HULING SAYAW

8 1 0
                                    

HULING SAYAW

"And now, let us all give her precious dance with her beloved father" pag-announce ng emcee para sa kahuli-hulihang sayaw sa gabing iyon ng kanyang ika-labing walong kaarawan.

Pinagmasdan ni Nam ang kanyang ama habang ito ay papalapit sa kanya ng may hindi maipaliwanag na mga ngiting nakaguhit sa mga mukha nito. Hanggang sa makalapit ang ama ay pigil Luha nya itong pinagmamasdan.

"Tay"

"Anak ko"

Napangiti sya. Tila mamimiss nya ang bonding na meron sila ng kanyang ama. Mangiyak-ngiyak ang kanyang Ama habang pinagmamasdan ang kabuoan nya saka nginitian sya nito ng may halong pait.

"Dalaga na ang anak ko! Nasa legal na edad na! Pwede na mag-asawa hay. Iiwan na kami nito" pahayag pa ng ama. Napangiti naman sya ng pait sa huling sinabi nito sa kanya.

"Andito lang kami lagi anak. Wag na wag mo papabayaan ang sarili mo kung saka-sakali ah? Mahal ka ni tatay mo" bumuhos ang nag-iinitang likido sa pisngi nya Saka marahang niyakap ang ama at sumabay sa indayog ng magandang tugtugin.

"Tatay ko, maraming-maraming salamat po sa lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa amin ng mga kapatid ko. Sa akin. Salamat dahil nanatili kayong matatag kahit sukong-suko na kayo"Panimula nya.

"Tay, ipangako mo sakin, na magiging masaya ka ah? Na mas itataguyod mo yung pamilya natin ng matiwasay. Na mas magiging matatag ka para sa lahat. Ikaw yung pwedeng asahan ng lahat sa pamamahay natin kaya sayo dapat manggaling ang lakas"

"Tay, pakisabi kay nanay na pasensya na sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Pakisabi po na mahal na mahal na mahal ko sya. Pati ikaw. At mga kapatid ko. Pakisabi po na sana di na sya magalit pa sakin. Na maging mas matatag sya at mas mahalin ang mga kapatid ko"

"Tay, mahal na mahal ko po kayong lahat. Yan po ang lagi ninyong tatandaan ha? I love you, Tatay ko"

Natapos ang kanta ng hilam sa luha ang mukha ng mag-ama.

"I lab yu din, anak ko"

Hanggang sa matapos ang handaang pinabuwal ng
kanyang ama para sa kanyang kaarawan, nanatili
ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi nang tuluyan
nang magsiuwian ang mga bisita nya. Itinatak nya sa
isip ang lahat ng masasayang ngiti na nakikita nya sa
bawat espesyal na taong dumalo sa araw nya para sa
kanyang paglalakbay mamaya ay wala niisa ang malimotab
nya. Kahit na ang hindi maipinta na mukha ng kanyang ina.

"Salamat po sa pahanda. Papasok napo ako ng kwarto"
pamamaala nya saka sya tuluyang pumasok at naglock
ng pinto. Nagbihis at napaupo sa gilid ng kama.

Mapait syang napangiti habang inaalala lahat ng
kaganapan kani-kanina lang. Ang mga tawanan, ngiti,
sayawan, siyahan. Hindi nya malilimutan iyon.

"Mas maigi ng makita ko silang masaya bago ang
pighati na kalaunan ay di ko na madama" maluha-luha
syang ngumiti na parang takas mental saka napatingin
sa isang bagay na kanina nya pa hinanda. Nilapitan nya ito
saka hinawakan ng marahan.

"Mahal na mahal ko kayong lahat"

"Masaya akong naligtas ko kayo" at inalala ang mga mukha
ng mga kaibigan na muntik ng agawan ng buhay sa
sobrang kalungkotan, pero nagawa nyang iligtas at
nakita pang tumatawa.

Ang ama nyang halos lunurin ang sarili sa bisyo dahil
sa hindi maubos-ubos na problema. Nagbago at nakasayaw
nya pa. Ang huling sayaw nya.

Tinungkod nya ang mga paa sa silya saka nakaakyat na dito.
Tinapat ang leeg sa bagay na nasa harapan nya.

"I am so happy that I have saved everybody, sad because
no one had ever saved me"

"I love you. Goodbye"

-----------------

"Anak ko? Gising na, anak. Andito ang mga kaibigan
mo. Gagala daw kayo. Nabitin daw kagabi! Haha! Mga
lokong bata!"

"Anak, bakit kaba nagla-lock ng pinto ngayon?"

"Tulog pa ata. Anak ko! Dumating na manliligaw mo oh!"

"Aba, napaka antukin mo naman ngayon anak! Sabagay,
alam ko napagod ka sa handaan kagabixl"

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi padin gumigising
ang anak kaya naisipan ng ama na gamitan ito ng susi.
Ngunit sa pagbukas nya ay nahiling nyang sana tulog
pa sya sa mga oras na iyon.

"A-anak! A-an-anak kooo!" at parang batang umiiyak ang ama
habang ito ay nakayakap sa paa ng nakalambitin na anak.
Sa pagkataranta sa narinig ay agad na tumalima ang mga
taong sa oras na iyon ay nasa sala. Lahat ng ito ang nagsiiyakan.
Ngumungawa na parang wala ng bukas sa nakikita.
Namimilipit sa sakit na dumadagan sa dibdib. Hindi
makapaniwala na ang nahuhuling gabi at sayaw kasama
ito ay ang huling gabing mararamdaman ang presensya
nito.

Walang tigil ang lahat sa pagsambit ng "Patawad".

Pero huli na. Maski ang ama ay hindi makapaniwala
na sa huling sandali ay sa huling sayaw nya pa nakakasama
ang anak.

"Anak!"

"Anak ko!"

"A-anak"

-----------THE END------------

Note:

Please value someone's presence.
Comfort those who are drowned in darkness.
Save those who are in danger.
Most importantly, know or be aware if
someone needed you so much but didn't bother
to call you.

BEFORE IT'S TOO LATE.

When My Heart Is In VainWhere stories live. Discover now