Chapter 12

131 6 0
                                    

Rhian POV

Lunch break na dito sa opisina pero wala pa akong gana kumain ako kanina ng tatlong sandwich at hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa din ang kabusugan.

"Mam here's your order" Napatayo ako nang biglang may nagsalita at si delivery boy pala iyon.

"Okay thanks!" Binigay ko ang bayad at saka ko tinignan kung kumpleto ba ang mga pagkain.

"Okay na!" Inayos ko muna ang aking sarili bago ako kumatok sa opisina ni sir.

"Come in!" Rinig kong sambit ni boss.

Pumasok na ako sa loob at nakaramdam agad ako ng kaunting kaba dahil nandoon lahat ang mga kaibigan ni sir at kasama na doon si Jack. Kanina pa ang mga ito dito at mga nagkekwentuhan lang.

"Sir ito na po yung mga pagkain nyo" Inilapag ko sa center table ang mga pagkain at kinuha ang mga basura na nandoon tulad ng cups ng isang cafe.

Akmang aalis na ako nang biglang nay humablot saaking braso. Nakaramdam agad ako ng kakaibang kaba.

"Yun ehh!" Rinig kong sambit ng isa sa mga kaibigan nila Jack na nandoon.


Lumingon ako at nakita ko ang gwapong mukha ng aking crush.

"Can we talk?" Nag-aalangan pang tanong nito. Nilingon ko ang mga kaibigan nya at puro mga nakatingin ang mga ito na may amezement na tingin sa aming dalawa ni Jack.

"O-okay? kelan?"

"Kung pwede ngayon na." Tumango ako at umalis na sa loob  ng opisina.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako. Grabeng kaba ko kanina!

"Hey" Natigilan ako at nilingon ang nagsalita.

Inayos ko ang aking reaksyon bago ngumiti.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" OMG! baka mamaya nagbablush na ako! Shit! nakakahiya!

"Hmm......bumisita na ba sainyo yung ex mo?" Hala bakit nya tinatanong? Pero cute nya magtanong😍 Ayiiee! Landi ko nanaman!

"Hindi pa naman pero sabi nya saakin kanina ay bibisitahin daw si Raven mamaya pagka-out nya sa trabaho at mamayang gabi pa yun. Bakit mo nga pala natanong?" Nakita ko na namula ang tenga nito.


"A-ako kasi ang a-attorney nyo kaya k-kailangan ko lang s-siguraduhin" Tumango nalang ako kahit marami pa akong tanong.

"Free ka ba mamaya?" Nagulat ako sa tanong nya. What the F!

"Hindi ko alam ehh" Shit bakit parang nagiging pabebe na yata ako.

"Sige tanong nalang kita mamaya....." Nagwave ito ng kamay bago umalis sa harapan ko.


What the fvck! anong klaseng pag-uusap ang nangyari kanina? Para kasi kaming mga teenager!


Bumalik na ako sa aking upuan at saka ko tinignan ang aking mukha sa salamin ko.

Nagbablush ako.......!!!

Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at saka ko binuksan ang app na notes.

May gusto kasi ako ang gawin.....

Dear Future Husband,
         
                   Alam kong hindi ako masyadong kagandahan pero mabait naman ako hehehe, sana ideal husband ka yung hindi lang looks kundi may puso din. may Pangarap kong magkaroon ng isang mabuting asawa na kaya akong alagaan hanggang sa pagtanda natin. Wag ka sana mapagod na pakisamahan ang kabaliwan ko sa buhay at sana wag ka din KJ! Ngayon palang pinapayuhan na kita......maging mabait at masunurin dahil bugbog sarado ka saakin pagdating ng araw kapag nagloko ka. I love you kung sino ka man😍

                                             Love,
                                 Your future Wife

----------------------------------
-Grabe nabaliw nanaman ako. Wala talaga sa plano ko na gumawa ng isang letter pero dahil nga kailangan ng magaling kong kapatid ay ginawan ko na sya at nilagay ko din dito. Kung ano ano lang ang nilagay ko doon sa letter🤣

#teenagers
#blushing
#nabaliwsiauthor

White Mask (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon