Jack POV
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng Harry Potter: Deathly Hallows Part 2 sa TV ng may biglang tumawag saakin.
Tinignan ko ang caller's ID at kumunot ang noo ko na si Rhian ang tumatawag.
"Hello...."
("Ayy hello po.....") Sino 'to? Bakit iba ang boses. Tinignan ko muli ang caller's ID dahil baka namamalikmata lang ako pero nang tignan kong muli si Rhian talaga ang tumatawag.
"By the way.....who's this?"
("Bestfriend ako ni Rhian noong highschool at baka may nasabi sya sayo na nandito sya sa Alumni Party ngayon.")
"Okay......bakit ka tumawag?"
("Inopen ko kasi ang phone ni Rhian gamit ang finger print nya at ikaw ang nakita kong huli nyang naka-usap kaya ikaw ang tinawagan ko to help us") Nakaramdam agad ako ng kaba.
"Bakit anong nangyari?"
("Kanina kasi ay nagkaroon ng pustahan dito at ayaw magpatalo ni Rhian. About kasi sa pag-inom ang pustahan at pinilit nila si Rhian at umoo naman sya dahil sa una kaunti lang ang inom pero patagal ng patagal ay dumadami na at ayaw na magpatalo ni Rhian kaya tuloy lang sya ng tuloy kaya lasing sya ngayon at hindi ko naman sya maiwan dito dahil karamihan lalaki na ang mga natira balak ko sana sya iuwi sa bahay ko pero malayo at kanina sana dadalhin ko na sya sa hotel pero natulog naman na dito")
"Okay. Send mo saakin ang address para mapuntahan ko kayo dyan. By the way thanks for calling." Binaba ko na ang tawag at pumasok na sa kwarto para magbihis at kunin ang susi ng sasakyan.
Pagbaba ko ng building tinungo ko agad ang kotse ko at pinaharurot ito patungo sa binigay na address saakin ng kaibigan nito. After 15 minutes nakarating agad ako doon at buti nalang hindi traffic dahil hating gabi na.
Hinanap ko agad kung nasaan sila at nakita ko agad si Rhian na na sumusuka. Tumakbo ako palapit sakanila. Hinagod ko agad ang likod nya.
"Kanina pa sya sumusuka dahil na din siguro sa dami ng ininom nya." Tumango lang ako at nagpakilala.
"Sige salamat pala. Ako na ang bahala sakanya"
"Ahh sige. Ito pala yung bag nya" Inabot nito saakin ang bag ni Rhian. " Sige alis na ako nandyan na kasi yung boyfriend ko. Ikaw na bahala sa bestfriend ko ahh at wag mo din syang saktan! Kundi sapak abot mo sakin!" Tumawa lang ako at nagpasalamat muli.
Binalik ko ang tingin ko kay Rhian na tapos na yata sumuka. Binigay ko sakanya ang panyo ko para ipunas nya sa bibig nya at pagkatapos sinabit ko na muna sakanya ang sling bag nya at saka ko binuhat sya na pang bridal style patungo sa sasakyan ko.
Kung dadalhin ko sya sa bahay nila siguradong tulog na ang lahat ng tao doon dahil 2:35am na.
No choice. Sa bahay ko na talaga sya dadalhin.
Pinaharurot ko na agad ang aking sasakyan patungo sa condo ko.
Nang makarating kami doon agad ko syang binitbit patungo sa condo unit ko.
"Grabe nakakapagod" Sambit ko ng maihiga ko na sya sa kama.
Tinignan ko ito na mahimbing na natutulog.
Kulit talaga!!!! Sabing wag iinom ehh!!
-------------------------
-Dahil hindi ko matiis na hindi mag-update kaya gumawa agad ako ng new chapter. Sinusulit ko din dahil hindi ko sure kung makakapag-update agad ako.Don't forget to vote and comment!