CHAPTER 13

10 1 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

SOMEONE'S POV

" Mommy let's go , start na po ng meeting 8:00 am " Sabi ni kate

" Sino maghahatid sa atin ? May sakit si kuya tapos may lakad Naman si daddy at mang ramon " tanong ni Kate sa mommy niya

" Ate diba marunong ka mag drive ? '' tanong ni Kurt

" O-oo pero wag mo sabihing ako ang magmamaneho ng kotse ni kuya " Sabi ni Kate

" Yun nga , ang galing mo ate , nahulaan mo ang nasa isip ko " Sabi ni Kurt

" Sige na anak , anong gusto mo malate tayo sa meeting o magdrive ka ng kotse ? " Tanong ni mommy phia

" Sige na nga , pero kapag nagasgasan ang kotse ni kuya Hindi ko kasalanan ha " Sabi ni Kate

" Oo , Sige kukunin ko Lang sa kanya ang susi para makapunta na tayo , 7:30 pa lang naman e " Sabi ni mommy phia at naglakad na papunta sa kwarto ng anak na si Kent

Pagbaba nito ay dala dala na ang Susi , iniabot iyon kay Kate at inistart na ang kotse

" Yaya Sally , Ikaw na ang bahala kay Kent , pakainin mo siya at painomin ng gamot " Sabi ni mommy Phia sa katulong nila

" Opo madam " sagot ni Yaya Sally

Sumakay na ang mag iina sa kotse ni Kent , si Kate ang nagdadrive .

" Mommy kinakabahan ako "

" Anak , ngayon ka pa ba kakabahan e andito na tayo sa tapat ng Zhu Tem Academy " sagot ni mommy phia

" HAHAHAHA lutang ka ate , siguro may iniisip ka no ? " Pang aasar Kurt

" Bumaba na nga kayo mommy , ipapark ko 'to sa parking lot dun " Sabi ni Kate

" Kurt , samahan mo si mommy ha , tirhan mo ako ng uupuan sa tabi niyo ha " Sabi pa ni Kate

Ipinark ni Kate ang kotse ng kuya niya at pumunta na sa lugar kung nasaan ang mga estudyante.

---

" Rhea , asan na ba si mommy .? " Tanong ni Ritchie sa kapatid niya

" Kuya hindi ko alam , malalate daw siya ng konti e " sagot ni Rhea

Naglakad si Ritchie papunta sa may gate upang dun hintayin ang mommy niya.

" Hello mommy , asan ka na po ? " Tanong ni Ritchie

" Malapit na ako anak " sagot ng mommy niya at ibinaba na ang phone

" Richard ? " Tawag ng isang lalaki na lumapit Kay Ritchie

Nanatili Lang na nakatingin sa lalaki.

" Ikaw ba si Richard ? " Tanong ng lalaki , umoo lang si Ritchie pero nakatingin lang siya sa lalaki

" Kumusta Kayo ? Ang mommy niyo , malaki na ba ang kapatid mo ? " Tanong ulit ng lalaki

Napakunot ang noo ni Ritchie dahil sa sinabi ng lalaki.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Ritchie at kitang kita sa mata nito ang galit.

Magsasalita na sana si Ritchie ng dumating ang isang babae na tila may hinahanap.

" Daddy ? Daddy where are you ? "

" Daddy , andito ka lang pala , kanina pa kita hinahanap. Let's go magsisimula na " Sabi ni Brittany sa lalaking kumakausap Kay Ritchie

Napatingin si Brittany Kay Ritchie at tumingin din sa daddy niya.

" Are you talking ko this guy Dad ? " Tanong ni Brittany habang nakaturo Kay Ritchie

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon