CHAPTER NINETEEN
PRINCESS KATE KHAZMYN POV
Kakauwi ko lang , hinatid ako ni klark. Nag Gig kasi siya tapos ng Miss skateboard outfit ako , para magkasama kame kumanta.
Napansin ko lang na parang medyo may malalim siyang iniisip.
" Ate , bukas tulungan mo sa assignment ko ha " sabi ni Kurt , pumasok siya dito sa kwarto ko.
" Oo tutulungan kita pero sa Sunday na , may lakad kasi ako bukas " sabi ko
" Saan ? " Tanong niya
" Sa Fantasy world , babalik kame dun " sabi ko
" Hindi naman ako makakasama dahil date niyo yun , pasalubong na lang ate " sabi niya
" Sure baby " sabi ko " cellphone mo dala mo ? " Tanong ko
" Oo ate , eto " sabi niya sabay labas ng phone niya
Kinuha ko yun at nag search MIL
" Oh panuorin mo , bakit kasi nakasimangot ka ? " Tanong ko
" Hindi kasi pumasok si yesha e miss ko na siya " sagot nito , asus isa pang inlove
" Tawagan mo nalang mamaya. Dati niloloko mo ako ng mataba ako tapos ngayon inlove ka sa medyo chubby. Naku ! Naku ! " Biro ko sa kanya
" Akin na nga yung phone ko ate " sabi niya sabay hablot sa akin ng phone
" May bago ? " Tanong niyang napangiti
" Oo , kanina lang yan " sagot ko
" Sige ate balik na ako sa kwarto ko , panunuorin ko lang ito. " Sabi niya at tumakbo na palabas ng kwarto ko.
" Good evening friendship , San ka nagpunta kanina ? " Text ni Aubree sa akin
" Friendship , nanuod ako ng gig ni klark " reply ko
Hinintay ko ang reply niya pero biglang tumawag.
" Kateyyy " sigaw niya , hindi ako makahinga dahil nagulat ako
"W-wait lang " sabi ko at agad uminom ng tubig
* Buntong hininga *
Bakit ganun ? Akala ko ba okay na ako ?
" Hello kateyy , andiyan ka pa ba ? "
" Oo saglit lang " sabi ko at uminom ulit ng tubig.
" Hello , napatawag ka ? " Tanong ko
" Hinahanap Kita kanina e " sabi niya
" Nandun ako sa gig ni klark " sagot ko
" Hindi kita nakita dun , nandun din kaya kame nanuod ni Ritchie " sagot niya
OMG ! Paano ako magpapalusot ?
" Sa may gilid ako nakapwesto , malapit sa may backstage , support HEHE ". Palusot ko
" Ah Kaya pala , hindi na kita natext kakapag load ko pa lang e. Sayang alam mo ba nakita ko si Miss skateboard ! Ay oo nga pala nandun ka. Kilala mo ba siya ? " Tanong pa niya sa akin
" Ha ? Hindi e , pagkatapos kasi nun kumanta e nawawala na at umaalis. Busy daw kasi yun " sabi ko
" Kaya pala , gusto ko pa namang makapag pa picture sa kanya " sabi ni aubree
" Sasabihin ko Kay klark na sa next gig niya kapag guest si miss SB , mag papicture ka. " Sabi ko
" Okay bye , see you tomorrow. Excited na ako " sabi niya
BINABASA MO ANG
When I Met You
Random"You come to love not by finding a perfect person , but by seeing a perfect person imperfectly." [COMPLETED] ✓ Kailangan ba talagang masaktan dahil sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo e mahal ka rin automatic para kapag umayaw siya eh 'd...