DEFYING GRAVITY
CHAPTER 12
Ilang araw ang nakalipas at bukas na ang birthday ni Dianne. Kahapon, naghanap kami ng gown. I choose a white gown kasi black and white yung motif. It is a laced, off shoulder white gown. Dianne's gown is beyond fascinating. Black and white ito. Adamson? Ewan ko, di pa yun nagtetext kung kelan siya uuwi. Ang isasagot lang niya "Basta". Di siguro yun pupunta, but we are keeping our communication at ease. Di kami palaging magkatext pero tawag, uhm, let's just say every after meal.
To: Adamson
Gamboa, kailan ka uuwi?Ilang segundo lang ako naghintay sa reply.
From: Adamson
Basta, maghintay ka lang. I'll be there.To: Adamson
Pasalubong ha? Maghihintay ako.From: Adamson
Montreal, di ba sapat ang aking sarili at kailangan ko pang magdala ng pasalubong?To: Adamson
Hahahahaha tangina mo. Sige na. Babush.Nilagay ko yung cellphone sa side table tsaka bumaba.
"Hi!" sabi niya.
"Putangina! Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit mo alam ang bahay ko?" tanong ko.
"Akala ko ba gusto mo akong makita? Tsaka sabi ni papa dito daw bahay niyo" sagot niya.
"KYAAAAAAH~" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya. "Adamson, kanino tong tuta?"
"Psh, akala ko iha-hug mo ako. Di ba sabi mo pasalubong, edi binilhan kita." sabi niya.
"Tuta?! Waaaaa~ Thank you darling!" sabi ko tsaka kinarga ang tuta. "Your name will be... Adam" sabi ko.
"Puta, mukhang tuta ba ako?" sabi niya.
"Ay... Poker nalang" sabi ko.
"Poker?"
"Kasi yan yung name ng eroplano diba? Kung saan tayo unang nagkita? Kaya Poker ang name mo ah?" sabi ko sa puppy. Tumahol naman siya.
"Oh, Zymith. Ipakilala mo naman ako sa boyfriend mo" nabigla ako nang nagsalita si mama.
"Good morning po tita. I just came here to give Zymith the puppy" sabi niya.
"Oh, ikaw ba si Adamson? Zymith talks alot about you" sabi niya.
"Mama!"
"Tapos ka na bang kumain, iho? Halika sa kusina" sabi ni mama tsaka nag smile. Nilagay ko si Poker sa box niya at sumunod naman kami ni Adamson. Umupo siya sa gilid ko.
"I didn't know you talk so much about me, Montreal" he whispered.
"Nah." sabi ko sabay irap. Shit, ang lakas nang kabog ng puso ko.
"May girlfriend ka na ba, iho?" tanong ni mama.
"Wala pa po." sagot niya.
"Ah, mabuti naman. Si Zymith nga single din" sabi ni mama. "Mama naman!" sabi ko.
"Mabuti naman kung ganun, tita" sabi ni Adam. Biglang nag ring ang cellphone niya. "Excuse me po" tsaka siya tumayo at lumabas sa dining room.
"I can tell he's into you, Zyzy" sabi ni mama.
"Mama naman kasi eh... Pabayaan mo siya huhuhu nakakahiya" sabi ko.
"Okay, okay. Shut up na ako" sabi niya tsaka kumain.
"I'm sorry tita pero pinarecall kami ng commander namin." sabi ni Adamson nang pumasok siya sa dining room.
"Yes, we understand, Adamson. Zymith, bakit hindi mo ihatid si Adamson palabas?" sabi ni mama. Tumango ako tsaka tumayo.
"And by the way, Adamson. If you have a plan pursuing one of my girls, my house is open" pahabol niya. Shit, My cheeks are burning. I can feel it.
"Thank you, tita." sabi niya tsaka ko siya hinila.
"Mag ingat ka papunta sa base, Gamboa" sabi ko.
"Mag ingat ka rin dito." sabi niya tsaka hinalikan ako sa noo.
"Tss. Tsansing"
"Gusto mo naman?" tanong niya. Inirapan ko nalang siya.
I stare at him until he is out of my sight. Pumasok ako sa loob tsaka ko nakita ang mama at papa ko. Nakatayo ng nakangiti. "What?" tanong ko.
"I can't wait to see you two together" sabi ni mama.
"Aish, ewan ko sa inyo" sabi ko.
"Supported" sabi ni papa tsaka kami tumawa. My parents are okay with him, siya nalang yung hinihintay kong gumawa ng motibo. Kinuha ko si poker. I walked towards my room. Nandun na yung susuotin ko. Nilapag ko si Poker sa kama.
"Poker, matulog muna tayo. Pagod si mommy" sabi ko tsaka humiga sa kama.
"Arf arf!" sagot niya tsaka humiga sa tabi ko. Tayo lang muna ngayon, baby ah, may work si daddy eh.
"Grabi yung epekto ni Adamson sa akin, Poker. Parang lahat nalang ng mga bagay ay connected sa kanya" sabi ko. Tumingin lang si Poker sa akin.
"Love na ba to, Poker? Pero ang bilis naman yata? Mag wa-one month pa kaming magkakilala" sabi ko. "Arf arf!"
"Oo nga no? Time doesn't matter when love exist between you two" sabi ko.
Papakasalan niya ako. Lalakad ako sa aisle tapos nandun siya naghihintay sa altar... Kasi nagpari siya.
I laughed at such thought. Hay nako, Adamson. Anong ginawa mo sa akin?
BINABASA MO ANG
Defying Gravity
Cerita PendekShe was bombarded by the truth and hopes that someone would save her. He swore something he will never do until he met her. In an airplane who defies gravity, their paths crossed.