Chapter 15

17 1 5
                                    

DEFYING GRAVITY
CHAPTER 15

It's 12 noon at andito kami sa ospital. Yes, natamaan si Carter. Eh gago, nakipag agawan ng baril sa isang sundalo. Di naman ito malala dahil sa hita lang niya.

"Ako na ang magso-shoulder nang hospital bills tito." sabi ni Adamson.

"No, kami na. Mas mabuti pang magpahinga ka muna." sabi ni papa. Tumango lang si Adamson at nilapitan ako. "I'm sorry for letting you see that. I didn't know you're afraid of blood" sabi niya.

"Okay lang ako, Adam. Ikaw? May masakit ba sa'yo?" tanong ko at hinipo ang noo niya. "May sugat ka sa noo oh!" sabi ko at tinuro ang sugat.

"Nah, malayo yan sa lalamunan. You want to go home?"

"Ihahatid mo ako?" tanong ko

"Yes" tipid na sagot niya. I can tell that he's affected.

"I'm okay Adam. Don't worry."

"It's the thought that made me sad, Zymith. The thought that what if one day, may aagaw sayo sa akin"

"Don't be afraid, Adam. Kung may tiwala ka sa akin—" di niya ako pinatapos.

"Oo na, ako'y sayo, ika'y akin lamang" kanta niya. Umirap ako tsaka siya tumawa. "Uwi na tayo" pahabol na sabi niya.

"Sige, I'll just tell my parents" sabi ko at tumayo para maglakad patungo kina mama at papa.

"Ma, pa... Uuwi po sana ako. Ihahatid ako ni Adamson."

"Sige anak. Mag ingat kayo. At sabihan mo si Dianne na ipagluto ka" mama said. My eyes sparkled at the thought that Dianne will cook for me.

"Sige mama. Mauna na po kami" sabi ko at nagbeso sa kanila.

"Adam, pwede ba tayong pumunta sa pet shop? Bibilhan ko lang ng pagkain si Poker" sabi ko nang sinuot niya ang helmet sa akin.

"Sure thing, darling" sabi niya at pinasakay ako sa motorcycle.
...
"POKER!" sigaw ko nang makapasok kami sa room. Ang init, 15 minutes kasi ang byahe galing sa pet shop patungo dito.

"Arf! Arf!"

"Hihihi I miss you too, baby Poker! Andito si daddy oh!" sabi ko at hinarap si Poker kay Adam.

... Wait... Loading...

He. Kissed. Me. "ADAMSON GAMBOA!" sabi ko. "Walanghiya ka!"

"I didn't do anything!" sabi niya sabay tawa.

"hali ka dito, gago ka!" sabi ko at hinabol siya. He took a grip on my wrist and pinned me on the wall.

"You know I love you so much, right?" tanong niya. Um-oo naman ako. His face is getting closer. And closer. And closer.

"A-Adamson. Boundaries na-natin" sabi ko. Humiwalay naman siya. "Sorry."

Ahhh bakit ko siya pinigilan?! Hinawakan ko ang batok niya tsaka siya hinila pababa para level na ang aming mukha. "I am going to take back my kiss" I said then touched my lips to his. Shit. Ang landi ko. My ghad. Maria Clara, help! "I'm sorry" I said.

"OH MY GOSH ATE!" biglang sigaw ni Dianne.

"Ano?!" tanong ko.

"What the fuck? Anong ginagawa niyo dito? Ba't ang lapit ng mukha niyo?!"

"Dianne. Binabantayan lang namin si Poker. Sa di inaasahang pagkakataon, may naamoy kaming utot kaya nilapit ko ang mukha ko kay ate mo para malaman kung galing ba sa bibig niya yung amoy" sabi ni Adamson. Bobo talaga tong taong to.

"Ahh hehe, si Poker siguro yun kuya"

"Baka nga."

"Ah, oo nga pala. Tapos na ako magluto. Kain na tayo" sabi niya. Nagkatinginan kami ni Adamson. I can see that he's red. Iniwas ko ang tingin ko at pinuntahan si Poker para kargahin pababa.

"One happy family!" masayang bati ni Dianne nang makapasok kami sa kusina. "Wait and I'll take a picture" sabi niya at nilabas ang phone niya. Umirap lang ako tsaka kami kumain.
...
"Adam, halika. We'll clean your wound" sabi ko. Pinaubaya ko muna kay Dianne si Poker.

"The wounds in my heart are cleaned when I met you, Zymith" sabi niya. Oh my god, Adamson!

Nilapitan ko siya at nilagyan ng alcohol ang sugat niya. Di siya nagreklamo pero makikita mo sa mukha niya na nasasaktan siya.

"Masakit?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Zymith, pag pupunta ba ako sa ibang bansa, hihintayin mo ako?" tanong niya.

"Bakit? Aalis ka?" tanong ko.

"Hindi naman. Pero kung sakali ba, may babalikan pa ba ako?"

"Of course."

"wow, of course lang yung sagot?" sabi niya sabay tawa.

"Oo"

"oo? Ha? Di na kita gets" sabi niya.

"Yes Adamson. I'm yours now" sabi ko sabay smile. Natigilan siya. Namilog ang mga mata.

"Ha?" tanong niya ulit. Ang slow nito.

"Sir, for your information, sinasagot na kita sir!" sabi ko sabay saludo.

"Really?" tanong niya. I just nod as an answer. Bigla siyang tumayo at hinila ako palabas ng bahay.

"ZYMITH ZCARINA MONTREAL IS FINALLY MINE, WORLD! I HAVE REACHED MY DREAMS!" sigaw niya.

"Adamson, nakakahiya. Shut up!" sabi ko. Lumingon siya sa akin.

"Ooops! No kissing!" I said. Nag pout lang siya.

"I love you!" sabi ko.

"I love you too, Zymith! I love you so much that I am willing to defy my urge. Urge sa paghalik sayo. I can wait until you're ready to get married with me, Zymith." sagot niya tsaka nag hug sa akin.

"Che! Kiniss mo na nga ako kanina! Magnanakaw!" sabi ko.

"Binawi mo naman." sagot niya.

Umirap ako. "No kissing, okay Adamson?"

"Yes, darling" sabi niya.

Glad I'm finally home.

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon