SUGAT NG KAHAPON

28 1 0
                                    

"Sugat ng Kahapon"


"Trabaho lang po walang personalan" aniya ng isang pulis sabay posas ng mga inosenteng kamay ng akong mga magulang.

Ipinilig ko ang akong ulo. Naaalala ko na naman ang pangyayaring iyon na naglagay ng dumi sa mga inosente at malilinis na kamay ng akong mga magulang at takot sa puso ng aking mga kapatid. Takot na baka muli ay mawala nanaman sa piling namin ang aming mga magulang.

Kinuha ko ang akong mga gamut at inilagay sa loob ng bag pagkatapos ay umuwi.

"Ang dami na nga nating babayarin kinukunan mo pa yung pera ko!"

Hindi pa ako nakakapasok ng bahay at narinig ko na agad ang sagutan ng mga magulang ko.

Pera. Pera nalang palagi ang problema. Bakit dati, kaya lang ng mga taong mabuhay ng walang pera? Bakit hidi kailangang pera ang paikutin para gumana ang lahat?

Patuloy parin silang nagtatalo hanggang sa naisipan ko ng buksan ang pinto at pumasok. Parehong napatahimik ang dalawa ng Makita ako. Pagkatapos ay nagkatinginan, umupo si mama sa silyang katabi niya habang si papa naman ay lumabas ng bahay.

Dumiretso na ako sa kwarto. Ayokong Makita ang mama ko, lalo na ang kanyang mga matang nagpapahiwatig ng lahat ng nararamdaman niya. Na sa isang tingin mo lang ay masasabi mong puno ito ng pait, sakit at problema. Matang alam mong gusto ng umiyak pero pinipigilang tumulo ang luha. Ayaw ng mga magulang ko na maapektuhan kaming mga anak nila sa lahat ng problema at nangyayari sa paligid kaya maiging kinimkim at tinatago nila sa amin ang lahat ng dindanas ng aming pamilya. Na sa likod ng masayahin at kalma nilang mga mukha ay may mabigat na krus pala silang dala.

Pagsapit ng gabi, pagkatapos ng aming hapunan ay nagsimula na akong magdalawang-isip kung manghihingi ba ako ng pera para sa proyesto namin o hindi nalang dahil narinig ko naman ang usapan nila kanina tungkol sap era. Pero siguradong babagsak ako at alam kong ikakagalit nila yun!

Kaya naman sa huli, napag-isipan kong lapitanang mama ko na nasa sala.

"Ma, may proyeskto po kami at kailangan ng malaking halagang pera" nauutal kong sabi. Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha ng aking ina,

"Nanghihingi ka nanaman ng pera! Pera nanaman! Ikaw nalang lagi ang umuubos ng pinupundar namin ng papa mo! Bakit yung mga kapatid mo? Hindi sila nanghihingi ng malalaking halaga ah? Ang dami ko nang gastusin sayo!" reklamo ng mama ko.

Bigalng nagpantig ang mga tenga ko sa narinig.

"Proyekto naman po yun ah! Kailangan yun sa school!" medyo may kataasang boses na sagot ko.

"Skwelahan nanaman! Palagi ka nalang talagang nanghihigi! Alam mo nan gang ang daming problema ditto sa bahay! Dinadagdagan mo pa!" -Mama

"Nanghihingi naman ako ng maayos ah, kung hindi ka bibigay edi hindi!" -Ako

Di ko na talaga napigilan ang sarili ko. Nasagot ko na ang mama ko. Nagtatalo nanaman kami sa walang hiyang perang ito.

"At sumasagot ka pa! Nanghihingi ka na nga, ginaganyan mo pa ako! Nam, hindi madaling mahanap ang pera at hindi sa lahat ng oras meron tayong pera! Marunong ka namang umintindi!" -Mama

"Iniintindi ko naman ah? Eh s akailangang-kailangan kong gawin itong proyekto namin! Oh siya! Hindi ko ito ipapasa! Pero pag di ko naman ipapasa magagalit kayo pag mababa ang mga marka ko! Tapos sasabihin nyo pang hindi ako nag-aaral ng mabuti! Sasabihin niyo nanamang wala akong kwenta! Pabaya! Salot!" sagot ko

Pilit kong nilalabanan ang paninikip ng dibdib ko. Gusto kong umiyak pero hindi maari. Ayokong sagutin ang mama ko sa ganoong paraan pero sadyang masakit na sa pandinig ko ang mga salita nila.

"Tumahimik ka! Ken! Tawagin mo nga roon ang papa mo!" utos ni mama sa kapatid ko.

Sa inis na nararamdaman, pumasok ako sa kwarto at kahit tinatawag ni mama ay hindi ako nakinig. Bumuhos ako ng iyak. Mahinang iyak na nasisiguro kong hindi nila maririnig.

Pinagbibintangan nanaman niya ako. Kasalanan ko nanaman kung bakit nauubos ang pera nila.

Bigla kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto at narinig ko nanaman si mama na nagsasalita.

"Kailangan nanaman ni Nam ng pera. May proyekto daw siya! May paggagamitan pa ako nitong pera bukas, importante yun! At eto sinasagot-

sagot pa ako ng batang iyan! Kausapin mo nga yang anak mo, Anton!" -Mama

"Ano nanamn iyan, Nam?! Hah?! Alam mon a ngang nagkakaproblema tayo dito sa pera eh!" -Papa

"Pumunta ka nga dito, Nam!" -Mama

Pinunasan ko ang mga luha ko. Napupuno ng galit at sakit ang puso ko... Pwede lang naman silang humindi ah? Ba't pa nila pinapahaba ang storya?!

"Wag na! Hindi nalang ako gagawa ng proyekto! Titigil na ako sap ag-aaral para wala na kayong problema at babayarin sakin! Tutal ako naman itong nag-uubos ng pera niyo diba? Wag na kayong mamroblema diyan!" mataas na boses na sagot ko sa kanila.

"Pupunta ka dito o hahampasin kita diyan!" galit na sigaw ng papa ko. Ayaw ko man ay lumabas ako ng kwarto at hinarap ang mga magulang ko.

"Ang tamad-tamad mo pero pag may kailangan ka dapat andiyan agad! Akala mo siguro madaling mapulot ang pera, Nam! Nagkakasakit na nga kami ng mama mo kakakayod, magkapera lang! Ang dami na nating problema! At hndi madali, Nam! Hindi madali! Hindi mo alam kung ano yung pakiramdam na nasa loob ka ng kulungan, umaasang makakalabas. Hindi

Mo alam yung pakiramdam ng narumihan ang pagkatao mo dahil lang sa nakulong ka sa hindi mo naman kasalanan. Wala kang alam---"

Hindi ko na kinaya ang pakikinig kaya tumakbo na ako sa loob ng kwarto at lihim na umiyak. Hindi ako makatingin sa mga magulang kong umiiyak na. Lalo na ang ama kong ni minsan, maliban lang noong araw na nasa loob sila ng kulungan, nangingilid ang luha at halatang mabigat ang nararamdaman.

Binabalikan na naman ang kahapong naghatid ng pait at malagim na pangyayaring nagdulot ng malalim na sugat sa bawat isa sa amin.

Binabalikan nanaman nila ang panahong kinulong sila. Binabalikan nanaman nila ang malaki at malalim na sugat ng kahapon...


WAKAS

When My Heart Is In VainWhere stories live. Discover now