Jack POV
"Maraming salamat po attorney. Malaking tulong po ang nagawa nyo para saamin at para sa anak ko." Nakipagkamay ako sa pamilya ng biktima bago ako umalis.
Napatunayan kanina na ginahasa nga ang biktima at patong patong na kaso na ang kinakaharap ng mga suspect dahil sabi nakapangbiktima daw ito noon ng isang 16 years old sa ibang lugar dito sa Pilipinas at nagtatago ang tatlo dito sa Maynila. Sabi sabi din ng ibang tao na kapitbahay ng biktima ay mga nagnanakaw din daw ang mga ito dahil simula nang dumating ang mga ito sa subdivision nila ay marami na daw nananakawan at base sa mga pulis ang tatlo daw ang mga salarin. Kung tawagin nga ng iba ay 'The Trio' dahil laging silang tatlo ang magkakasama sa mga krimen na ginagawa nila at buti nalang nahuli na sila para mabawasan naman na ang mga adik dito sa Pilipinas.
Sumakay ako sa aking sasakyan at pinaandar na ito ng mabilis. Tanghali na at niyaya ako ni mom na maglunch sa bahay kaya kailangan kong bilisan dahil late na ako,siguradong papagalitan ako nito pagdating.
Nang makarating ako agad akong sinalubong ni mom sa pintuan na nakasimangot.
"Saan ka ba galing at late ka?" Hinalikan ko na muna si mom sa pisngi saka nagpaliwanag.
"Okay. Kamusta naman?"
"Ayun.Ayos naman po"
"Ayy salamat naman. Alam mo tuwing nakakapanood ako ng mga balita na may narerape hindi ko maiwasan na magalit dahil syempre babae din ako at ayokong binabastos kaming mga babae, kaya ikaw Jack ahh! Wag na wag mong paglalaruan ang mga babae at irespeto mo sila tulad ng pagrespeto mo sakin"
"Tatawagin ko din po ba sila ng mom or mommy" Pang-aasar ko para hindi naman masyadong seryoso ang usapan. Pagganoon kasi ang usapan ay mapupunta iyon sa kung ano ang pinaggagawa ko at pagsasabihan nanaman ako ni mom ng kung ano ano tungkol sa mga babae na pinaglaruan ko daw noon.
"Hindi ako nagloloko Jack! Makinig ka saakin at wag mo gawing biro ang lahat kundi mabibigwasan talaga kita kahit anak kita!" Tumahimik nalang ako at sinundan papasok ng bahay si mommy. Hay mga matatanda nga naman ohh!
"Kumain na tayo at lumalamig na ang mga pagkain dahil sa tagal mo pero ayos lang naman saakin dahil para sa karapatan naman ng isang babae na narape ang inayos mong kaso. Very good son" Nginitian ko si mom at saka umupo sa tabi nya.
I miss dad......sana kung nandito sya sabay nila sigurong sinabi ang 'very good son'. Tuwing nakakarinig ako ng ganoon kila mom and dad hindi ko mapigilan na matuwa. Ang salitang iyon ang hindi ako magsasawang pakinggan dahil ang salitang iyon ang nagbigay lakas saakin na abutin ang aking pangarap at gawin ang aking obligasyon.
"Mom thanks" Natigil sa pag-kain si mom at saka tumingin saakin na nakakunot ang noo.
"For what?"
"For taking care of me."
"Ofcourse you're my son so I need to take care of you even if you're an asshole"
"Mom! Kelan pa kayo nagsalita nyan?"
"Alam ko na tumatanda na ako pero hindi naman ibigsabihin nun na hindi ko na pwede sabihin ang mga salitang iyon like asshole."
"Mom!"
"Why? Bagay naman sayo!" Napailing iling nalang ako. Kahit kelan talaga may pagkaisio bata din si mommy.
Sumubo nalang ako ng sumubo ng pagkain hanggang sa matapos ako.
"Mom, stop bullying me....."Pagpipigil ko sakanya.
"Why?"
"Just stop mom, I don't want to have an arguement with you so please.......stop" Narinig ko itong tumawa pero sa huli ay tinigil na din nito ang pag-aasar saakin ng kung ano-ano.
----------------------------------------------------------------
-Nag-uupdate ako kaagad dahil baka sa susunod na araw ay hindi ko na magawa dahil busy nanaman kaya hangga't wala akong ginagawa at marami akong free time mag-uupdate na ako para kapag busy na ako may mababasa pa kayo.-Btw, Mask Series #3 is ready! Baka mga katapusan ng April ko sya ilalabas o kaya sa May dahil tatapusin ko muna ang Mask Series #2 bago ako maglabas ng susunod. (Share ko lang)