Chapter 7

157 4 0
                                    

Rhian POV

Wala akong nagawa kanina kundi ang pumayag nalang sa sinabi ni sir. I love my job kaya ko ginagawa ito.


Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili para sa dinner date mamaya. Suot ko ang dark blue sleeveless dress ko na pinaresan ng silver na heels. Wala na talaga kasi akong maisip kung ano ang susuotin ko dahil hindi naman ako laging nagsusuot at isa pa kapag nasa opisina naman ako ay may uniform talaga akong sinusuot.


Knock! Knock!

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at naabutan ko sa labas nito si Nay Cassandra at bitbit nito ang anak ko na may dalang laruan na robot.


"Iha, may naghahanap sayo sa labas. Gwapong lalaki at sabi nya ay pupunta daw kayo sa isang dinner date" Nandyan na pala ang lalaking yun hindi malang nagtext...binigay ko naman sakanya ang number ko pagkahatid nya saakin dahil nagpumilit ito na ibigay ko sakanya tapos hindi naman pala nya gagamitin.


"Sige po bababa na ako" Tumango saakin si Nay Cassandra bago sila bumaba.


Kinuha ko na muna ang aking clutch bag ko bago ako lumabas ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko si Nay Cassandra at si Mama na kausap si Jack.

Bilib ako sa nanay ko dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay nakukuha pa din nyang ngumiti at mag-entertain ng tao.

"Nay, mama" Kuha ko sa kanilang atensyon. Hindi naman ako nabigo dahil napatingin sila lahat sa gawi ko.


"Una na po kami." Hihilain ko na sana palabas si Jack pero natigil ako nang biglang magsalita si Nay Cassandra.


"Hindi mo manlang ba ipapakilala  saamin yang kadate mo?" Nilingon ko sila mama at napansin ko na nakangiti ang mga ito at bakas sa mga mukha nila na naghihintay sila sa sasabihin ko.


"Uhm.... Ma, Nay Sandra, sya po si Atty. Jack Clemonte at hindi po talaga ito yung date na panglovers. Ang totoo po nyan ay kakakilala lang naming dalawa at ang dinner date po na ito ay kasama sa trabaho ko" Tumango tango ang mga ito pero hindi ako sigurado kung satisfied na ba talaga sila sa sinabi ko.


Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na sila nagtanong pa. Nagpaalam na ako sa anak ko na masayang naglalaro.

"Anak, bago ka matulog kailangan mo muna inumin ang milk mo at magtootbrush..."

"Alis ka mama?"

"Yes. May work si mama at sila Nay Cassandra at mama Riza na muna ang magpapatulog sayo ngayon pero don't worry mabilis lang naman si mama at babalik din ako agad pero wag mo na ako hintayin at magsleep kana" Tumango ito saka ko sya hinalikan sa matataba nyang pisngi.


Lumbas na kami ng bahay pagkatapos  magpaalam at dumiretso na sa sports car na nakaparada sa labas ng bahay.

Nagtataka akong napatingin kay Jack. "Sayo 'to?"

"Yes." Yun lang ang sinabi nito bago ako pinapasok sa sasakyan nya.

Iba talaga kapag mayaman ang kasama mo........... Goodluck nalang para mamaya kung ano ang mangyayari.

----------------------------------

White Mask (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon