CHAPTER 24

10 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

KLARK JETHRO POV

* Ang sarap mong magmahal , napakalambing mo yan ang hinahanap ko *

Paulit ulit kong pinapanood ang vedio ni khazmyn habang kumakanta.

" Miss na miss na kita khazmyn , yung mga jokes natin​. Pag naalala mo na talaga lahat , mag sosorry ako ipapaalala ko lahat sayo , ipaparamdam​ ko kung gaano kita kamahal " sabi ko habang kinakausap ang picture ni Khazmyn

* Tok Tok Tok Tok *

" Anak , baba ka na , kakain na tayo " tawag ni mommy

" O-opo , susunod na po ako " sabay punas ng luha ko

Mahirap pero kinakaya ko , namiss ko na yung normal life , itetext ko siya palagi lalo na paggising sa umaga. Kapag may pasok , minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa bahay nila , parang lutang ako. Wala sa sarili. Kapag may gig ako minsan naiiyak na lang ako bigla palaging nakatingin sa park kung saan palagi siyang nag sskateboard at kumakain mag isa ng paborito niyang takoyaki yung walang shrimp.

Bumaba na ako at kakain na kame ng dinner.

Maaga ang pasok ko bukas , kakayanin ko medyo nakaka recover na ako sa mga nangyari , kasalanan ko din naman e pinayagan kong makalapit sa akin si Charlotte ulit kahit alam kong may girlfriend na ako , hindi ko agad naisip yung mararamdaman ni khazmyn at ngayon heto ako nagsisisi. Tama nga yung sinasabi ng iba , marerealize mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa iyo. Pinahalagahan ko naman si khazmyn , nung dumating lang talaga si Charlotte nasira lahat , sabi niya Wala daw siyang gagawing hindi maganda magiging mabait na daw siya , naniwala naman ako ganito tuloy yung nangyari.

" Anak patapos na kame e Hindi ka pa nagsisimula. Kumain ka na , palagi ka na lang na ganyan. " Sabi ni mommy

Tumingin ako sa kanilang mga mata , parang sinasabi nila na nakaka awa naman ako.

---

" Klarky , nakita ko si friendship pumasok na , hindi mo ba siya sinundo ? Nakita niya kame dito sa tambayan pero hindi manlang kame pinansin , dedma si ateng kateyy " salubong sa akin ni Aubree

" Alam namin na may nangyari na hindi maganda 'tol , kung kailan ka handang magkwento , nandito kame handang makinig sayo para din hindi na kame nag aalala. " Sabi ni Ritchie

" Salamat sa inyo " sabi ko at naglakad na papunta sa klase namin , hindi kame mag kakaclassmates lahat pero may subject na magkakasama kame , si khazmyn kasi magaling sa science diba ? Kaya andun siya sa laboratory palagi , kung dati gumagawa siya ng paraan para makasama kame sa breaktime , baka ngayon mas gusto niyang sa Lab. na lang tumambay.

Hayyyy ! Kasalanan ko talaga 'to eh ! . .

" Mr Ferrer ! '' tawag sa akin ng Prof

" Yes po ? " Tanong ko

" Pinapatawag ka ng Dean " Sabi ng Prof , nagulat ako.

Bakit ako pinapatawag , sa pagkaka alam ko Wala naman akong ginawang kasalanan o nilabag na rules dito sa school.

Naglakad ako papunta sa Dean's office , pagdating ko ay nandun si Kent

" Dude ! " Tawag niya sa akin

" Good morning po dean , pinapatawag niyo daw po ako " tanong ko

" Sit down first Mr Ferrer " sabi ni dean at umupo ako sa tabi ni Kent

" Sinabi sa akin ni Mr Gomez na yung kapatid niya ay may amnesia ngayon at Hindi niya madalas masamahan ngayon dahil sa ibang building ang room niya , since classmate ka niya sa ibang subject at girlfriend ka naman niya yata kahit hindi ka niya maalala o makilala rather , babantayan mo siya. Ayos lang ab sa iyo ? " Tanong ni dean

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon