" Ang ingay niyo. Maaga pa para mag ingay." Saway ni Kuya.
" Doon na muna ako, Paalam." Dugtong pa ni Kuya. At dahil sa salitang PAALAM ay naalala ko kagabi.
Kasabay nang malamig na simoy nang hangin ang pagpikit nang aking mga mata ay may bumulong saaking nang salitang "Paalam". Nilingon ko ito ngunit wala. Maya maya pa ay biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ang tinig nang matanda.
" Ika'y magpapaalam sa kasalukuyan, at pansamantalang babalik sa nakaraan." Tugon nito nang gumising ako kanina.
" Kapatid, ano namang gusto mong katapusan nang kuwento na gawin mo? " biglang tanong ni Ate.
Wala pa ngang katapusan agad? Tss. Ate talaga.
" Siyempre, masaya dapat." Sagot ko. Pero imbis na sumagot ay tumayo at dumungaw si Ate sa may bintana habang tinatanaw ang nasa labas.
" Hindi lahat nang kuwento masaya ang katapusan, Precious. Yung iba kalungkutan o trahedya. Masakit."
Tinitigan ko siya. Sabay nang aking pag ngiti." Kung ganoon ay tanggapin nalang natin." Sagot ko.
" Yung sana ay Kung madali Lang, ang kuwento sa likod nang libro ay maaring totoo." Sambit pa niya. Sa mga katagang iyon ay parang pinana ako. Kuwento lang pero makatotohanan na. Ako lang. Ako lang ang may alam at ako lang ang maghahanap nang sagot sa mga misteryo.
At sa lagay na ito, nakaramdam nanaman ako nang Hilo at pagkatapos noon at tuluyan na along bumagsak.
~
" Halos lagi siyang nakararamdam nang panghihina, hindi na namin alam." Dinig kong sabi ni Ate.
" Paano siya nagkaroon nang ganiyan? Hindi naman siya ganyan dati." Tugon ni Mader. Nang makita nila akong gising ay agad silang lumapit.
" Anak. B—akit hindi ka nagiingat." Alalang alalang sambit nang Ina ko. Pero bakit ba? May—may sakit ba ako? Pansin ko lang ah, napapadalas na ako dito.
Suki na ako nang paggamutan.
" Kapatid, alam mong ikaw ang bunso, bakit pinag aalala mo kami?" Malambing na tugon ni Ate. Pero halata ang lungkot sa mga mata niya.
Gusto kong malinawan sa nangyari.
" Kaya pala namumutla ka, alam mo ba? Bakit hindi mo manlang sinasabi saamin. Anak, pakiusap ko lang, ingatan mo ang sarili mo. Baka sa oras na mahanap na natin ang kakambal mo ikaw naman ang malagay sa peligro?" Sambit Naman nang tatay ko.
Masyado mang corny na kung corny ang mga sinasabi nila, naiintindihan ko. Minsan na silang—kaming nawalan. At nagpapasalamat ako dahil kahit ganyan sila ay nag aalala sila saakin. Napapakita at napapadama nila ang pagmamahal nang isang pamilya.
" Mahal ka namin, pero sana maintindihan mo rin kami. Sana ay nagsasabi ka." Sambit naman ni Kuya.
Eh? Paano ko kayo naiintindihan kung hindi ko alam kung tungkol saan ang mga sinasabi ninyo?
Ansarap isipin na buntis ako dahil sa pinaggagagawa ninyo.
" Ano po bang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?" Pagtatanong ko.
" Sabi nang doktor ay—may s—sakit ka d—daw s—a dugo." Halos hindi na masabi nang diretso dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/176552169-288-k700917.jpg)
BINABASA MO ANG
A Great Pretender
Historical FictionPaano kung mapunta ka sa isang libro? Paano kung ang matagal mo nang hinahanap ay nasa loob din nang libro na may makasaysayang kwento? Paano kung dito mo mahanap ang mahal mo? Babaeng simpleng namumuhay pero napunta sa loob nang libro sa hindi mal...