Chapter 11

139 7 0
                                    

Rhian POV

1 month later............

"Thank you Jack" Nakangiti kong sambit sa attorney na tumulong saamin para mapasaakin pa din ng anak ko.

"Welcome. By the way, una na ako kasi may aasikasuhin pa akong case."

"Teka lang baka gusto mo munang kumain,kakain kasi kami sa restaurant para magcelebrate at gusto ka namin isama at pagpapasalamat na din namin"

"Thanks but no thanks. Gusto ko man sumama sainyo at magcelebrate pero marami pa talaga kasi akong aasikasuhin at siguro sa susunod nalang ako makikicelebrate."

"Okay. Bye, ingat ka" Tumango ito at nagpaalam na din kilala mama saka umalis.


Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala ko si Jack. Natulungan nya kami sa lahat at naging masaya kami nang dumating sya.

May gusto ako sakanya......

Oo, may gusto talaga ako sakanya pero hindi ko masabi sakanya ang nararamdaman ko dahil takot ako na ireject nya. Nagsearch ako ng about sakanya at madaming lumabas na dating sya kung kanikanino. Nagtanong din ako sa mga ka-officemates ko at sabi nila ay playboy daw talaga si Jack at marami na daw babae na hindi sineryoso nito at kasama na doon ang mga kilalang actress at mga modelo. Paano pa kaya ako? Isa lamang akong hamak na sekretarya ng isang malaking kompanya at may anak pa.

Natapos ang celebration namin sa restaurant at pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa laptop ko dahil may mga tatapusin pa akong reports na dapat isend kay sir. Nag-absent lang kasi ako ngayon dahil sa ngayon ginanap ang final decision ng court kung ano kanino mapupunta ang bata.

Masaya ako at nagtagumpay kami pero may kaunting kaba pa din akong nararamdaman dahil humiling si Stevan sa korte kung pwede nya ba bisitahin ang anak namin ng 3 days in a week at pinayagan naman sya kaya ang kinakabahan ako dahil baka mamaya itakas nya si Raven.

Jack POV

"Mommy diba sinabi ko na sainyo na ako na po ang bahala sa case ni dad at wag nyo na po ipasa sa ibang abogado dahil para saan pa ang pagaabogado ko kung hindi ko maipagtanggol ang pamilya ko!" Iratadong kong sambit.

"Pero anak alam mo naman delikado ang ginagawa mo dahil murder case ito at isa pa baka madamay tayo at ayoko na masaktan ka anak! Nawala na ang tatay mo saakin at maslalong hindi ko kakayanin na mawala ka din saakin!" Naiintindihan ko ang sinasabi ni mommy pero gusto ko kasi na makuha ang hustisya para sa ama ko.


Isang magaling na  abogado ang ama ko at hawak nya noon ang kaso na ipapataw sa dalawang drug lord na nahuli. Akala namin ay ayos na ang lahat nang maayos na ni dad ang kaso pero nabalitaan nalamang namin na habang pauwi si dad sa bahay ay may nag-abang daw sakanya sa kanto ng subdivision namin at pinagbabaril ang sasakyan ni dad saka tumakas. Sobra ang sakit at dusa na naramdaman namin ni mom dahil sa pagkamatay ng daddy. Nagpursige ako na mag-aral ng abogasya para sa daddy ko at para sa hustisya.

"Don't worry mom ako po ang bahala sainyo. Titiyakin ko na magiging ligtas ka habang ginagwa ko ito. Isipin nyo nalang po mom na itong ginagawa ko ay para kay dad" Niyakap ko ang aking ina na umiiyak na.


"Okay. Basta wag mong ipapahamak ang sarili mo. Please be safe always and I will support you because I love your dad and also you" I kiss my mom on her right cheek.


"I love you too mom"


"Okay. Let's stop this drama and go get the justice for you dad" I nod and wave my hand for saying goodbye to my mom and walk away.

I need the justice for my dad.

Alam ko na pwede akong mapahamak dahil hindi pa daw nahuhuli ang ibang kasabwat sa nangyaring pagpatay.

Gusto ko pagbayarin ang mga may gawa nito sa ama ko kaya hintayin lang nila ang paghihiganti ko at makakatikim sila ng impyerno.

---------------------------------
-Excited ako na gawin ang story na ito dahil may plot na akong nagawa hehehehehe...... Yung mask series #1 kasi ay sariling imagination ko lang pero ito gunawa ako ng summary nya para hindi ako mahirapan sa paggawa.

Ang update ko ay tuwing friday dahil doon lang ako nagpapaload dahil wala pa kaming wifi dahil ayaw pa ni papa palagyan dahil baka tamarin daw kami nila mamaat ate hehehehehe. ofcourse Internet is life! whahahaha

#skl
#badassattorney
#rhianisinlove
#internetislife

White Mask (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon