CHAPTER TWENTY FIVE
PRINCESS KATE KHAZMYN POV
" Arf Arf * sabi ng aso sa tabi ko , kanina pa siya pabalik balik at tinatahulan ako.
" Snowy , sit down " sabi ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
" Pasok "
Si mommy pala kasama si daddy at agad nilang isinara ang pinto at kaagad inilock.
" Mommy , Daddy "
" Anak , narinig mo yung sinabi ni bunso kanina ? " Mahinahong tanong ni Mommy
" Opo " sagot ko
" Totoo ba yun Anak ? " Tanong naman ni Daddy
Tiningnan ko sila pareho.
" opo , totoo po yun. Ako nga po si Miss skateboard " sagot ko at napatungo na lang
" Paano nangyari yun anak ? " Tanong ni daddy
" Oo nga , sikat ka pala Anak pero hindi nila alam na ikaw yun " sabi ni mommy
" Ganito po kasi yun , nag skateboard ako sa may park tapos nakita ko yung takoyaki kaya bumili ako , tapos yung skateboard e naiwan ko '' umpisa ko
" Yong regalo ko sa iyo ? Pero nakita ko sa baba ah " sabi ni daddy
" Nung araw po na yun , kinausap ako ni klark hindi ko pa siya kilala nun. Narinig niya kasing kumakanta ako Sabi niya sama daw ako sa gig niya minsan e natakot ako kasi hindi ko siya kilala tapos biglang tumawag si Kurt , nagmamadali po akong umuwi tapos pagka uwi ko naalala ko naiwan ko pala dun sa tinambayan ko " sabi ko pa
" Tapos si klark ang nakakuha ? " Tanong ni mommy
" Opo , hinahanap ko lang po sa kanya , nasa kanya nga pero may kondisyon siya kaya pumayag ako kasi baka mapagalitan mo ako daddy " sabi ko pa
" Nagkaroon po kame ng deal , ibabalik daw po niya sa akin yung skateboard ko kapag sumama ako sa gig niya kaya ayunnn ! " Sabi ko
" Ahh dun pala kayo nagsimula tapos magkaibigan pa sila ng Kuya mo " sabi ni mommy at niyakap niya ako , napaiyak ako.
Hirap na hirap na ako , pero ginawa ko 'to kasi gusto ko bumalik yung tiwala ko sa kanya.
" Sige na , pahinga ka na . Papadalhan kita Ng pagkain Kay Yaya Sally " sabi ni mommy bago lumabas ng kwarto ko.
Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko naaalala ang mga pangyayaring yun , Sino ba namang makakalimot kung saan kayo unang nagkita at nagkakilala ng taong minamahal mo ng lubos.
Wala talaga akong amnesia : (
Ginawa ko lang ito lahat dahil sobrang nasaktan ako , Ewan ko ba sa sarili ko pero alam kong magiging okay din kame , Hindi pa lang ako handa ngayon , gusto ko bumalik kame sa dati , yung kame lang , yung walang Charlotte na sisira sa amin.
Minsan gusto ko nalang kumain ng hipon , magpagulat tapos mamumutla , hindi makakahinga , mawawala na , lilisan na pero kinakaya ko pa rin lahat.
Pero Wala talaga ako sa sarili ko nung nakausap ko sila nung una. Ilang oras lang naka alala na ako pero pinaki usapan ko ang doctor na wag sabihin sa pamilya ko.
FLASHBACK !
" Hinga ng malalim iha " sabi ng doctor habang chinicheck ako pagkagising ko.
Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung paano at bakit ako dapat umiyak. Kung anong dahilan , kung bakit ako nasa hospital.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Random"You come to love not by finding a perfect person , but by seeing a perfect person imperfectly." [COMPLETED] ✓ Kailangan ba talagang masaktan dahil sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo e mahal ka rin automatic para kapag umayaw siya eh 'd...