CHAPTER 5

17 1 0
                                    

CHAPTER 5

KLARK POV

Tadhana naman oh , sinasadya mo na talaga e.

Ang cute ng suot niya at Ang ganda niya talaga.

Sinabi ko bang maganda siya ?  Kahit ako mismo e nagulat sa naisip ko.

" Hey dude , halika ka na , tulala ka diyan. 'wag mong sabihing nagagandahan ka sa kapatid ko , aba ! Nasa lahi namin yan " Sabi ni Kent habang tawang tawa Samantalang ako eto dahan dahang naglalakad palapit sa kanila na halos parang tambol na ang puso ko sa lakas ng kabog.

Bakit ako kinakabahan ?

" La La LaLaLaLa LaLa LaLaLaLaLa " kanta ni miss skate board habang inilalagay sa isang plato ang mga cookies na niluto niya.

Nakatingin pa din ako sa kanya habang umiinom ng juice.

Biglang nagsalita si Kent " Alam mo ba dude , Yung kapatid kong yan mahilig din sa skateboard " at dahil sa sinabi niya ay naibuga ko yung iniinom ko

" Cough cough "

" Bakit dude ? Naalala mo na naman siya ? HAHAHA " pang aasar ni kent , Kung alam niya lang e

Tinanggal ni miss skate board ang headset niya.

" BABY ! " sigaw niya ng malakas kaya lahat kame e nagulat

Baby ? May boyfriend na siya , siguro Kaya siya nagbake ng cookies e andito boyfriend niya. hayss !

Bakit naman ako nalulungkot ? E ano naman kung may boyfriend na siya.

Bumaba ang isang lalaki galing da kwarto nila sa taas.

" Tinatawag mo ba ako ate ? " Tanong nito

Kapatid din niya ?

" Oo , luto na yung cookies " sagot ni miss SB

" Kuya , diba siya yung lalaking nasa vedio , bakit andito siya ? " Tanong ng kapatid ni Kent sa kanya

Medyo kinabahan ako ng biglang tumingin sa miss Skate Board sa gawi namin , kumunot ang noo niya

" What are you doing here ? " Tanong niya na sa akin nakatingin , napalunok ako. Anong sasabihin ko ? Baka isipin niya na sinusundan ko siya.

'' Kilala mo siya ? " Tanong ni Kent sa kapatid niya

" NO ! I mean no , diba siya yung nasa vedio. Anong ginagawa niya dito sa bahay ? " Sabi ni miss SB

" Kaibigan ko siya " sagot ni Kent

" K-kaibigan mo ang lalaking yan K-kuya ?? " Nauutal niyang tanong

'' kaibigan mo kuya Sikat ? Cool " Sabi ng kapatid niyang lalaki

" Kurt , dalhin mo na 'to dun " Sabi ni miss SB sa kapatid niya

" Sandali Lang , ipapakilala ko lang kayo dito sa kaibigan ko " sabi ni Kent.

Yes makikilala ko din kung Sino siya.

Nakita ko ang reaction niya , Parang naiilang dahil ba sa suot niya o baka iniisip niya na baka sabihin ko sa mga kapatid niya na siya si miss Skate Board.

" Ito ang kapatid kong bunso , si Kurt Justin " Sabi ni Kent

" At ito naman ang kapatid naming babae , si Princess Kate Khazmyn " pakilala niya Kay miss SB , ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya.

" Wow ! Kelangan talaga full name  ? Pwede namang Kate na Lang kuya Kent jeric " Sabi niya na parang inaasar ang kuya niya

Tumawa lang si Kent at nagsalita ulit " at siya naman si klark , Klark Jethro Ferrer , kaibigan ko " pakilala niya sa akin

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon