VI : Morroca

235 2 0
                                    

" Alexandra! " ang biglang pagbukas nang pinto kasabay nang pagtawag saakin ni Alejandra.

" Kambal." Ang tanging sagot ko dahil agad naman niya akong binigyan nang yakap.

" Mabuti naman at gumising kana. Nag alala kami sayo." Wika pa niya. Ngunit ilang sandali pa ay sumilay ang ngiti sa labi niya at nilingon si Leanard.

" Lalo na ang Señorito Angelo, halos lagi siyang napaparito." May halong pang aasar sa kanyang tono habang nakangising nakatingin lay Leanard.
Nang lingunin ko rin ito ay nagulat ako nang magtama ang aming paningin.
Halatang nagulat rin pero agad namang sumeryoso ang kanyang muka at marahang tumango.

Tss.

" Binibining Alejandra, Sinong kasama mo paparito? " pagtatanong niya na halatang iniiba ang topic.

" Si Remedios, nasa labas lamang siya." Tugon ni Kambal.

" Napakasaya ko mga anak, dahil sa kabila nang lahat nang mga pangyayaring ating pinagdadaanan  lalo na saating bayan ay nananatili parin tayong matatag." Emosyonal na wika ni Ina. Napagtanto ko naman na tama si Ina, napakaswerte ko dahil kahit nasa nakaraan ako ay may pamilya akong gaya nila.

Mapa kasalukuyan o nakaraan, hahanapin kita Prinster.

" Masaya ako Ina, masayang masaya." Wika ni Alejandra na may matamis na ngiti sa labi.

" Pag lumaon ay ikakasal kana, at masaya ako at nakapili ka nang nararapat sa iyo, anak ko." Wika pa ni Ina kay Alejandra na tinutukoy ang nobyo nitong si Remedios.

" At ikaw, sana makapili ka narin nang iyong iibigin. " sabay tingin ni Ina saakin. Ako? Ngunit sa kabila nang ngiti ni Ina ay biglang lumabas sa silid si Leanard.

" Leanard! " tawag ko pero deretso siyang nagpunta palabas. Anong nangyari doon? Hindi lang ako ang nagtataka, nang tingnan ko si Ina at Kambal ay maging sila ay nagulat sa inaasta nang supladong lalaki.

" May nangyari po ba? " pagtatanong ko. Hindi ko alam, ngunit parang habang tulog ako ay may bagay silang pinagusapan na hindi ko nalalaman.
Umiling iling si Ina at nagsalita.

" Binabantayan lang kita mula kahapon anak."

" Alexandra." Nilingon ko si Alejandra dahil ramdam ko ang pag aalala sa kanyang boses.

" Bakit? " Nagkatinginan kami ni Ina nang sabay kaming nagtanong.

" May pagpupulong na nagawa sa mansyon kahapon, Ina, Alexandra." Nakayuko niyang wika na nagpakunot nang noo saaming pareho ni Ina.
Anong napag usapan?

A Great Pretender Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon