Rhian POV
"Magset ka ng isang dinner date sa isang mamahaling restaurant at pilian mo ako ng isang magandang babae pwedeng model o kaya artista basta maganda.Now." Kahit gusto ko man magtanong at hindi ko magawa sahil sektetarya lamang ako nito at kailangan ko ahad sundin ang mga inuutos nito kung ayaw ko mapagalitan o kaya mapaalis sa trabaho.
Bumalik ako sa table ko at nagsearch ng mamahaling restaurant na malapit lang dito dahil baka magalit si sir kapag sa malayo pa ako nagpareserve. Buti nalang nakahanap ako agad at nagpaset ng isang dinner date sa VIP room ng restaurant. Sunod ko namang ginawa ay maghanap ng isang magandang babae na tutugma sa taste ni sir. Pagkalipas ng kalahating oras ay may nahanap na ako sya si Ms.Elyza Vasquez. Isang sikat na model at anak ng isang politiko na si Sen. Leo Vasquez. Tumawag agad ako sa agency nya at binigay naman ng mga ito ang number ng manager ni Ms.Elyza.
"Hello....." Panimula ko.
("Hello...who's this?")
"I'm Ms.Rhian Vallega, secretary of Mr.Chandler Ramirez the owner of Ramirez Empire"
("Oh hi! What can I do for you?")
"Mr.Ramirez ask me to set a date and he wants to date Ms.Elyza" Sana payagan....... kasi kapag hindi pumayag hahanap na ako ng iba agad dahil masasayang ang oras kapag babagal bagal ako...
("I''m sorry. May photo shoot kasi si Elyza today at hanggang bukas iyon at kasalukuyan kaming nasa Cebu dahil dito amg venue ng photo shoot nya. Pero pwede naman next week dahil walang gagawin si Elyza sa araw na iyon.") Kaloka itong manager nya akala ko ay foreigner yun pala Pilipino din.
"Ah okay. Ngayon kasi gusto ni sir ehh pero thank you nalang at siguro sa susunod nalang kapag nagpaset nanaman ng date si sir.Bye" Nagpaalam na din ito at saka ko binaba ang tawag.
Naghanap nanaman ako ng bago at natagpuan ko si Ms.Stephanie Dela Paz. Isang sikat na modelo din at galing din sa isang mayaman na pamilya at sabi dito nag-iisang anak ito at tagapagmana ng kanyang mga magulang.
Ginawa ko ulit ang kanina kong ginawa pero makalipas ang walong minutong pag-uusap ay hindi bigo pa din ako. Nasa Las Vegas daw ito ngayon dahil doon gaganapin ang fashion show nito.
Humanap muli ako at patuloy pa din akong nabibigo. Sinubukan ko na din ang mga sikat at magagandang artista pero hindi sila pwede dahil may mga shoot.
"Kakainis naman oh!" Sambit ko pagkatapos kong ibaba ang tawag mula sa manager ng isang sikat na artista. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakakahanap ng idedate ni sir.
"Hi miss" Napatayo ako bigla dahil sa nagsalita. Tinignan ko ang nagsalita at ito yung lalaki kanina na pumunta dito at hinahanap si sir. Ano nga ba pangalan nya?
"Naaalala mo pa ba ako?" Nakangisi nitong sambit.
"Yes. Ikaw yung lalaki kanina."
"Ano nga pangalan ko?" Kulit neto ahh!
Inalala ko ang kanyang pangalan pero hindi ko talaga matandaan. J-Jason? Jasper? Jordan? Basta J yun ehh!
"I'm sorry hindi ko na matandaan ang name mo pero natatandaan ko naman yang mukha mo" Ngumiti ako.
"Ayy ikaw lang ang unang babae na nakalimutan ang name ko. Again, My name is Jack Clemonte but you can call me Jack or Attorney dahil isa akong attorney at minsan iyon ang tinatawag nila saakin" Aba't parang nagyayabang pa yata ito ahh.
"Okay." Tipid kong sabi. Wala na akong pake sa susunod nyang sasabihin.
"Rhian." Tumayo agad ako ng marinig ko ang boses ni sir.
"Yes sir?" Tumingin na muna ito kay Jack bago tumingin saakin.
"Handa na ba yung pinapaset ko sayo para sa dinner date?" Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pa kasi tapos ang paghahanap ng makakadate ni sir.
"Hindi pa po pero tapos na sir maghanap ng isang mamahaling restuarant na malapit lang po dito"
"Paano yung kadate?"
"Wala pa po akong nahahanap dahil yung mga napili kong iba ay hindi po available ngayon" Tumingin ako sa gawi ni Jack at nandoon pa din ito na may ngising nakapaskil sa kanyang labi.
"Paano ba yan pare......" Sambit nito kay sir. So magkaibigan talaga sila?
"Bakit kasi iyon ang napili mong kapalit? Pwede naman bayaran ko nalang ang pagpunta mo dito." Ibigsabihin sa lalaking yun ang dinner date na inaasikaso ko?! Lintek kung alam ko lang na sakanya itong tinatrabaho ko ay pipili nalang ako ng isang hindi sikat na modelo o kaya artista. Buti nalang hindi available yung mga babae kundi baka napahiya pa ako dahil iba ang makakadate nila pero hindi ayos lang naman iyon siguro dahil gwapo naman itong si Jack at attorney pa saan pa sila?
"Itutuloy ko parin ang dinner date na ito." Nakangisi pa din ito. Ano sya si boy ngisi?
"Wala kang kadate?" Sambit naman ni sir.
"Edi itong sekretarya mo ang kadate ko" Tinignan ako nito na may kakaibang ngiti sa labi. Mukhang manyak yata itong attorney na ito.....
"Okay." Nilingon ako ni sir " Rhian, umuwi kana ngayon at maghanda para sa date nyo mamayang gabi ni Jack. Susunduin ka nalang nya sa bahay nyo" Tumingin naman ito kay Jack. "Itetext ko nalang sayo ang address ng bahay ni Rhian o kung gusto mo ihatid mo nalang sya ngayon sa bahay nya para malaman mo kung saan ito" Saka ito naglalak papasok sa opisina nya pero bago nya isara ang pinto tumigil ito. " Bye and have a nice date" Makahulugang sambit nito bago isara ang pinto.
WTF!
--------------------------------