“ Paumanhin Donya Andrea, masyado po kaming abala sa mga gawain. Ipagpatawad niyo po at hindi namin siya napansin agad.” Iyon ang mga salitang narinig ko hanggang sa may mga malamig na kamay na humawak saaking braso.
Laking gulat ko ng makitang si Leanard iyon!
Nang makita niya akong gising ay bigla siyang napabitaw.
“ Ipagpaumanhin mo, Binibining Alexandra.” Tugon niya at yumuko.
“ Ikaw...”
“ Ako? ” Tanong niya at ngumiti.
“ Nagkukulay pula ang iyong mga pisngi, Alexandra. Tila gusto mong hawakan kita.” Gulat akong napatingin dito. Anong iniisip niya? Hindi.
“ Anak, Salamat sa Diyos at nagising kana. Ngunit bakit napakamasakitin mo? ” Naiwan akong tahimik sa panahong iyon dahil biglang pumasok sa isip ko si Prinster.
“ Ma—Ina, maari ko po bang malaman kung nasaan sila? Ang pagpupulong po? ” Tanong ko.
“ Tapos na ang lahat anak. At kung kailan tapos na...” Pansin kong masamang tumingin si Ina sa mga katulong.
“ Saka ka lamang nakitang walang malay.”
Sambit nito.Ibig sabihin—naipagkasundo na silang dalawa? Si Hasmin at si Leanard? Bakit sa dinami dami ng tao sa nakaraan ay sila pa? Hindi ko alam kung nahihirapan lang akong aminin sa sarili ko na maaring...selos ito?
Ngunit hindi ako sigurado. Sino sa dalawa si Prinster? Si Hasmin kaya o iyong kasama niya?
Sumulyap ako kay Leanard, wala siyang reaksyon, unang beses kong nakitang ganito.
“ Hindi ko gusto ang napagkasunduan. Ngunit alam ko sa sarili kong wala akong magagawa. Pasya parin nila ang mananaig sa huli. Isang kahihiyan para sa kabilang pamilya kung tatangihan ko ang alok.” Malungkot na tugon niya.
“ Hijo, matutunan mong mahalin ang babae na naipagkasundo sa iyo. Ngunit isang malaking hadlang kung may iniibig kang iba.” Tugon ni Ina habang nakatitig sa mata ni Leanard.
“ Mayroon na nga ba, Señorito Angelo? ” biglang pasok ni Alejandra. Sa pagtanong niya noon ay lahat sila'y nakatingin saakin. Naka ilang lulon pa ako ng sariling laway bago tumikhim.
“ Wala akong magagawa sa kasunduan, kahit may iba akong napupusuan.” Tugon pa niya.
“ Napakaswerte naman ni Binibining Alexandra.” Kunot noo kong nilingon ang nagsalita. Isang kasambahay iyon na ngayon ay nakatakip ang palad sa kaniyang bibig.
“ Ako? Ako? ” Hindi ko alam kung bakit naisabi ko iyon.
Dahan dahan naman silang ngumisi lalo na si Leanard.
“ Huwag kang mag alala, hindi naman ikaw ang tinutukoy ko.” Ngisi niyang tugon saakin. Ngunit kakaibang epekto ng mga salita na iyon. Kanina ay maaring ginigiit ko ang lahat ngunit ngayon ay tila isang libong punyal ang nakabaon saakin.
“ Wala naman palang dapat ipag alala. Kung ganoon nais ko na pong bumalik sa mansyon pagkat maayos na ang aking karamdaman.” Seryosong saad ko. Ganoon nalang ang pagmamahal ni Ina kay Alexandra kaya't nagawa niyang sundin ang nais ko.
Ito na ang oras ko para hanaoin ang aking kapatid. Prinster. Napakaraming tanong sa isip ko ngunit wala akong panahon para doon.
Siguro ay hating gabi na, kaya sa sobramg pagod ay nakatulog ako.
“ Magandang umaga, Binibini.” Tango at pagngiti lamang ang isinagot ko sa mga kasambahay na magiliw akong binati.
“ Magandang umaga, Ama't Ina.” Bati ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
A Great Pretender
Historical FictionPaano kung mapunta ka sa isang libro? Paano kung ang matagal mo nang hinahanap ay nasa loob din nang libro na may makasaysayang kwento? Paano kung dito mo mahanap ang mahal mo? Babaeng simpleng namumuhay pero napunta sa loob nang libro sa hindi mal...