Chapter 11

25 1 5
                                    

DEFYING GRAVITY

CHAPTER 11

Andito ako sa kwarto ko ngayon. I am really hesitating kung itetext ko ba si Adamson o hindi. Kinakabahan ako, baka totoo yung sinasabi ng Carter na yun.

Calling...
Adamson

Oh my gosh, tumawag siya!

"Hello?" I greeted.

"Hello Montreal. Is everything okay?" tanong niya.

"Yup, everything's good. Bakit?" sagot ko.

"May itatanong lang sana ako. In any case, kilala mo si Amaranthine Montreal?"

"Yes, she's my sister. Why?" tanong ko. Ano na naman ang ginawa mo, Dianne?

"Well... She messaged me on facebook, sabi niya inlove ka daw sa akin at ginawa mong wallpaper yung mukha ko. Nagsend pa nga siya ng screenshots." sabi niya sabay tawa.

"Gamboa, wa-wag mo yun pansinin hehe. Cellphone niya yun. Si Taehyung wallpaper ko hehe" sabi ko.

"Tsaka sinabi niya na pumunta daw si Carter diyan" his voice went deeper.

"Ah, yes. Putanginang yun, Gamboa. He'll win me daw. Di niya talaga matanggap na pinsan kami." sabi ko.

"You want me to come there?" tanong niya.

Yes, darling. Pero syempre pakipot tayo "Feeler, diyan ka lang sa Davao. I'm living peacefully here" sabi ko.

"Ikaw bahala. Tsaka Montreal, gusto mo puppy?" tanong niya.

"Yessss!" sigaw ko. "Gustong-gusto, Gamboa!"

"Anong breed?" tanong niya.

"Kahit ano basta yung maliit" sabi ko.

"Sige, bumili ka bukas" sagot niya sa akin sabay tawa.

"Putangina mo" sabi ko.

"Mas putangina ka" sagot niya.

Nabalot ng katahimikan ang conversation namin...

"Ate, kain na daw tayo" sabi ni Dianne na ikinagulat ko.

"Di ka na marunong kumatok Dianne? Humanda ka sa akin." sabi ko tsaka tinuro siya. "Sige na Gamboa, kain muna ako." pahabol kong sabi kay Adamson.

"Kain ng marami. Ingat ka!" sabi niya.

"Ikaw din. Hanggang sa muli!" sagot ko.

"Paalam!" sabay naming sabi. Tumawa kaming dalawa. Batibot lang? His laugh is contagious even if we're far away.

"Putangina ka, Gamboa!" sabi ko sabay tawa.

"Putangina mo rin, Montreal" sabi niya. "Sige na, kain ka muna. Pakabusog ka!"

"Ikaw din." then I ended the call. Shit, nakalimutan kong itanong kung totoo ba yung sinasabi ni Carter. Itetext ko na nga lang.

To: Adamson
Btw, Gamboa, pumunta ka ba ng SM kahapon?

I left my phone on the side table tsaka bumaba na.

I went to the dining room and saw Dianne. Ay oo nga pala.

"Mama, papa, si Dianne po, may nagawa yang di mabuti sa akin!" sabi ko nang makaupo ako. "She messaged Gamboa! At sinend pa talaga niya yung wallpaper niya, which is si Gamboa!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA ate naman! Ayaw mo nun? Eh yung wallpaper niya nga yung kayong dalawa na hinalikan ka niya sa ulo tapos ikaw, gulat. Duh! As if di mo gusto" sabi niya. Putanginang Adamson yun, di pa nga niya sinend sa messenger, ginawa na niyang wallpaper?!

"Mamaya na kayo mag away. Kumain muna kayo" sabi ni papa.
...
"Dianne, before we forgot, we added 4 guests for your birthday" sabi ni mama. Oh dear, don't tell me, mga Gamboa to?

"Mag a-add din sana ako mama. Yung boyfriend po sana ni ate. Si Gamboa?" sabi niya sabay tingin sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Ah yes, we invited his family. They will be here next week, sa birthday mo, Dianne" sabi ni papa.

"He can't be here! Nasa Davao siya! Duty!" sabi ko. Bakit ayaw kong pumunta siya dito?

"Mataas yung posisyon niya, anak. Official yun, baka pwede siyang maka leave. Total, birthday yan ng sister in law niya." sabi ni mama. "Tsaka bakit mo alam na duty siya? Oyyy. Anak ha? Nagsasabi ba siyang "Sgt. Gamboa reporting. Ang sched ko ngayon ay blablabla?" pahabol niya. Hay nako.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko at tumawa.

Umakyat na ako at agad na umupo sa kama. Kinuha ko din yung cellphone ko.

3 messages

From: Adamson
Wala, umuwi ako kaagad. Bakit?

From: Adamson
Check your messenger. Sinend ko yung picture at time. Nasa bahay ako. Di na ako lumabas. Promise.

From: Adamson
Are you mad? I'm sorry.

Hahahaha loko 'to. I called him.

"Gamboa"

"Yes, darling? Sorry kung nagalit ka. Di naman kasi ako lumabas" sabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Ulol! Nagtatanong nga lang" sabi ko.

"Ah ganun ba? Buti naman hindi ka galit. Ano pala pakay mo?" tanong niya.

"Magtatanong lang sana ako kung makakauwi ka nang Cebu next week" sabi ko.

"Yes. I can. Why? Gusto mo na naman akong makita?" tanong niya.

"Gong gong. Feeler. Di ah. Wala lang, curious lang ako. Bakit ba?" sabi ko.

"Wala lang. Hahaha. Ano ginagawa mo?" tanong niya.

"Eto, nagpapahangin lang. Ikaw?"

"Nakikipag usap sa babaeng mahal ko" sabi niya.

"Sus. Mukha mo. Ano nga?" tanong ko sabay tawa. Okay fine. Kinilig ako dun.

"Nasa barracks ako, naghihintay ng tawag. On call kami ngayon eh" sabi niya.

"Ganun ba? Paano yun sila makakacontact sayo kung may kausap ka sa cellphone mo?" tanong ko.

"Okay lang, may telephone din naman ako dito" sagot niya.

"hmm sige. Magpahinga ka muna." sabi ko.

"ikaw din, Montreal." then I hung up. Binuksan ko ang cabinet ko at nakita ang mga regalo ni Carter noon. Nilagay ko ito sa malaking box tsaka pinababa.

"Anong gagawin mo diyan ate?" tanong ni Dianne.

"Ipamimigay ko ang mga stuffed toys sa orphanage, Dianne. Tapos yang scrapbook, tapon na siguro" sabi ko.
...
Kinuha ko ang journal ko at nagsulat ng tula. Haven't I told you I love writing short poems? Everytime na boring ako, I write anything.

In the land of forgotten,
I stood in silence.
Hoping someone out there,
Remembers my existence.

And there, on the cold ground,
I first laid my eyes on you.
You really remember me,
But how come I didn't know you?

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon