IX: Tagpo

211 1 1
                                    

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have to love you
For a thousand years
I love you for a thousand more...

Hindi ko kayang maghintay nang ilang libong taon para makasama ka, dahil dito, nandito na ako mailing naghihintay.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer—

Sa pagbigkas ko habang nakatingin sa lupa ay may nakita akong sapatos na pagmamay ari niya.

Leanard.

" Maganda pala ang itong no, at marunong karin  sa lenggwaheng Ingles. Saan ka natuto nang lirikong iyan? " Nakangiti niyang tanong.

O Ginoo.

" Sa malayong lugar? " sagot ko at natawa.

Sa totoo lang Angelo, sa malayong panahon. Kung saan wala ka, sa panahong hindi ka nabibilang.

" Ikaw, bakit ka narito? " pagtatanong ko.

" Sapagkat tila ba ako'y tinawag ng nakakahalina mong boses at nais ko sanang masilayan ka kung sakali man na matuloy ang kasal ko sa ibang binibini." Sagot niya na hindi ko inakala. Nais kong mapahawak  sa aking dibdib ngunit baka mahalata niya ako na ako'y tila ba sinaksak ng ilang libong beses.

Kahit alam kong bawal...

" Ito na ang panahon." Ngisi niyang sabi.

" Panahon? "

" Panahon umamin ka." Sabi niya at bahagyang napangisi. Assumero din 'tong isang 'to eh.

" Alexandra, may itsura ka naman at ganoon din ako, bakit nahihiya kapang magtapat? " Tanong niya.

Pinipikon talaga ako. Sa halip tumalikod nalang ako at naglakad sa likod ng mansyon.

'Sutil na Ginoo.'

Napailing nalang ako.

Pero may narinig ako.

" Stupida! " Tinig ng isang matandang lalaki.

" Mierda! Mierda! Mierda! " Dagdag pa nito. Nakita ko kung sino ang sinisigawan niya.

Si Morroca.

Siguro ay iba nga talaga yung Morroca sa kasalukuyan at sa Morroca na kilala ko ngayon. Maaring Wala talaga siyang alam.

" Morroca! Ano ba? Wala kang ibang dala kundi ang pasakit, pabigat sa buhay namin, anong klase ka? Hindi ko nais pagbuhatan ka ngunit palagi mo akong binibigo. Mierda! " Sambit pa niya at tuluyan ng iniwan si Morroca na umiiyak.

" Halos wala nang pinagbago ama, palagi nalang, ako naman ang nagpapaubaya para sa inyo ngunit ako ngayon ako pa ang dehado? Kailan niyo ba makikita lahat ng ginawa kong tama? " Wika niya nang makaalis na ang ama.

" Morroca? " Hindi niya ako narinig.

" MAURA? " Tinawag ko siya sa kaniyang palayaw sa mas malakas na tinig hanggang sa nilingon niya ako at bigla niya nalang pinahid iyong mga luha niya.

" Kanina ka pa na diyan? Ipagpaanhin mo kung may nasaksihan ka at narinig na hindi kaayaya." Hindi ako kumibo. Wala akong maisagot. Napahugot hininga ako at pinilit kong magsalita.

" Wala naman iyon saakin. Nais ko lang sabihin na magiging ayos din ang lahat. Tara doon tayo sa loob? "

" Alexandra? Bakit ka ganiyan? Bakit mo ito ginagawa? " Tanong niya.

Ewan ko din, siguro ayaw kong isipin mo na nag-iisa ka? Saka, kahit ikaw yung Morroca na nakilala ko sa kasalukuyan na inaapi ako, hindi naman sintigas ng bato ang puso ko para hindi ka damayan.

Mga salitang nais kong ipabatid sa kaniya ngunit hindi ko magawang sabihin.

" Hindi ko alam. Siguro may magandang dahilan kung bakit ko Ito ginagawa." Sabi ko sabay ngiti. Nagugutom narin ako.

" Sige kung nais mo ay sumunod kanalamang sa loob, nagugutom narin kasi ako. Kung kailangan mo nang kaibigan o ng makakausap nandito ako." Sabi ko at kumaway at pumasok sa loob ng mansyon.

Masayang masaya ang lahat, parang paparty lang ng Gobernador sa lalawigan. Natawa naman ako sa naiisip ko. Pero napangunahan ako ng gutom. Pero hangga't wala pa sila, hindi maaring kumain. Ngunit kumg hindi ako makakain maaring mawalan nanaman ako ng malay at paniguradong sa klinika nanaman ang bagsak ko nito.

" Kay gagandang binibini. Ipinagmamalaki ko na kayo ang mga anak ko. Napakaswerte ko at biniyayaan ako ng kambal na tulad niyo." Sambit ni Ina.

Ngunit ngingiti na sana ako ng makaramdam nanaman ako ng hilo.

Not now, please.

" Hindi kaba gumamit ng atsuwete kaya't tila namumutla ka? "

" Okey lang—a ang ibig kong sabihin ay ayos lang ang aking pakiramdam. " Paliwanag ko. Mahalagang araw ito kaya hindi ako maaring magkasakit. Pero ang akala kong ayos na ay mas lalong lumalala. Nahihilo ako, mas matindi noong una kaya naman napahawak ako sa upuan. Gutom lang ito, gutom lang.

" Ayos ka ba talaga? Maari ka namang magpahinga." Tanong ni Ina. Nakangiti nalang ako. Mamaya at narito na sila. Makakain narin naman ako. Kaunting tiis lang.

" Pangako Ina. Ayos lang po ako." Sana dumating na sila.

" Don Alfredo, Donya Alessandra, narito ang Pamilya Seguisimundo." Wika noong katulong. Isa pang pamilya ang kailangang hintayin.

" Sige, patuluyin mo na sila, ang Marina nalamang ang hihintayin." Wika ni Ina.

Dapat inisip nang pamilyang iyon na maharlika rin sila Ama't Ina hindi nararapat na paghintayin.

" Narito na po sila." Nakita ko naman sila Sebastian at ang magulang nito.

" Ikinagagalak kong muling makita ka, Don Alfredo Del Riego." Tugon noong bisita kay Ama.

" Ako'y nagagalak rin, amigo Sergio Seguisimundo." At iyon nagkamayan sila. Habang abala sila ay pumunta ako sa isang sulok, wala masyadong makakakita saakin, sinilip ko parin sila pero biglang may patak ng dugo sa sahig at napagtanto kong sa ilong ko galing iyon.

Masyado na akong nahihilo, isa pa hindi na ako makakita ng maayos, napakasakit na ng ulo ko.

" Don Alfredo, nasa labas na po ang Pamilya Marina." Tugon ulit noong lalaki. Kung kailan hindi ko na kaya ay saka palang sila darating.

Nakita ko na sila na pumapasok, nauina iyong haligi ng tahanan, sumunod iyong kanilang Ina. Nahihilo na talaga ako, unti nalang at hindi ko na kakayanin. Sumunod naman pumasok iyong dalawang dalaga na tila ba pamilyar saakin ngunit di ko masyadong maaninag pagkat lubhang masakit na ang aking ulo. Bigla nalang akong napaupo sa sahig at wala paring tigil ang pagdugo ng aking ilong. Hindi ko na kaya, kahit Sino siguro ay hindi na kakayanin, alam ko rin na sa anumang segundo ay mawawalan na ako ng malay. Ngunit bago iyon, bago ko ipikit ang aking mga mata, muli kong inaninag iyong isa sa magkapatid. Siya nga. Bago ako tuluyang pumikit, isang ngiti ang gumuhit saaking labi.

Ikaw iyan,

Nahanap na kita, Prinster.








A Great Pretender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon