DEFYING GRAVITY
CHAPTER 17Ginising ako sa kiss nang pinakamahal kong anak—si Poker. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang masayang ngiti ni Dianne.
"Good morning Dianne! Good morning Poker!" masigla kong bati.
"Good morning ate. Buti at gising ka na. Kanina pa naghihintay si kuya Adamson sa sala" sabi niya.
"Naghihintay? Bakit?" tanong ko.
"May lakad daw kayo eh" sabi niya tsaka nag smile.
"Sige, pakisabi na naliligo pa ako." tugon ko at bumangon na. Dumiretso ako sa CR at naligo. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako.
"hoy Adamson. San tayo pupunta? Bakit di mo ako binigyan ng advance info?" tanong ko.
"Well, I want to surprise you." sabi niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Kakain tayo."
"Ayaw kong umalis ng bahay Adamson. May regla ako! Nakakatamad!"
"It's my last day here in Cebu. Pupunta na ako ng Iraq bukas. I want to spend the day with you." sabi niya. Oo nga pala, hahay.
"Di ka ba pwedeng di pumunta, darling? Delikado dun eh" sabi ko.
"Sus, wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya.
"Meron pero sa shooting skills mo, wala!" sabi ko
"Naka shoot nga ako sayo eh!" sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng pag init ng pisngi.
"A-anong shoot?!" tanong ko.
"Hoy. Iba na yang iniisip mo ha? What I mean is nakashoot na ako sa puso mo. Three points pa nga di ba?" sabi niya sabay tawa. Oo nga naman. Hay nako, Zymith.
"Sa-sabi ko nga. Tara na!"Sabi ko at hinila siya palabas ng sala.
"No, darling. Change your shorts first. Di kita papayagan na lumabas ng bahay na nakashorts, okay?" sabi niya.
"Okay, magsi-skirt nalang ako" tugon ko. Di niya pa rin ako binitawan.
"Also, wearing mini skirts is forbidden"
"Fine, magje-jeans nalang ako." sabi ko at umakyat sa taas para magpalit. Nag jeans at blouse nalang ako. Takteng tao yun. Ang sexy ko nga nun, pinabihis pa ako.
Pumunta ako sa sala pero wala siya roon. "Dianne, saan si Adam?" tanong ko sa kapatid ko na galing sa kusina.
"Lumabas yun ate, tingnan mo lang dun" sabi niya tsaka ako lumabas. Andun siya, pinapa andar ang motor niya.
"Hi chix!" sigaw niya nung makita niya ako.
"Chix your face. Dumbass!" sabi ko at tumawa. Umiling lang siya at inalalayan akong makasakay.
"May balita ka na ba kay Carter?" tanong niya.
"Nasa psychiatric ward daw siya sabi ni mama." sagot ko.
"That's good news. Atleast panatag ako na walang gagalaw sayo kahit nasa malayo ako" sabi niya.
"A-anong gagalaw?" tanong ko
"God, darling. Walang mag aaligid sa iyong lamok. Ganun yung ibig kong sabihin, hindi yung... Aish, bahala ka nga!" sabi niya.
"Sorry na!" sabi ko at mas hinigpitan abg pag hug sa kanya.
"I love you"
"I love you too, Adamson"
...
"Anzani?" tanong ko.
"The food here is amazing, darling" sabi niya. Pagpasok namin, well, I can say, romantic yung ambience dito. Wait, sabi niya the food here is amazing.
"Nakapunta ka na dito? Sinong kasama mo, ex mo?" tanong ko.
"No, I went here with my family." sabi niya sabay tawa.
"Siguraduhin mo yang family mo na yan, Adamson. Pag nalaman kong may pamilya ka na, kakatayin talaga kita ng buhay!" pagbabanta ko. Pero no effect kasi tumawa lang siya.
"I love you"
"che!" sabi ko.
Nag order na kami ng pagkain. Infairness, masarap ang mga foods nila! "Kumain ka ng marami para malagyan ng laman ang body mo" sabi niya.
"Hoy, di ako payat. Sakto lang yung katawan ko. Normal BMI ko. Gagong to" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Okay, normal. Sabi mo eh" saad niya at tumawa. Gagong 'to. Inaasar talaga ako.
"Dapat, sa loob ng six months, mag iingat ka ah? Papakasalan pa kita" sabi niya.
"Yes baby. Ikaw din" sabi ko sabay smile.
...
Pinalipas namin ang oras sa arcade. Unfair, ang galing magshoot! Eh ako, di nga nakaabot 100 ang points ko.
"Ano ba yan. Favoritism yung mga laro nila dito. Tangina!" sabi ko.
"Chill darling" sabi niya. Inirapan ko lang siya.
"Baby, 6 pm na" sabi niya.
"Uwi na tayo?" tanong ko.
Umiling siya. "Not yet. Punta muna tayo dun sa Sugbo Mercado"
"Ha? Anong gagawin natin dun?" tanong ko.
"Kakain nanaman tayo!" sabi niya at hinila ako palabas ng arcade. Akalain mo yun, nag aarcade kami for almost 7 hours? Buti at naisipan niyang kumain.
...
Nilunod namin ang aming sarili sa mga iba't ibang street foods na binibenta doon. Di ko talaga magawang magsawa sa takuyaki dun. Masarap talaga. Andito kami ngayon, nakaupo sa upuan. Iba din kung nakaupo kami sa tent di ba?"Anong oras ka aalis bukas, by?" tanong ko.
"3 am" sabi niya. "Mag ingat ka dito ha?" tumango ako. Bigla siyang tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na. Mag ingat ka dito!" sabi niya.
"Walanghiya ka!" sabi ko. Tawa lang siya nang tawa.
"Mag ingat ka dito, Zymith. Mahal kita." sabi niya. Tumunog tiyan ko.
"I love you too, Adam." sabi ko at hinila siya papunta sa motor niya. "Uwi na tayo, masakit na tiyan ko" sabi ko. Puta, masakit talaga siya. Pero kaya pa.
"Yan kasi. Kain ng kain ng takuyaki. Sige umuwi na tayo bago ka umutot dito" sabi niya sabat tawa. Inirapan ko nalang siya at sumakay sa motor niya.
...
Andito na kami sa labas ng bahay ko. Ang traffic! Parang ako si wonderwoman na nakikipaglaban sa antok on the way here. Huta!
"Thank you sa time, baby."
"Thank you din, darling" sagot ko. And before I could turn my back. He kissed me. His kiss is full of love, I can tell. It is calm at the same time, I can feel that he is controlling his self.
"Thank you also sa breathtaking kiss" sabi niya sabay tawa.
"Pakyu ka. Mag ingat ka pauwi ha? Mag ingat ka din papunta dun sa Iraq!" sabi ko.
"Yes, sir!" sabi niya sabay saludo. Pumasok na ako sa bahay. I stayed up all night praying that he will be safe. It's 27 minutes past 2 nang nag vibrate yung phone ko.
From: Hubby
Nasa eroplano na kami, babe. See you in six months! I miss you already. I love you!To: Hubby
Mag ingat ka dun, darling. I love you so much.Nilagay ko ang cellphone ko sa side table at pinikit ang mata. Adamson, please be safe.
BINABASA MO ANG
Defying Gravity
Short StoryShe was bombarded by the truth and hopes that someone would save her. He swore something he will never do until he met her. In an airplane who defies gravity, their paths crossed.