CHAPTER TEN
KLARK POV
Sampung beses ko na tinatawagan si khazmyn , Bakit hindi niya sinasagot ? Baka naman may ginagawa siya , bakit nga naman niya sasagutin yung tawag ko e diba ? Tsk ! * buntong hininga *
" Anlalim nun ah , may problema ka ba ? " tanong ni tita
" Wala po tita " sagot ko
" Sino ba yang tinatawagan mo , kanina pa yan ah hindi ba sinasagot ? " tanong ulit ni tita
" Classmate ko tita , may itatanung lang sana ako " sabi ko
" Baka busy , ikain mo na lang yan " sabi ni tita at inabot sa akin ang cookies
Cookies ?
" San 'to galing tita ? " tanong ko , naalala ko kasi si khazmyn sa cookies eh
" inorder ko 'to , nasarapan kasi ako sa lasa " sagot ni tita
**
" Khazmyn " tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa hallway , Hindi pa niya kasama si Aubree at wala pa din si Ritchie
" Oh ? "
" Tinatawagan kita nung nakaraan ah " sabi ko
" Oo nga e , pasensya na diko nasagot nasa baba kasi ako nun e " sabi niya
" Ah ganun ba ? Akala ko ayaw mo sagutin kasi ayaw mo ako makausap " sabi ko
" Hehe hindi naman " sagot niya kakausapin ko sana siya about sa gig ko kung pwede siyang mag guest ulit sa Friday kaso biglang dumating na si Ritchie tapos nauna na pumasok si khazmyn , tumambay lang muna kame sa labas wala pa namang teacher.
Pumasok si Aubree may dalang libro at bulaklak. May secret admirer ?
Binibiro siya ng binibiro ni khazmyn. Nung sinabi ni Aubree na baka galing yun sa lalaking nakita niya sa grocery e parang biglang sumimangot si ritchie.
Hindi kaya siya yung nagpapadala ng bulaklak Kay Aubree , nagtitinginan kasi sila ni khazmyn , magkakontsaba yata sila.
Halata na gusto nila ang isa't isa ayaw lang nila magkaaminan , halata din sa reaction nila e.
Friday ng hapon , umuwi ako agad after ng klase , may gig kasi ako ngayon.
" Tita "
" Klark , papunta ka na ba ? " tanong niya
" Opo , balik din ako agad pagtapos ng gig ko " sagot ko
" Sige , mag iingat ka "
" Salamat tita , kumain na po kayo ha saka yung gamot niyo inumin niyo po ha " sabi ko Kay tita , nagmamaintenance kasi siya
Umupo ako saglit sa sofa kinuha ang phone at tiningnan ang picture ni khazmyn na stolen shot.
Ang cute niya ngumiti , ang cute niya magulat pero nakakatakot din baka himatayin.
" Hoy "
" Ay khazmyn " biglang sambit ko
" Khazmyn , sinong khazmyn ? "
" Classmate ko tita " sabi ko
" classmate daw , pero palihim yatang minamahal. Sige na punta na , anong oras na oh " sabi niya
" Opo , heto na nga po " sabi ko at naglakad na papunta sa MIL
" Good evening po " sabi ko sa manager namin
" Klark , mabuti naman bumalik ka , maraming naghahanap sayo at dun sa guest mo dati si . . . sino nga yun ? "
" Ah si Miss Skateboard po " sagot ko
BINABASA MO ANG
When I Met You
Random"You come to love not by finding a perfect person , but by seeing a perfect person imperfectly." [COMPLETED] ✓ Kailangan ba talagang masaktan dahil sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo e mahal ka rin automatic para kapag umayaw siya eh 'd...