- Sorry dahil hindi ako nakapag-update noong Friday dahil musicfest namin nung araw na iyon at hindi pa din ako makaget-over. BTW shout out sa SINGKO BAND. Nag-enjoy talaga kaming lahat.
Btw, Enjoy Reading!
------------------------------------------------
Rhian POV"Sir sorry I'm late..." Kinakabahan ako dahil halata sa mukha ni sir na badtrip sya. Wag sana nya ako paalisin......
Tinignan ako nito ng seryoso."Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit wag kitang paalisin dito sa kompanya ko" Dumoble ang kaba ko nang biglang tumalim ang tingin nito saakin. Fvck!
"S-sir.....k-kasi.....m-mahirap po m-mag....hanap ng t-trabaho......t-tapos---"
"Enough......"Natigilan ako ng nay biglang nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita si Jack na naglalakad patungo sa harap ng lamesa ni sir.
"Chad hayaan mo na sya....at isa pa maliit na pera lang naman ang nawala sa kompanya mo kaya wag kana magalit at saka pakinggan mo nalang ang rason ni Ms.Vallega kung bakit sya nalate" Nakahinga ako ng maluwag nang mag-iba ang reaksyon ni sir.
"Go back to work" Yes! Hindi ako natanggang!!
"Thank you po sir" Sambit ko bago ako lumabas ng opisina nito.
Maraming salamat at dumating si Jack kundi lagot ako nito.......
Tinapos ko ang dapat tapusin at mabilis kong sinunod ang nga inutos saakin ni boss. Kailangan kong ipakita sakanya na karapatdapat ako na manatili dito sa kompanya at para hindi naman mapunta sa wala ang ginawa ni Jack.
Speaking of Jack, kanina pa sya umalis,hindi na nga ako nakapagpasalamat sa ginawa nya dahil ang bilis ng lakad nya at mukhang may gagawing importante. Siguro itext ko nalang sya o kaya tawagan para makapagpasalamat.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nagmessage sakanya.
To:Jack
Thank You nga pala kanina kung hindi ka dumating baka wala na akong trabaho ngayon.
Kung hindi ka busy pwede ba tayo magkita ngayon?Reply ka agad para makapaghanda ako......
_____Teka tama na ba ito?
Ulitin ko pa ba?
Simplehan ko lang kaya para hindi naman magmukhang baliw.
Pero hindi naman mukhang baliw yung text ko ahh?
Pinindot ko nalang ang send, wala kasi akong maisip na pwedeng ipalit doon ehh at isa pa ayoko na mahuli ako ni sir at baka diretso sisante na ako sa pagkakataong ito.
Pagkalipas ng ilang minuto nagreply ito.
From:Jack
Okay. Sunduin kita dyan. Wait....out mo na ba?
Ohh fvck hindi ko pa pala out pero nagyaya agad ako.
Nagtext ulit ako.
To:Jack
Hindi pa. Pwede mga 7:30pm tayo magkita?
Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto agad itong nagreply.
From:Jack
Okay. Sunduin kita dyan mamaya.
To:Jack
Okay. Thanks. See you tonight.
Pagkatapos kong magreply agad kong binalik ang cellphone ko sa bag at saka naseryoso muli sa trabaho.
------------------------------------------
-Sorry kung pangit ang update ko today. Inaantok na talaga kasi ako at gusto mag-update na muna dahil one week na akong walang update. Wag kayo mag-alala babawi ako bukas. May update ako bukas dahil hindi ako busy.Plss vote and comment!