HE LOVES HER

6 1 0
                                    

H E L O V E S H E R

[PLAGIARISM is a crime]


"Bes" napalingon sya ng tawagin sya ni Tara, bestfriend nya.

"Oh?" Maikling tugon nya dito.

"Gusto ko na magka boyfriend" parang malungkot pang saad nito na napapanguso pa saka sya pagak na natawa.

"Edi maghanap ka" anya dito. Namamangha naman itong tinignan sya saka sya napadaing sa lakas ng tampal nito sa braso ny.

"NAPAKA- SUPPORTIVE MO TALAGA NOH!" singhal nya pa.

"Oh? Alangan naman ako maghanap o kaya ako manligaw at maging boypren mo? Tss asa ka" saka sya napabaling sa ibang direksyon. Kung alam lang ng Babae, matagal na syang balak ligawan nito pero dahil kaibigan ay natakot itong ma friendzone lang.

"Aba! Kapal mo ah?! Mabubugnot papatol sayo! Yaks ka!" At iniwan sya nito na napapamaang pa.

Sa sumunod na araw...

"Alam mo ba bes? Gusto ko paglinigawan ako ng isang lalake, yung tipong pang old style? Gets mo yun bes? Yung tipong haharanahan ka nya, may dalang mababangong bulaklak tapos yung handang mag-antay kung kelan mo balak sasagutin, caring na caring sayo at ipaoaramdam sayo na nag-iisa kalang sa buhay nya?"

Madami pang sinabi si Tara kay Sin tungkol sa ideal man nito na sakaling manliligaw sa kanya. Ngiti lang naman ang tugon nya sa lahat ng ito.

"Gusto ko yung tulad mo bes! Yung sinasakyan topak ko haha! Yung di ako iiwan basta basta at andyan lagi pag kelangan ko hehe" at milk, nangingiti nya lang itong tiningnan at hindi na nag-abala pang mag komento.

Nasasaktan sya. Yun ang totoo. Gustong-gusto nya si Tara pero...

"Ano na kuya? Ano ba pwedeng gawin ko para mapasagot ko si Tara?" Excited na sambit ng kapatid nya.

'Mahal ng kapatid nya si Tara'

"Ganito ang gusto nya---" paglalahad nya dito ng mga naikuwento ni Tara sa kanya. Nakabuo naman agad sila ng plano kaya kinabukasan ay hindi na nag-aksaya pa ng oras ang kapatid nya manligaw.

"Pwede kabang, minamahal kong Tara?" Nanikip ang dibdib nya sabay hinto sa pagkaskas ng gitara kung saan sya ang nagsilbing nagtugtug habang ang kapatid nya naman ang kinakanta habang may hawak na mga bulaklak na syang gusto ng Tara nya.

'Nya?' Napailing sya at napako ang paningin dito na bakas sa mukha ang pagtataka.

"Mahal kong Tara?" Pagtatawag atensyon ng kapatid nya sa babae. Napatingin naman ito sa gawi nya na animoy nanghihingi ng tulong.

Nginitian nya ito saka tumungo dito na parang nagsasaad sa dapat na gawin ng dalaga.

Umuwing may ngiting tagumpay sa labi ng kapatid ni Sin na animoy wala ng bukas para sa sayang nararamdaman nito ng pumayag si Tara na ligawan ito ng kapatid nya. Bigla namang nagvibrate ang phone nya at nakatatak doon ang pangalan ng babae. Napangiti sya ng mapait saka in-off ang cellphone at kinuha nun ang simcard.

Dumaan ang ilang araw, di na sya nagpapakita pa kay Tara. Sa tuwing masasambit ng kapatid nya na dadalaw ito ng bahay nila, humahanao agad sya ng paraan makaalis ng bahay at hindi magpakita sa mga ito. Masyado pang malinaw sa utak nya ang mga pagkakataon na nakikita ang babae na masaya sa piling ng iba.

"Kuya! Sinagot na ako ni Tara!" Magiliw na sigaw ng kapatid.

"Kung ganoon, congrats!" Masaya kunong bati nya pero batid mong may pait sa bawat katagang binibigkas nito.

"Salamat sa mga advices mo kuya! The best brother ka talaga! Buti nalang at Bestfriend ka nya kuya! Alam na alam mo pano sya pasayahin at alam na alam mo mga gusto nya! Alam mo bang ang giliw nyasa tuwing sinusurprise ko sya? Yun daw ang gustong gusto nya! Salamat ng marami kuya!" Nginitian nya ito ngunit alam nya sa sariling may galing pait at sakit yun.

"Ano kuya? Gwapo na ba ko tignan? Kailangan kong maging presentable sa harap ng prinsesa ko sa kaarawan ko kuya!"

"Okay na yan, sobrang gwapo mo na"

Habang nagkakasiyahan lahat sa ika- dalawamput isang kaarawan ng kapatid nya ay di nya maiwasang mapatitig kay Tara. Limang buwan na ang nakakalipas ng di nya ito nakakasama, dahilan narin ng pag-iwas nya. Napalingon ito sa gawi nya kaya agad syang tumayo at nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroroon ang kwarto. Pero di nya namalayang nakasunod pala si Tara sa kanya.

"Bes" napahinto sya sa gilid ng kama na hindi ito tinitingnan at bahagya pang napapikit. Namimiss nya ang boses nito. Ang tawagin sya sa endearment nilang magkaibigan. Ang lahat-lahat sa babaeng ito.

"Ilang buwan na kitang hindi nakikita. Hindi maramdaman ang presensya mo. At alam kong iniiwasn mo ako. Alam ko din na ikaw ang may pakana at alam ng lahat ng mga panliligaw at pagsusurpresa ng kapatid mo sakin. Yun yung mga sinabi ko sayo nun. Yun yun. Pero hindi ko inaasahan na ang kapatid mo ang gagawa ng mga iyon---" napalingon sya dito.

"Ikaw ang inaasahan ko Sin. Ikaw" nagugulat syang napatitig dito.

"Alam ko na mahal mo ako, sinabi ni Karl, kaibigan mo. Sinasabi ko yung mga yun sayo dahil akala ko, magkakaroon kana ng ideya pano ako ligawan. Pero ideya pala para matulungan ang kapatid mo" napapahikbi na sabi ni Tara sa kanya. Nanlalamig naman ang kanyang kalamnan sa naririnig. Pero kahit ganoon ay nilapitan nya ito at kinabig. Kinulong ng sobrang higpit sa mga bisig.

"Sorry Tara. Mahal na mahal kita"

Yes. HE LOVES HER. But...

"Pero mahal kadin ng kapatid ko" puno ng pait na tugon nya.

"Mahal na mahal kita" napakalas sya ng pagkakayakap dito

"May magagawa paba ako para... Para sating dalawa?" Umaasang tanong nya sa babae.

"Wala na" napatitig sya dito.

"Today is his birthday. And his last wish was for me to be with him forever" anya nito.

Para syang nabibingi. Parang alam nya saan patungo ang usapan kaya... Kaya ngayon palang, nagsisisi na sya sa mga nagawa nyang pagtulong sa kapatid. Nagsisi sya for not trying to prove his love for the girl. But... But because he loves her, he let his brother love his girl.

"He asked me for marriage"

When My Heart Is In VainWhere stories live. Discover now