II : Alejandra

418 7 0
                                    

"Maligayang Kaarawan Alexandra" wika nila.Mga taong hindi ko naman kilala.

"Nagagalak akong makita ka"
sabi noong babae na may napakagandang mukha at katawan.

"Hindi kaba nagagalak na makita ako sa ating kaarawan?"
dagdag pa noong babae. Ating kaarawan? Sino ka naman?

"Alejandra,ang kambal mo'y galing sa tulog. Siya'y bagong gising" tugon noong babae na may edad na. Ibig sabihin siya si Alejandra? at ako si Alexandra??? Hindi sila identical twin...

"Siguro nga ina" pagsagot ni Alejandra  doon sa babae...Siya ang aming ina? Kahit may edad na ay bakas parin ang taglay nitong ganda.

"Gracias,hehe—ehmm— magbibihis muna ako" tugon ko—Kailangan kong magpalusot...Sinara ko ulit ang kuwarto ko at—Kinurot at sinampal ko ang sarili ko—Hindi nga ako nananginip—Totoo nga ang lahat nang ito—Totoo nga na ako si Alexandra sa panahong ito...nilibot ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa———— KASAYSAYAN ako.
Bababa na sana ako nang may marinig akong paguusap sa isang kuwarto.

"Alam mo dahil madali nating nasakop ang kapuluan na ito dahil, kulang sila sa armas.Tanging tabak at palaso lang ang sandata nila habang mayroon tayong mga baril at kanyon" wika noong nagsasalita sa loob nang kuwarto.

Idinikit ko naman ang ulo ko sa dingding habang nakikinig parin sa paguusap nila kahit dahandahan akong bumababa sa hagdan at sa kamalasmalasang pagkakataon nagkamali ako ang tapak para mahulog ako sa hagdan.

"AY BOBO" tanging nasambit ko lang.

"Sa pagkakaalam ko ay iba ang bobo sa lampa." wika nang isang tinig at batay dito isa siyang lalaki. Hindi ko naman siya tiningnan.

~"Sa pagkakaalam ko ay iba ang bobo sa lampa." ~ naalala ko ang linya na iyan sa librong UNTIL WE MET AGAINat ang mga linya na iyon ay kay Leanard Angelo.

Lumingon naman ako sa kanya at—MATANGKAD, KAPUTIAN,MAPUPUNGAY NA MATA, MATANGOS ANG ILONG, PERO UBOD NANG —suplado.

"Wala kanang pakialam roon" tugon ko naman sa kaniya—kung suplado siya mas suplada ako.

"Wala talaga" supladong tinig niya at naglakad nang pangisi ngisi—na ikinainis ko—BATUHIN KITA DIYAN!
Hindi ko alam na kinuha ko na pala ang sandalyas ko at binato doon sa binata este Leanard.

"MEIRDA" medyo galit na salita niya at dahan dahang lumapit saakin habang ako naman ay nakaupo at dahang dahan na umaatras dahil sa papalapit na señorito. Nasagi ko na ang dingding—corner—
Napaluhod naman siya nang kaunti.

"Ano ang iyong ngalan upang batuhin ako? Sino ka para saktan ako? masakit ang matigas mong sandalyas." Seryosong tugon noong lalaki. Hindi naman ako nakasagot agad. Tss, bat ko pa ginawa iyon?

"Sagot!" Wika nito na seryosong seryoso. Dahilan para mapapikit ako at mapayuko.

"P...pre...cious.....Jan....zelle.....Am...Amf..Amflei..." Sagot ko naman pero napakunot noo naman siya.

"Kung masakit ang ulo mo, dapat magsabi ka sa iyong magulang o sa iyong mga alalay. Hindi yung kung ano ano pa ang naririnig kong sinasambit mo." Sabi niya para matauhan ako.

"Paumanhin Lean——" hindi ko na natapos dahil umalis na siya agad—Bastusin! Pero— bawal nga palang makitang magkasama ang isang babae at lalaki sa panahong ito.

"Alexandra, anong iyong ginagawa diyan? Tumayo ka mula riyan at isuot mo ang iyong mga sandalyas baka may makakita sa iyong mga talampakan" sabi ni Alejandra.

A Great Pretender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon