VII : Sebastian

245 1 0
                                        

Gusto ko siyang hambalusin. Nakakainis ang tawa niya na walang katapusan. Pero hindi ko siya masisi dahil napahiya talaga ako roon.

" Pasensya na. Hindi ko naman batid na kayo'y magkapatid." Wala naman talaga akong alam. Anong kaalam alam ko sa nakaraang hindi na binibigyang pansin nang kasalukuyan? Bilang nalang ang mga taong pilit itong tinutuklas.

" Bakit ka naririto, Leanard? Masamang makita tayong magkasama." Sabi ko rito at yumuko lamang siya at muling tumingin saakin.

" Kapwa sila may pinagkakaabalahan sa loob. " tipid niyang sagot.

" Itutuloy mo ba ang pagpaparoon sa ibang bansa? " pagtatanong naman niya na matagal kong nasagot. Bakit kailangan pa nang isang binibining katulad ko na pumunta sa ibang bansa? Bakit ang nalaman kong patakaran sa kasalukuyan ay ibang iba sa nakaraan.

' Asahan mo na kapag ang pamilya natin ang kumilos ay walang ibang makababatid noon at makapipigil.'

Naalala ko ang sinabi ni Alejandra noong kami ay panandaliang nagusap.

Kung ganon, bumabaluktot din sila sa pamahalaan kahit pa hindi ito tama. Hindi tama ngunit sa ikabubuti nila. Namin.

" Hangga't maari, ayaw ko muna itong pagusapan. Nagsisimula palang ako dito." Wala sa sarili kong sagot.

" Nagsisimula? " pagtatanong niya. Ano bang sinabi ko?

" Huwag mo nang pansinin iyon." Sabi ko at agad siyang tinalikuran. Bakit ba at kaydaldal ko?

" Iyan ba talaga ang ugaling kinagisnan mo, Alexandra? Ang ugali na talikuran ang isang Ginoo na tulad ko? " pagtatanong ni Leanard. Hindi ko inaasahan ang pagtatanong niya. Hindi ako sumagot dahil dali dali akong pumunta sa loob ngunit sa kamamadali ay may nabangga rin akong isa pang Ginoo.

" Uhm—pasensya." Sabi ko nang nakayuko. Pero nanatili parin siyang nasa harap ko lamang.

" Ugali niya iyan." Wika ni Leanard na kanina pa nakabuntot saakin.

" Nakalimutan na siguro ako nang Binibining ito. Hindi na naaalala nang Binibini ang lihim niyang kaibigan." Nagulat ako sa sinabi nang lalaki. Paano ako makakalusot? Wala akong alam. Wala.
Pasimple ko siyang sinulyapan at sa kanyang muka ay may naaalala ako.
Pamilyar. Pamilyar talaga.

" Patawad ngunit kailangan ko nang magtungo sa aking silid. Hindi maganda ang pakiramdam ko."

Hindi dapat ako nakikihalubilo sa mga kalalakihan sa panahong ito. Wala ako sa kasalukuyan.

Wala akong naging ibang palusot kundi ang magdahilan na masama ang pakiramdam ko.

" M—masama ba ang iyong P—pakiramdam? " Nag aalalang tanong ni Leanard. Kung hindi lang ata ako nagpapalusot ay kanina pa ako natawa.

Nag aalala siya...

" Salamat, Ginoo ngunit kaya ko ang aking sarili." Sabi ko na bahagya niyang ikinakunot nang noo. Alam kong nanibago siya sa paraan ko namg pag sasalita.

A Great Pretender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon