CHAPTER 7

19 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN : " WHO'S THAT GUY ? "

AUBREE POV

" Mama , Hindi ko nga po siya boyfriend. Okay " sagot ko kay mama , kanina pa kasi niya ako inaasar e nakita kasi niya yung picture namin ni Ritchie sa cellphone ko kanina nung hiniram niya , si Kate kasi e pinicturan pa kame ng kameng dalawa lang.

" Kinikilig ang anak ko oh " pang aasar pa ni mama

" Mama , alam mo naman kung ano siya diba ? " sabi ko

" Hindi siya ganun , gusto ka din nun. Ang anak ko dalaga na talaga. " sabi pa ni mama

" Gusto ka din nun ? Bakit Ma ? Sino bang may sabi sa inyo na may gusto ako kay  Ritchie ? " tanong ko ke mama.

" Asus anak , Deny pa. Alam ng mga nanay ang lahat HAHA " nakangiting sabi ni mama

" Papa si Mama oh " sumbong ko

" Hayaan mo na ang mama mo , naglalambing lang yan "  sabi ni papa , isa din tong si Papa e

Ako nga pala si Aubree Chavez , only child lang ako kaya baby baby nila ako nila mama at papa.
Maingay po talaga ako , daig pa nakalunok ng megaphone kaya nga laging namumutla si Kate kapag nagsasalita ako bigla kasi siyang  nagugulat.

" Anak , samahan mo nga ako , mag gogrocery ako. " sabi ni mama

" Ngayon na Ma ? "

" Oo , bakit may lakad ka ba ? Kung kasama mo si Ritchie e okay lang na ako nalang pero kung wala naman , baka pwedeng samahan mo ang mama " sabi ni mama

" Mama talaga e wala po akong lakad , nagtatanong lang po atsaka lagi niyo sinasabi pangalan ni Ritchie , siguro kayo ang may gusto dun no ? ' pang aasar ko kay  Mama

" At talagang ibinalik mo pa sa akin ? Maghahanda ako ng lechon kapag nalaman kong naging kayo na " sabi pa ni Mama

" Ewan ko sa inyo Ma " padabog akong umakyat sa kwarto ko

" Tama na yang biruan niyo na yan , pumunta na kayo sa pamimili at mukhang uulan pa. " sabi ni Papa

Naglalakad na kame ni mama papunta sa isang grocery store.

" Kumuha ka ng basket dun anak " utos ni mama sa akin

Bumalik ako sa may pinto ng store at kumuha ng basket Hindi ako nakatingin sa basket kasi sa labas ako nakatingin , mukhang umaabon na.

Paghawak ko sa basket ay napatingin ako bigla sa lalaking nasa harapan ko , kamay niya pala yung nahawakan ko. Yikes ! Kakahiya

" Sorry po " paghingi ko ng pasensya , tumango lang siya at kinuha ang basket at naglakad na papasok ng store. Mukhang pogi pero parang masungit.

Suminghot singhot ako. Pamilyar pabango niya pero baka naman parehas lang sila ng perfume.

" Hoy anak , bakit ang tagal mo naman ? Kanina pa kita hinihintay dun oh marami na sana tayong nabili. " sabi ni Mama , binalikan niya kasi ako sa may pintuan

" ah kasi Ma , mukhang uulan na kaya tiningnan ko. Wala kasi tayong dalang payong. "Pagpapalusot ko

" titila din agad yan anak , halika na dun." Yaya ni mama

Namili na kame agad at inilagay lahat sa basket , pumila na si Mama sa counter para mabayaran na lahat ng pinamili namin.

" Mama , bibili lang ako ng chocolate , nakalimutan ko kanina e " paalam ko kay mama

" Sige bilisan mo lang para isama na natin dito sa pinamili. "

Nagmamadali akong pumunta sa chocolate stand pero bago pa ako makarating ay nakita ko ang mogu mogu , lycée flavor nag iisa na lang.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon