Chapter 30

283 3 0
                                    


Rhian POV

Tatlong araw na ang lumipas simula nang mabaril si Jack at ngayon ay gising na sya at kanina pa nangungulit.

"Jack tigilan mo nga ako!" Inis na bulong ko sakanya. Pano ba naman kasi gusto yatang makipaglandian kahit nagrerecover pa lang sya at nandito sa loob ang nanay nya.

"Sige na plsss.........bumawi ka naman sakin sa hindi mo pagpansin saakin ng ilang buwan. Hirap kaya nun para akong mamamatay sa kakaisip kung ano na ang ginagawa mo at kung ano na ang nangyayari sa buhay mo tapos hindi mo lang ako papansinin na parang walang nangyari noong gabing yun?" Napailing iling nalang ako sa mga paliwanag nya.

"Nandito ang mommy mo....mahiya ka nga" Nagtaka ako ng biglang ngumisi ito.

"So kapag wala na dito sa loob si mom pwede na mag.....you know" Tinapik ko bigla ang braso nya. Lintek na lalaki!

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tigiltigilan mo nga yang iniisip mo at magpagaling ka nalang!"

"Sige na nga pero dapat pagmagaling na ako tara sa condo ko o kaya sa bahay ko....." Manyak talaga!

Hindi ko nalang ito pinansin at saka tinutok ko nalang ang aking atensyon sa cellphone ko at naglaro ng kung ano-ano pero natigil din ako ng biglang may humihimas himas sa hita ko.

WTF!

Nang tignan ko ito nakangiti itong nakapikit na akala mo ay sarap na sarap sa ginagawa nya.

Tinabig ko ang kanyang kamay pero binalik na din muli kaya tinanggal kog muli pero ganun pa din ang ginawa nya.

"Jack! Kapag hindi ka pa talaga tumigil iiwan na kita dito at papasok na ako sa opisina." Nagmulat ito at saka nginisihan ako.

"Nagleave ka ng one week at pinayagan ka naman ni Chandler dahil alam naman nya na babantayan mo ako at wala ng bawian yun" Inirapan ko nalang ito at saka tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi nya.

"Teka san punta mo?" Inirapan ko syang muli at saka umupo sa pang-isahang upuan.

Hindi pa nag-iinit ang puwet ko ng biglang tumayo si Mrs.Clemonte.

"Anak, iha, maiiwan ko na muna kayo dito dahil may aasikasuhin pa akong importante sa kompanya. Zhina, ikaw na muna ang bahala kay Jack habang wala ako." Tumango ako at saka nagpaalam sa ginang. Nang makaalis ito nakarinig agad ako ng pagsitsit saakin at nang nilingon ko ang taong iyon agad kong nasilayan ang mapang-akit nyang ngiti.


"Alam mo kung hindi ko lang alam na isa kang attorney baka iisipin ko na wala kang magawa sa buhay kundi ang pagiging manyakis lang" Inirapan ko ito at saka bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Grabe ka naman harsh mo magsalita." Hindi ko nalang ito pinansin at kumuha ng isang magazine at nagbasa nalang pero hindi pa ako nakakailang page nang bigla kong marinig ang paggalaw ng kama nya at nang iangat ko ang tingin ko sakanya papalapit na ito sa pwesto ko.


"Ayaw mo naman ako samahan sa kama ko edi ikaw nalang ang sasamahan ko dito sa sofa" P
Bago pa ako makapagreklamo nakaupo na ito sa tabi ko at naisandal na nya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Wag mo akong paalisin please........gusto ko ganito lang tayo dahil sa oras na gumaling na ako baka hindi mo nanaman ako papansinin tulad ng hindi mo pagpansin saakin noon........" Dahil sa sinabi nya hindi na ako nakapagreklamo at nanatili nalamang sa tabi nito at sinusuklay gamit ang kamay ko ang kanyang buhok para naman makapagpahinga na ito.

-----------------------------
-Sorry sa late update masyado kasi ako nahumaling sa panonood ng Inazuma Eleven Go Season 2. Crush ko kasi sila Tsurugi, Shindou, at Kariya kahit anime sila😂 Sa mga girls na nanonood nyan at adik sa anime maiintindihan nyo ako😂😂

#InazumaElevenGoSeason2
#tsurugi
#shindou
#kariya
#anime
#lateupdatesiauthor

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White Mask (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon