CHAPTER ONE : * ANG SIMULA *
KATE's POINT OF VIEW ★
"Tayo lang ba talaga ang magbabakasyon kuya?" Tanong ko kay Kuya Kent
"Oo, wala namang iba 'di ba? Alam mong busy sila, trabaho ang priority nila hindi tayo Khazmyn."" Sagot niya sa akin habang nag iimpake ng mga gamit namin.
Bakasyon kasi kaya uuwi kame sa probinsya ng ilang linggo.
I'm PRINCESS KATE KHAZMYN GOMEZ , 17 years old and fourth year highschool na sa pasukan, late kasi ako nag aral e.
"Wala na ba kayong nakalimutan? Nandito na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong ni Kuya
"Yes, Let's go. Baka maabutan pa nila tayo dito e masira pa ang plano." Sagot ko
"Pabuhat nga ng bag ko." Utos ko sa kapatid ko
"Bakit ba ang bigat ng bag mo ate? Ano 'to?" Turo niya sa picture frame na kinuha niya sa loob ng bag ko.
"Ibigay mo nga sa akin 'yan!'' Sabay agaw ko sa hawak niya.
"Kate! Bakit ba kasi pati 'yan e dadalhin mo pa? Kaya nga tayo pupunta dun e hindi lang para magbakasyon, para din maka-move on kana sa ex mong niloko at pinag laruan ka lang." Seryosong sabi ni Kuya Kent sa akin.
Grabi, ang sakit niya magsalita ah. Anong kasalanan ko e nagmahal lang naman ako.
"Ate tanggapin mo na kasi, niloko ka lang nun, pinag tripan kaa kasi nga ang taba taba mo, sa tingin mo ba may magseseryoso sayo? Move on." Sabi pa ng kapatid ko
Siguro nga panahon na para kalimutan ko na siya.
Hayyyyyyy ! Pero mahal ko pa rin siya kahit niloko niya ako. Hindi naman ako masyadong mataba ah slight lang, mga pagkain kasi e inaakit ako palagi.
Tiningnan ko ang hawak kong picture frame, pestiii nakangiti pa ang G*go!
Kinuha ko ang picture, pinagpupunit at itinapon yung parang ginawa niya sa puso ko , pinag pipiraso piraso niya tapos ayon tinapon na lang. Tsk!
"Tara na, darating na yung mga yun. Anong oras na oh." Sabi ni kuya Kent habang nakatingin sa relo niya at iiling iling.
Pasakay na sana kami ng Van ng may tumigil na kotse sa tapat ng gate namin.
"Nand'yan na sila." Bulong ni Kuya
"Hi mga anak." Bati agad ni Mommy pagbaba niya ng kotse.
Ngumiti lang kami pero pilit.
"Sa'n ang punta niyo? Mukhang ang dami niyong dala?" Tanong ni daddy
"Well, it's none of your business PO Dad." Sagot ni Kuya
"Hindi na lang kaya ako sumama?" Biglang sabi ng bunso kong kapatid kaya kunot-noong napatingin kami ni Kuya sa kanya.
"Kurt! Pasok na sa Van, now na!" Sabi ko habang pinandilatan siya ng mata.
"Pero ate–" Sagot niya kakamot kamot pa sa ulo.
"I said pumasok ka na sa loob! Magpapaiwan ka dito kasi nandito sila? Sa tingin mo ba magtatagal sila dito, aalis din sila agad tapos maiiwan ka mag-isan Sino kasama mo dito ha? Hindi lahat nag-e-stay Kurt!" Sabi ko at niyakap siya, ngayon ko lang siya nasigawan ng ganyan dala na rin ng init ng ulo dagdag mo pa ang pagiging broken hearted ko.
"Tara na, 'di ba tutulungan mo pa akong maka-move on sa lalaking yun!" Sabi ko sa kanya
"Mag-move on? Bakit anak may nanakit ba sayo?" Mukhang nag-aalalang tanong ni Mommy.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Random"You come to love not by finding a perfect person , but by seeing a perfect person imperfectly." [COMPLETED] ✓ Kailangan ba talagang masaktan dahil sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo e mahal ka rin automatic para kapag umayaw siya eh 'd...