"Precious gising na!" Wika nang isang tinig.
Kuya? Nasaan ako?
Minulat ko ang mata ko. Nasa kwarto na ako! Sa kwarto ko."Kuya " yakap ko sa kanya.
Ibig sabihin panaginip lang ang lahat nang iyon? Parang—— parang totoo.
"Sige na Precious. Maghanda kana. Bilisan mo." Sabi ni Kuya saakin.
Ayon nga nagbihis ako, at bumaba narin para kumain nang almusal. Nagayos pa ako nang kaunti bago sumakay sa kotse.
Habang nasa kotse sinusulat ko ang sagot sa takdang aralin namin. Hindi ko kasi nagawa kagabi. Kahit yung kay Morroca ay dali dali kong sinagutan.
"Thanks Kuya," sabi ko kay Kuya nang makarating na kami sa iskwelahan.
Bumaba ako nang kotse at naglakad papunta sa room.
Marami rami na rin sila. Kung hindi siguro ako ginising ni Kuya ay late na ako. Noong nakita ko si Morroca ay agad kong ibinigay ang notebook niya."Thanks, UGLY NERD" nakangiting sabi niya at nagtawanan sila nang mga kasama niyang alipores.
Maya maya pa ay dumating dumatung na si Sir. Gaya nang dati ay nagdiscuss siya at nagtanong about sa ibinigay niyang takdang aralin.
"Ecomienda- galing sa salitang Español na Ecomendar na nangangahulugang ipagkatiwala.
Ito rin ay pahintulot sa isang Español na pangasiwaan ang isang teritoryo at ang mga mamayan dito. Ang Ecomienda ang unang hakbang sa pagtatag nang Kolonyang Español sa Pilipinas. May——" hindi na natapos si Morroca sa pagbabasa nang assignment niya na hindi naman siya ang gumawa dahil biglang nagsalita si Sir."Its enough. Good for you Morroca, you have complete answer for your assignment." Matigas na sabi ni Sir sa kanya. Ngumiti naman ito nang peke, tumango at umupo na.
"How about the Tributo?" Pagtatanong ni Sir sa second question.
" Ito ay maaring bayaran nang salapi" sagot naman nang isa ko pang kaklase.
"Ms. Amflei" tawag saakin ni Sir.
Tumayo naman ako at sumagot.
"Ang Galyon Trade o Kalakalang Galyon ay——" hindi na ako pinatapos ni Sir magsalita. Dahil agad niya itong pinutol.
"No. Not that one. Precious, Im not asking yet," wika ni Sir saakin.
Sabagay, may point ka din Sir. Naiinis naman ako dahil narinig ko ang mga tawa nila Morroca sa likod. Sige tawa lang, may araw rin kayo.
"Alam kong lahat kayo may sagot." Nakangiting wika ni Sir.
Pero sa pagngiti niya ay natahimik ang lahat.
"Let's have a Graded Recitation" wika ni Sir saamin kaya naging mapait ang mga muka nang mga kaklase ko.
"Sir! Hindi kami nagreview!"
"Wag na Sir!"
" Amboring naman!"
"Wag na Sir"
"Kill joy si Sir"
"Sir naman!"
"Si Sir, kill joy. Anyare Sir?"
"Stop that Sir"
Sari sari nilang sabi, mga pagtutol nila sa Graded recitation kuno'.
"Itong lesson na ito ay preview lang diba?, So lets have a fun. Ang question sa recitation are personally. In short, lets play a personal game." Wika ni Sir saamin.
BINABASA MO ANG
A Great Pretender
Historical FictionPaano kung mapunta ka sa isang libro? Paano kung ang matagal mo nang hinahanap ay nasa loob din nang libro na may makasaysayang kwento? Paano kung dito mo mahanap ang mahal mo? Babaeng simpleng namumuhay pero napunta sa loob nang libro sa hindi mal...