"Estranghero"
♪Inlove na ako, Inlove na Sa'yo
Sana'y malaman moa ng damdamin ko
Tinamaan ako, tinamaan sa'yo
Sana'y sabihin mong,
Sa'yo ay may pag-asa ako~
Buong pagmamahal kong sinabayan ang pagkanta ng idolo kong si Darren Espanto habang ako'y nakikinig ng napakaganda n'yang awitin sa radiyo.
"Isabela, ika'y pumarito sa baba! May sasabihin sa iyo ang iyong ama" rinig kong sabi ng aking ina.
"Opo! Papunta na!" at dali-dali akong pumanaog.
Nadatnan ko ang aking mga magulang na nag-uusap sa may pinto. Lumapit ako kay tatay at nagmano.
"Mayroong mga bagong dating galing Maynila. Magbabakasiyon sila dito sa Isla El Pantasya at kinakailangan ng tiyahin mo ng tutulong sa kanya. Mga espesyal itong mga nagbabakasiyon kaya kailangang magpakabait ka."
Marami pang sinabi si tatay ng mga pwede ko gawin habang naririto pa itong mga nagbabakasiyon sa isla na pagmamay-ari ng tiyahin ko.
-----
"Ay! Ito nga po pala ang pamangkin ko Ma'am Marinel. Napakasipag po nitong batang ito. Siya yung tumutulong sakin dito sa resort ko kasama yung mga magulang niya." Bigla akong nahiya sa pagpapakilala saakin ng tiyahin ko sa mga bisita.
Napatingin ako sa likod ng ginang kung saan naroroon ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay kaedad ko lamang at abala sa selpon nito. Nagtaas ng tingin ang lalaki at ngumiti saakin ngunit binalewala koi to at
tumingin sa ibang direksiyon. Wala kasi akong balak kumausap ng ibang lalaki maliban nalang kung si Darren iyon.
Pero kailan pa kaya dadating ang araw na iyon? Natanong ko ang sarili. Tatlong taon ko nang hinahangaan si Darren pero niisa ay hindi ko pa siya nakikita. Ni litrato o anino niya'y di ko pa nasilayan. Masyado kasing malayo itong lugar namin sa bayan at walang telebisyon o iba pang teknolohiya dito sa amin maliban nalang sa radiyo kung saan ko palaging naririnig ang mga kanta niya. Ni buong pangalan at kung taga saan talaga siya ay hindi ko alam. Tanging "Darren Espanto" lang na alam kong mayroong napakagandang tinig na bumighani ng puso ko.
Pagsapit ng gabi, nagpunta ako sa dalampasigan para magpahangin, dala-dala ang debateryang radiyo ng tatay ko. Inaabangan ko ang kanta ni Darren ipapatugtog ngayong mga oras na ito. Nang narinig ko na ang tinig ni Darren ay tumuon na ang buo kong atensyon sa kanta at paminsan-minsan ay sinasabayan ko pa ito.
Pagkatapos ng buong kanta ay napangiti nanaman ako ng todo hanggang sa may bigalng tumikhim sa likod ko. Siya yung lalaking ngumiti saakin kanina. May balak na sana akong lumayo ng may naisip akong isang bagay. Tumakbo ako sa bahay namin na malapit lang sa pinag-eestaran ko at nang bumalik ay nandoon parin ang lalaki.
"Alam kong taga Maynila ka at alam kong hindi tayo ganoon ka-close. Pero pwede ko ba itong ipadala sayo? Alam kong sa susunod na lingo pa kayo uuwi pero... Pero ibibigay ko nalang sa iyo ito ng maaga baka makalimutan ko at sana'y wag mo itong buksan. Pakibigay po ito kay Darren Espanto kung maaari" sabi ko habang nakangiti habang ang lalaki ay gulat na gulat. Hindi ko lang alam kung dahil bas a mga sinabi ko o dahil pinansin ko siya?
"Ahm... Ano... Sige" -Siya
"Ako nga pala si Isabela" pagpapakilala ko.
"Yeah, I know right. I'm Da- Darwin. Nice meeting you"
Simula noon ay naging magkalapit na kami. Palagi kaming magkasamang naliligo at naglalaro sa baybayin pati ng kaniyang nakababatang kapatid.
Minsan pa nga ay pagpinatugtog ang awitin ni Darren sa radiyo ay sumasabay siya. Maganda rin ang kaniyang boses at ayaw kong mag-isip ng iba.
Naglalakad ako sa dalampasigan habang papalubog na ang araw. Nakita ko si Darwin na nakaupo sa may unahan at parang may hawak na isang bagay. Lumapit pa ako sa kaniya pero para akong binagsakan ng napakabigat ng bagay ng makita ang hawak niya. Iyon ay ang mga sulat ko para kay Darren at ang mga regalong ginawa ko na para lang kay Darren.
"Diba sabi ko sayo na wag mong pakialaman?! Bakit mo binubuksan iyan?! Para kay Darren ang mga iyan at hindi ka si Darren!"
Hinablot ko sa kaniya ang mga iyon at niyakap. Umiiyak na ako at naramdaman ko nalang na may yumakap saakin.
"Hindi mo talaga ako kilala?" tanong nito bigla. Napatingin naman ako sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? Kumalas ako sa yakap niya. Nunka'y bigla siyang kumanta. Bumabalik nanaman sa isip ko ang mga imahinasyon ko dating akala ko'y guni-guni ko lamang.
♪Mula nung makilala ka
Lagi na lamang naiisip ka
Ang 'yong ganda'y naiiba
Hanggad kong lagi ay makita ka
Bigala akong napatahimik. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hanggang sa natapos nalang niyang kantahin ang buong kanta ay tulala parin ako.
"Hi, Isabela. I'm Darren Lyndon Gonzales Espanto"
WAKAS
[this story is an art of fiction featuring Darren Espanto (The Voice Kids runner up) any events mentioned above do not exist in real life, thank you ]
YOU ARE READING
When My Heart Is In Vain
Storie breviONE SHOT STORY COMPILATION by: @coldqueenmotion plagiarism is a crime