Loud. Wild. Chaotic.
This is where I work. This is where I belong.
- - -
Iba't ibang kulay ng ilaw ang bumungad sa 'kin nang pumasok ako sa isang pasilyo. Mga nagsisigaw at nagsasayawan sa tuwang mga tao, mga lasing at mga emo, humihithit at mga babaeng kumakapit kani-kanino. Napapikit ako ng mariin, nagdadalawang-isip kung aabante o aatras ba ako.
"Hindi, kailangan kong lakasan ang loob ko," bulong ko sa sarili at napatalon nalang bigla nang maramdaman ko ang kamay na naglakbay mula balikat hanggang tiyan.
Sisigawan ko na sana siya nang may humatak sa 'kin at dinala ako sa bar.
"Dito ka naka-aasign bro, hindi sa pag-eentertain ng mga sexy'ng costumers." Anya ni Rad sabay kindat sa 'kin.
Mausok. Maingay. Isang lugar na kailan man ay hindi ko pinangarap na mapasukan, pero kinakailangan.
Mausok. Maingay. Mga ilaw na masakit sa mga mata. Iba't ibang klase tao ang iyong makakasalamuha. Ganun araw-araw hanggang sa ito'y nakasanayan ko na.
"Tequila, please."
"Can I have one bottle of Martini?"
"May Tanduay ba kayo d'yan?!"
"One bucket of San Miguel Light, mister."
Araw-araw kumikita. Araw-araw kumakayod. Araw-araw pagod.
"Ngayon ko lang nakita 'yan ah? Sino iyan?" tanong ko kay Rad na siyang kasama ko sa bar at abala sa pagse-serve ng drinks.
"Haha, regular costumer natin 'yan. Nasa VIP list na ata s'ya?Wala lang siya nung mga nakaraang araw pero madalas dito 'yan," tumatawang aniya. "Ganda 'no? Malaki magbigay 'yan, bro. Ika nga, grab the opportunity! Hahahaha!"
Napailing ako sa sinabi ng kaibigan at napatingin sa costumer na ngayon ko lang nakita. Ang lakas ng dating niya, mabibighani kang talaga. Pero yung mga mata niya, ang lungkot.
Nagulantang ako nang bigla s'yang lumingon sa direksyon ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. Pero nang ibalik ko ang paningin sa magandang tanawing iyon, agad akong nanlumo nang makita ko ang sunod-sunod na pagsindi niya ng sigarilyo. Kung hindi ako nagkakamali ay mga limang kaha ng sigarilyo at apat na bucket ng beer ang naubos niya nang gabing iyon.
"Reo, pinapatawag ka sa table 6."
Agad naman akong napalingon doon at nakita kung sino ang taong umuukopa sa table na yun.
'Anong kailangan niya?'
"Hi," bati niya nang makarating ako sa table niya.
"Good evening, m-ma'am? A-Ahm, how may I help you?" kabadong sabi ko.
"Please sit down."
Sa sobrang aligaga ay napaupo ako nang walang pagdadalawang-isip.
"I want someone to talk to." diretsang sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko, dahilan para hindi manginig ako."
YOU ARE READING
When My Heart Is In Vain
Short StoryONE SHOT STORY COMPILATION by: @coldqueenmotion plagiarism is a crime