto naman na kukunin din ito ni Stevan. Tinignan ko si Nay Cassandra at nakatingin sya saakin.


"Sige ikaw na ang magsandok para kay Raven" Pagpapaubaya ko. Sinunod naman nito ang sinabi ko at nagsandok ng ulam para sa anak   namin.


"Papa pahimay yung chicken!" Tumingin na muna ito saakin bago ginawa ang gusto ng anak.


"Pwede ko ba kayong kausapin mamaya?" Parehas kaming napatingin kay Nay Cassandra.

"S-sige po..." Sabay naming sabi.


"Ako din gusto ko din kayo makausap na dalawa" Nagulat ako nang biglang magsalita si mama.


"Sige po" Sambit ko.


"Sige kumain na tayo at mamaya na ang pag-uusap"

Tahimik kaming kumain ng dinner. Ni isa ay walang nagsalita at tanging mga tunog ng mg kubyertos lamang ang aming naririnig. Natapos kaming kumain at wala pa din nagsasalita kaya nagpasya na ako na magsalita dahil masyadong awkward.


"Ako na po ang magliligpit at maghuhugas" Pagpresinta ko.

"Ako din po. Tutulungan na din kita Rhian" Pagpresinta din ni Stevan.


"Si Rhian nalang ang magliligpit at maghuhugas at ikaw muna ang kakausapin namin ni Riza dahil kapag pinagsabay namin kayo ay baka magsumbatan at mag-away kayo at ayaw namin na makita iyon ni Raven. Kaya Stevan sumunod kana saamin." Tinignan ko ito at halata sa reaksyon nya na kinakabahan sya. Pati din naman ako ay kinakabahan din dahil istrikta sila mama at Nay Cassandra.


Naiwan akong mag-isa. Habang ako ay naghuhugas hindi ko maiwasan na isipin kung ano nga ba ang mga tinatanong nila mama at mga sinasabi nila.


Nang matapos ako sa aking gawain dali dali akong pumunta sa sala at naabutan ko sila na seryosong nag-uusap.


"Mama nasa labas po si tito Jack. Hanap ka po nya."

Akmang lalabas na ako ng bahay nang biglang magsalita si Nay Cassandra.

"Teka Rhian, saan ka pupunta?" Tumingin ako sakanila bago nagsalita.


"Nasa labas po si Jack at pupuntahan ko lang po" Agad dumako ang tingin ko kay Stevan at hindi ko maintindihan ang reaksyon nya, para kasi syang naiinis at hindi ko malaman kung bakit.

-----------------------------------

White Mask (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon