" Oy anong nangyari? Sabi mo hindi ka nasaktan?" Sabi ni Ate saakin habang tinitingnan ang napaso kong kamay.
Lumapit naman si Mader.
" Nasan na ang Ser mo? Tingnan mo na! Nabagsakan ka! Napaso ka! Ano bang nangayari? Alam mong ayaw ko sa lahat ang nasasaktan ka! Paano kapag nawala ka?" Tanong ni Mader saakin. Natawa naman ako dahil sa mga sinabi ni Mader. Mahal na mahal ako ni Mama.
Napakabait ni Mama kaso nagiging OA siya sa ganitong pagkakataon.
Akala nila ay napaso ako sa sunog kanina.
Ang sarap tumawa,
Hindi ko maaring sabihin ang totoong nangyari hindi di sila maniniwala.
" Lampa ako. Lampa po kasi ako. Mabuti nalang dumating si Ser para hindi nako napuruhan. " Sabi ko. Itong palusot lang ang magagawa ko.
Napatango naman sila at paniwalang paniwala. Bilib na bilib.
" Oy! Diba kailangan mo iyon?" Tanong nang kapatid ko sabay turo doon sa libro.
" Huwag na Ate, masasaktan lang ako." Sabi ko. Baka mapaso ulit ako.
" Masakit talaga ang pagkamatay ni Alexandra." Wika ni Ate. Gustong kong tumawa. Hindi naman iyon ang masakit Ate, pero nag echo sa pandinig ko ang "Pagkamatay ni Alexandra".
" Eh Ma, Pa, Ate, Kuya, aakyat na muna ako para magbihis" sabi ko sa kanila. Napatango naman sila at umakyat na ako nang kuwarto.
Bigla ko naman naiisip, bakit naman ako mapapaso sa librong iyon?
Napa isip tuloy ako kung totoo ang napaginipan ko kagabi. Baka napunta talaga ako sa kasaysayan.Totoo nga ba?
Tumingin ako sa relo at ala sais na nang hapon. Napakabilis nang oras hindi ko na ito namalayan. Bumaba ako para sa paghahanda nang hapunan. Pagkatapos nito ay sabay kaming nagdasal at nagsalo sa hapag.
Pagkatapos ay ako ang naghugas dahil napakabait kong anak.
Umakyat ako sa kuwarto pagod ang aking katawan at isipan. Maaga pa para matulog pero mayroon na kung ano na naguudyok saakin para ipikit ko ang aking mata at matulog.
---
" Hindi parin ba gumigising ang Binibining Alexandra? " tanong nang isang tinig para bumasag sa mahimbing kong pagkakatulog.
Ang paligid,
Nandito nanaman ako?
" Labis na kaming nag aalala dahil magdadalawang araw na siyang hindi nagigising " sabi nang babae na kinikilala kong Ina.
" Kung sakaling magkaroon na siya nang malay, ipabatid niyo nalamang po saakin." Wika nang lalaking suplado na walang iba kundi si Leanard. Aalis na sana siya nang magsalita ako.
" Leanard" mahinang wika ko na siya lamang ang nakarinig. Pero napatingin narin saakin si Ina.
Hmmp-dapat si Ina ang aking unang tinawag!
" Anak! " tanging nasambit ni Ina at binigyan ako nang yakap.
" Ang Binibining Alexandra, " tinig na may halong pangiinis.
" Salamat, dahil nagising kana, Anak." Wika ni Ina habang hinahalikan ang mga kamay ko.
" Ano ang nangyari?" Pagtatanong ko sa kanila.
Napangiti naman nang mapait si Ina.
" Nakita ka namin na walang malay sa iyong silid. Noong isang araw pa." sabi ni Ina saakin. Dalawang araw? Hindi ako makapaniwala na totoo ang lahat nang ito. Kung maiiglip ako sa kasalukuyan ay magigising ako sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
A Great Pretender
Historical FictionPaano kung mapunta ka sa isang libro? Paano kung ang matagal mo nang hinahanap ay nasa loob din nang libro na may makasaysayang kwento? Paano kung dito mo mahanap ang mahal mo? Babaeng simpleng namumuhay pero napunta sa loob nang libro sa hindi mal...