CHAPTER EIGHTEEN
RICHARD " RITCHIE " POV
" Nandito na ako sa bahay , kakauwi ko lang dahil hinatid ko si Aubree pagkagaling sa party ni Kate.
" Ritchie , I mean kuya. I'm sorry "
Naalala ko yung sinabi ni Brittany. Pupunta sila dito kasama si daddy ? Hindi niya naman nabanggit yung mommy niya.
" Kuya ngayon ka lang dumating ? " Tanong ni Rhea
" Hindi. kanina pa , hindi lang ako makatulog " sagot ko " si mommy ? " Tanong ko
" Andun sa kwarto namin natutulog na , nagising lang ako kasi naccr ako " Sabi ng kapatid ko
" Sige na , cr na. Hihintayin kita dito " Sabi ko , kelangan ko 'tong sabihin sa kapatid ko , bukas nalang namin sasabihin kay mommy Kakauwi lang niya e Dina namin gigisingin.
" Kuya bakit hindi ka pa natutulog ? " Tanong ni Rhea " may problema ba , may gumugulo ba sa isipan ? " Tanong niya pa
" Diba Kilala mo na si daddy ? " Tanong ko
" Oo kuya , nung meeting nung nakaraan Nakita mo siya tapos sinabi mo sa amin " sagot niya
" Kuya sabihin mo nga sa akin ng deretso , kinakabahan na ako e " sabi ni Rhea
" Kasi kanina kinausap ako ni Brittany "
" Okay na kayo ? " Tanong niya agad
" Pssshhh wag ka maingay baka magising si mommy " Sabi ko
" Sorry kuya , Sige na. Ituloy mo na yung sinasabi mo " Sabi niya
" Sabi niya pupunta daw sila dito bukas , si daddy at Brittany " kwento ko
" Kasama yung mommy niya ? " Tanong ni Rhea
" Hindi ko alam , Basta ang Sabi niya ay silang dalawa daw " Sabi ko
" Paano yun kuya ? "
" Hindi ko din alam , bahala na " Sabi ko
" Sige na , matulog ka na ulit. Matutulog na din ako " sabi ko at pumunta na siya sa kwarto nila habang ako pumasok na din sa kwarto ko.
Ano bang gagawin nila dito ? Haysst * buntong hininga *
Bakit ba may nagyayari pang ganito ? Okay naman kame e
Nakatulog nalang ako sa kakaisip.
Kinabukasan maaga akong nagising , pumunta agad ako sa kusina para magluto pero si mommy nandun na nagluluto , ang aga naman yata niya , usually late na siya nagigising kapag day off niya.
" Good morning mommy , aga niyo ah "
" Good morning anak , namiss ko lang na ipaghanda kayo ng agahan " Sabi ni mommy na patuloy lang sa pagluluto
" Mamayang tanghali magluluto ako ng paborito niyong ulam , samahan niyo akong dalawa sa palengke ha " Sabi pa ni mommy
Nagtataka ako , nakakapanibago talaga.
" Mommy ? May sakit ka ba ? " Tanong ni Rhea na kakababa pa lamang
" Huh ? Bakit mo naman natanung anak ? Ikaw ha , masaya lang talaga si mommy " sagot nito
Paano namin sasabihin yung about Kay daddy Kung masaya si mommy , baka malungkot lang ulit siya pero kung hindi naman namin sasabihin baka magulat siya kapag biglang dumating si daddy at Brittany dito mamaya. "
" Sige na , maupo na kayo at mag aagahan na tayo " Sabi ni mommy
Kukuha na Sana ako ng plato pero pinigilan ako ni mommy
BINABASA MO ANG
When I Met You
Casuale"You come to love not by finding a perfect person , but by seeing a perfect person imperfectly." [COMPLETED] ✓ Kailangan ba talagang masaktan dahil sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo e mahal ka rin automatic para kapag umayaw siya eh 'd...