CHAPTER 23

7 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

KLARK JETHRO POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Brinake ako ni Khazmyn ?

Charlotte !!
Sinasagad mo talaga ang kabaitan ko , ngayon hinding hindi ko na talaga palalampasin ang mga ginawa mo !

" Dude ! " Tawag ni Kent galing​ sa likuran ko

" Dude  I'm sorry. Hindi ko talaga kasalanan yun , alam mo naman kung gaano ko kamahal si khazmyn , kung gaano ko kamahal ang kapatid mo. " Sabi ko na medyo naiiyak na

" Dude , alam ko. Wala kang kasalanan , nakita ko ang lahat. Umuwi ka na muna at susundan ko na lang si Kate , pakalmahin mo muna siya bago kayo mag usap , maaayos niyo pa ito mis understanding lang yan " sabi ni Kent sabay tapik sa balikat ko

Sumakay na lang ako sa Jeep pauwi , tulala at hindi ko nga alam kung nakapag bayad ba ako sa Sinakyan ko.

Nagderetso na din ako agad sa kwarto ko bitbit  ang regalo ni khazmyn sa akin.

Agad kong binuksan at tumambad sa akin ang isang CD , kinuha ko ang CD player at inilagay dun at nagsimula ko ng panuorin.

* *  Hi Lalabz ko ! Happy first anniversary , stay strong sa atin. Iloveyou so much. Nag aral akong tumugtog ng gitara para kantahin ito sa iyo. * *  Sabi niya at ngumiti bago nagsimulang mag strum ng gitara , pansin ko din na puro band aid ang mga daliri niya.

^^

Kung malayo ka sa akin
Hinahanap hanap Kita
Di ko alam ang aking gagawin laging laman ng isip ko'y ikaw

Marinig ko lang ang boses mo
Umaapaw sa tuwa ang aking puso
At sana'y lagi tayong magkasama
Mababaliw ako pag nawalay ka

Ang sarap mong magmahal
Napakalambing mo
Yan ang hinahanap ko
Ang sarap mong magmahal
Napapawi ang problema ko

^^

Hindi ko mapigilan ang sarili ko , nag uunahan ang luha kong tumulo.

Bakit nga ba hinayaan kong magduda si khazmyn sa akin ?

^^

Pag nagkatampuhan tayo
Alam mo agad ang gagawin
Alam mong mahina ang loob ko
Pinalalakas lang ng iyong lambing

Marinig ko lang ang boses mo
Umaapaw sa tuwa ang aking puso
At sana'y lagi tayong magkasama
Mababaliw ako pag nawalay ka

Ang sarap mong magmahal
Napakalambing mo
Yan ang hinahanap ko
Ang sarap mong magmahal
Napapawi ang problema ko

Lalo na pag magkasama tayo
Naiinlove lalo sayo
Kaya't Wala ng hihigit pa
Ikaw na talaga
Ikaw na talagaaaaaa

ANG SARAP MONG MAGMAHAL 🎶

^^

Ngumiti siya at kumindat.

" Thank you so much for everything Lalabz ko , klark ko. Iloveyou so much my man , my king at my living medicine. I cant live without you in my life " sabi niya with matching flying kiss pa.

Patuloy pa rin ako sa pag iyak at pagpupunas ng luha ng biglang tumunog ang cellphone ko

Dude calling . . . .

" Hello dude , napatawag ka ? " Sumisinghap ko pa na tanong

" Dude ! Klark si Kate " sabi niya , kinabahan ako.

" B-bakit ? May nangyari ba ? Anong nangyari sa kanya ? " Tarantang tanong ko

" Nasa ospital ako ngayon. Ginamit niya ang kotse ko kanina at na-nabangga siya dude , medyo Hindi yata maganda ang lagay niya. Hindi ko pa nasasabi kila mommy " sabi ni Kent

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon