III : Presyus

303 2 0
                                    

"Presyus" tawag niya sa tunay kong pangalan.

Kaya nilingon ko siya. Ngumiti naman siya nang nakakalokomg ngiti na ikinainis ko. Buwisit!

Bumalik ako sa mansyon marami paring tao na naguusap, ang iba'y patuloy sa pagkain nang handa at ang iba'y nagtatawanan.
Hindi ko naman maintindihan ang iba dahil wikang Español ang gamit nila.
Marunong ako pero hindi lahat.

"Alexandra, hindi makakarating ang Gobernador heneral at ang ibang kasapi nang Pamahalaang lokal. Sila'y mayroong importanteng gawain. Ang ibang Principalia lang ang makakarating. Sana'y ayos lang sa iyo" wika naman ni Alejandra.

"Ayos lang iyon kambal," wika ko.

Wala akong pakialam kung hindi sila makarating wala naman akong kakilala sa kanila.

"Nako, Alexandra natutuwa ako dahil sa ikalawang pagkakataon ay tinawag mo akong kambal. Sa labing siyam nating pagsasama ay ikalawang beses mo palang akong tinawag na kambal." Sambit niya pa.

Talaga? Pangalan lang ang tawagan nila? At 19 years old na sila? Parang hindi ko kayang panindigan ang paguugali ko, hindi pantay kung ang ugali ko ay ganito tapos labing siyam na ang edad ko.

"Mi Amor" tawag ni Remy kay Alejandra. Pagka sweet nemen!

"Binibining Alexandra, hiramin ko muna ang Señorita Alejandra." paalam naman ni Remy saakin.

Tumango naman ako, moments niyo iyan.
Tiningnan ko ang paligid lahat ay nagsasaya parang walang problema.

Sandali palang ako rito pero kapag umalis ako ay parang ma mimiss ko ito.

Pero bakit nga ba ako nakapunta rito?
Paano ako makakaalis sa lugar na ito?

"Paano na ako?" mahinang bulong ko.
Ganoon talaga ko, pag may problema ako ay sinasarili ko lang at kakausapin mag isa ang sarili. Pero hindi ako baliw.

"Nagsasalita ka nanaman" tugon nang lalaki sa likod ko.

"Ikaw nanaman" sagot ko.

"Malala na ang sakit mo Binibini. Madalas na ang iyong pagkausap sa sarili." Sambit pa niya.

Sakit ba ito? Bobo. HINDI.

"Tss." Sambit ko at tinalikuran siya.

"Presyus, lagi kanalang lumalayo," wika niya.

Yung pangalan ko nanaman.

Natatawa ako dahil sa pagbigkas niya sa pangalan kong Precious.

Lalayo ako, dahil habang maaga pa, hanggang hindi pa huli ang lahat iiwas na ako sa iyo ayaw kong mahulog sa iyo, dahil pag nangyari iyon hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati rin ako.

Humarap ako at nagsalita.

"Ang suplado mo, lagi ka nalang mangiinsulto, lilitaw ka para manginsulto. Ginoo ka pero napaka suplado mo!" Sabi ko sa kanya.

"Suplada karin naman Binibini, pero tinalikuran ba kita?" Pagtatanong niya.

"Leanard ayaw—" hindi niya na ako pinatapos.

"Bakit Leanard ang tawag mo saakin, Leanard Angelo ang pangalan ko Angelo ang itawag mo" sambit niya.

"Leanard ang nakasanayan ko, noong tinawag mo akong Precious nagreklamo ba ako?" Sabi ko naman.

"Dahil ikaw mismo ang nagsabi ikaw si Presyus" sabi naman niya. Sabagay may point kadin naman.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Kung magkakasagutan lang kami ay hahaba lang nang hahaba ang usapan.

Pumasok ako sa loob nang kuwarto ko at binuksan ko ang kabinet at laking gulat ko nang makita ko ang ilang gamit ko sa loob.

Ang wallet ko, history notebook at ang Music notebook ko. Tiningnan ko yung wallet ko nandoon yung family picture namin, yung card ko at yung dalawang libo, anong gagawin ko? Eh iba naman ang pera sa panahon na ito.

Tiningnan ko yung taas nang kabinet at may nakasulat na Felipinas. Siguro matagal na ito?

Ang Felipinas ay ang pangalan na ibinigay ni Ruy Lopez Villalobos sa kapuluan na ating bansa ngayon.

May advantage din saakin na makapunta sa panahong ito, mas lalo ko pang matututunan ang mga nais ko malaman.

Bigla naman akong nakaramdam nang sakit nang ulo.
Sobrang sakit kaya napaupo ako sa sahig. Anong nangyayari saakin? Parang gusto ko nang maiiyak sobra talaga, sobra parang— basta hindi ko maintindihan napakasakit nanghihilo na ako tapos hindi na ako makakita nang maayos, parang umiikot yung buong bahay——

Everything went black.

————

" Precious..." Tawag nang isang boses, pamilyar na boses.
Kuya? Kuwarto ko na ulit!

Itutuloy...

A Great Pretender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon