A R T O F L E T T I N G G O
"Pagod na'ko," sambit mo habang nakatingin sa papalubog na araw.
Anniversary natin ngayon at napagdesisyonan mo na sa paborito nating tagpuan tayo magkikita. Pero di ko inaasahan na ito ang bungad mo sakin.
"H-haha" pagak akong natawa kuno. "Kung ganoon ay magpahinga ka na muna love. Marami pa namang araw na pwede tayo magcelebrate eh. Ok lang naman sakin ang mahalaga may maayos na pahinga ka" walang preno kong aniya, Hindi sya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita dahil alam kong ikadudurog ko ang susunod nya pang sasabihin.
"That's not what I'm tryi---"
"Sige ingat ka pauwi love ah? Pahinga ka ng maayos. Uuwi nalang ako hehe... A-ahm wag mo na akong ihatid kasi kaya ko naman sarili ko... Mahal na mahal kita! Mwuah!" Parang tangang sabi ko saka kumaripas ng takbo. Hinahayaan ang mga luha na dumaloy sa pisngi mula sa mga Mata ko.
- - -
Ilang araw na ang nakakalipas, di man lang nagparamdam si Jake sakin. Pero dahil ako itong tanga at iniisip ko na meron lang syang importanteng ginagawa o kaya naman nag "papahinga" gaya ng katangahang sinabi ko na gawin nya.
"Sa tingin mo ba? May iba na sya?" wala sa sariling usal ko. Napalingon itong best friend ko na para bang awang-awa na sa hitsura ko.
"Ano kaya kung isurprise ko sya sa bahay nila? Ngayon nalang kami magse-celebrate kasi naudlot nung nakaraan, pagod daw kasi sya" pahina ng pahina ang boses na saad ko.
"A-ah, Klae... W-wag na muna... B-baka makaistorbo ka m-malay mo sobrang busy n-nya diba? A-alam mo naman y-yung isang y-yun, diba? " napakunot ang noo ko sa inasal nya pero sumang-ayon nadin ako sa huli. Pero ilang linggo na ang nagdaan at wala paring paramdam si Jake. Ito namang si Liz ay ayaw ako paalisin ng bahay para mapuntahan ang mahal ko, nakakapagtaka pero binalewala ko.
I tried calling his number pero laging 'busy at the moment' ang sagot. In the end, di na ko nagpapigil at pinuntahan sya sa bahay nila. Nagdoorbell ako na bakas ang pag-aalala sa mukha. Nang sa wakas ay napagbuksan na ako ng gate ng mommy nya ay bakas sa mukha nito ang pagkagulat at parang hindi inaasahan ang presensya ko.
"K-klae... Hija"
"Tita sorry po sa istorbo. Gusto ko lang po makasiguro kung andyan po ba si Jake? Di ko kasi sya ma-contact at ilang linggo ng hindi nagpaparamdam" anya ko saka sya nagulat sa isinaad ko.
"A-akala ko... W-wala na k---" naputol ang sasabihin nya ng may tumawag ng isang pamilyar na boses sakin. Napalingon ako sa likuran nya saka nagtataka itong tiningnan.
"Mamita sino pong andy---" nagulat din ito ng makita ako.
"K-klae" sambit nya.
"Mom! Who's ther--- K-klae" uutal naanya ni Jake. Biglang nangilid ang luha ko pero matatag ko itong pinigilan.
"A-ah... Wrong timing ata ako" napapakamot ulo na anya ko. "Napadaan lang. Di kasi kita ma contact at d-di kana din... N-nagparamdam" pigil emosyon na saad ko. Tiningnan ko silang tatlo at tila naaawang nakatingin sakin ang mga ito.
"A-ah eto, paborito mong Carbonara. I cooked that. Sana magustuhan m-mo" sabi kong nakatingin ng diretso kay Jake.
"M-mauna napo ako" pamamaalam ko. Inaasahan kong hahabulin ako ni Jake pero narating ko na ang gate ng village nila ay napagtanto kong walang isang bulto na nakasunod sakin kaya tuluyan na akong lumabas saka dumiretso sa park na malapit lang doon at binuhos ang emosyong nararamdaman ko. Maraming katanungan aa isip ko na hindi ko malaman kung ano dapat ang isasagot sa scenario na nakita ko.
---late replies
---unreachable calls
---coldness
---cutted communication
---tiredAno yun love? Ano ang mga pinahihiwatig mo? Sya ba ang dahilan? Sya ba?
"Kailan pa sya bumalik? Kailan pa sila nagkausap? Am I blinded off? Is he tired because he's powered of her comeback? M-mahal nya pa b---"
Bumuhos ang napakalakas na ulan na animoy sinasabayan ang aligmuyo ng damdamin ko. Pero unti-until ay nararamdaman ko ang payong sa along uluhan ba nagsisilbing proteksyon para Hindi ako suungin ng ulan.
"J-jake" pagbaling ko dito
"Klae" puno ng emosyon ang kanyang mga Mata na Hindi ko mapangalanan sa puntong ito.
"S-sorry" anya nito. Napangiti naman ako ng mapait.
"Are you happy with her?" Puno ng sakit na tanong ko. Pinipigilan lamang ang maiyak dahil kaharap ko ang lalakeng ito.
"I need an answer, l-love" napayuko sya.
"Y-yes" sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga luha ko sabay titig sa maamo nyang mukha na minahal ko din sa loob ng isang taon.
"1 year" pagsisimula ko kaya napatitig nadin sya sakin.
"L-love" sambit nya. Oh, how I so loved him calling me with oue endearment but I feel anything less at the moment but pure pain, scrutinizing pain.
"1 year akong nanatili sa poder mo. Nagpapakatanga at nagbabakasakaling mamahalin mo din ako. Ginawa ko ang lahat mawala lang sya sa memorya mo at punuin iyon ng memorya ko, pero h-hindi ako naging sapat para tuluyan syang mawala sa p-puso mo"
"Isang taon kitang minahal at sa isang taon na iyon ko nahanap ang totoong kaligayahan na inasam-asam ko noon pa man. Isang taon akong nagmahal, naging masaya at... Sa kahuli-hulihang sandali ng isang taon na kasama ka ay... Nasaktan din ako... Ng sobra"
"Isang taong nagpakatanga, niloloko ang sarili, at nagpakabaliw sayo" natawa ako ng pagak sa pinagsasabi ko. "Isang taong umasa, umibig at nasaktan" nginitian ko sya pero nagsimula ng dumaloy ang likido sa mata patungo sa pisngi nya.
"Amazing how love makes someone happy, crazy and hurt at the same time. I was so glad i had you in just a short span of time. Maikling panahon pero ginawang buo ang pagkatao ko... Una palang ay tanggap ko ang papel ko sayo... And now I've realized things my love... I guess... It's t-time... To cut all the craps out... End this shitty feelings and start a new chapter... Ikaw kay... Elise... At ako... Well, I can't love another man I guess... Yoi were so amazing that you have stole my whole heart and soul... Give 'em back" biro ko pa sa huli pero nilulukot sa ng sobra ang puso ko sa loob...
"Klae"
"I love you so much, Jake... T'was a good year with you. Thank you for the good memories. Magpapakalayo na ako" tinitigan ko sa kahuli-hulihang pagkakataon ang kabuoan nya saka napangiti.
"I guess this would be my art of letting go. Please be happy. Goodbye"
At tuluyan ko na syang tinalikuran, not minding how cold the rain and the breeze was...
"I love you"
![](https://img.wattpad.com/cover/77276520-288-k221629.jpg)
YOU ARE READING
When My Heart Is In Vain
ContoONE SHOT STORY COMPILATION by: @coldqueenmotion plagiarism is a crime