Chapter 19.1

17 2 0
                                    

DEFYING GRAVITY
CHAPTER 19.1

"ATE ZYMITH! GISING NA! PUPUNTA NA TAYO KINA ADAMSON!" sigaw ni Dianne. Anong oras na ba?

Tinignan ko ang orasan ko. Fuck! It is already 9 am! Magreready pa kami sa surprise namin! "Dianne, bring Poker downstairs. Maliligo lang ako" natataranta kong sabi at tumakbo patungo sa CR.

Matapos kong maligo at nagbihis—I am wearing a T-shirt with a phrase "My home is home!" at ripped jeans.—bumaba na ako.

I texted Adamson.

To: Hubby
Cannot wait to see you today, baby. I miss you so much.

"Arf! Arf!" bati sa akin ni Poker. Nilagay ko ang cellphone ko sa bag.

"Uy, si Poker! Excited makita si daddy" sabi ko at kinarga siya. "You want to see daddy? Hmmm?" tanong ko.

"Arf arf!" sabi niya. Yes, uuwi na si Adamson ngayon. Can you believe it?! Uuwi na ang baby ko!

"Zymith! Relax ka lang. Buti pa't tulungan mo kami magdala nitong mga gamit." sabi ni mama. Kinuha ko ang isang basket. Nasa right arm ko si Poker. Lumabas na kami sa bahay.
...
"Tita, tito. Pasok po kayo" sabi ni Jason nang nag doorbell kami sa gate nila. Kinuha niya ang basket na dala ko at ang plastic bag na dinala ni Dianne.

"Arf arf!" tahol ni Poker.

"Oh! Hello!" sabi ni tita Jaizel at nagbeso sa amin.

"Hello Poker!" sabi niya.

"Arf! Arf!"

I put Poker down and he just wiggle his tail. Cute baby! "Hali na kayo at magdedesign pa tayo. Katatapos lang din namin mag linis" sabi ni tito Adam. Pumasok na kami. Adun ang malaking tarpaulin ni Adamson saying "Welcome Home, Capt. Gamboa!"

"I brought party poppers and banderittas po" sabi ko. Kinuha ko yun sa bag ko at ikinabit sa wall. Ang party poppers ay nilagay ko sa table.

"Zymith, hali ka. Tulungan mo kami sa kusina" sabi ni tito. Sumunod naman ako. Wow! Everybody's busy! Excited talaga sila sa pag uwi ni Adamson.

"Babe, hihitayin ko lang sana si Zymith. Magpapatulong ako sa flower arrangement sa likod" sabi ni tita Jaizel.

"But magpapatulong sana kami sa pagluluto." sabi ni tito.

"Please?"

"Alright. Tulungan mo muna siya Zymith" sabi ni tito. I nodded as an answer.

"Do you know Adamson loves sunflowers so much?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

"Ho? Opo. Sabi niya sa akin na dapat may sunflower garden kami sa backyard ng magiging bahay namin" sagot ko.

"Adamson is such a strong man, Zymith. You are both lucky to have each other" sabi niya at nagsmile.

Nang makarating kami sa likod nila, maraming sunflowers ang nandun. "Zymith, tulungan mo naman akong mag arrange nito" sabi niya at pinakita ang dalawang bouquet ng sunflowers.

"Sure tita" sabi ko at nagsimula nang mag arrange.
...
"Ate Zymith, break muna oh. Itong tubig" sabi ni Dianne at inabutan ako ng glass of water.

"Do you think this is enough?" tanong ko sa kanya.

"He'll love it, ate!" sabi niya tsaka pumalakpak. "Pasok na siguro tayo at malapit na ang 6 pm. Paparating na yung bebe mo"

I smiled at such thought. Damn, thinking that he'll open the door, at pinaputok ang party poppers while his favorite song is being played makes me wanna cry. I miss him so much.

"Hoy ate! Wag ka nang mag OA jan. Di bagay sayo. Tsaka magbihis ka nga! Ang dungis mo!" sabi ni Dianne.

"Oo nga. Yucks, mukhang taong grasa. Oily face mo bes!" dagdag naman ni Jason. Aba't—

"Oo nga, Zyzy. Magbihis ka na." sabi ni mama. I just sighed. Sayang naman ng shirt ko.

Pumunta ako sa CR at sinuot ang mustard yellow na tshirt ko. I ponytailed my hair din.

"That's better" sabi ni Dianne. I just smiled. I feel so exhausted. Umupo ako sa sala while nakatitig sa mga pagkain. Ang sarap nang kumain pero dapat daw hintayin si Adamson. Nabigla ako nang nag ring ang telephone nila. Tito Adam answered the call.

"Hello? Gamboa's Residence."

"Yes sir"

"Copy sir"

"Thank you sir"

Yan lang ang sinabi ni tito tsaka siya tumingin sa akin.

"The airplane they rode has landed" sabi niya. I can feel my tears rolling down my cheeks. Atlast! I can see him! I can touch his face and kiss him. I miss him so much.

"Stop crying na. He'll be here in 30 minutes or so." sabi ni tita at binigyan ako ng tissue.

"Crap, my mascara!" sabi ko tsaka kami tumawa.
...
It is already 8 pm at wala pa din si Adamson. I tried calling him pero di parin niya sinasagot.

"Tito—" di ko natapos na sabi kasi may nag doorbell.

"Okay, positions everyone!" sabi ni tita. Lumabas na si tito sa bahay. Naging tahimik ang paligid.

"The man and his son might have a heart to heart talk eh?" sabi ni tita tsaka kami tumawa. "You guys go to the backyard" sabi ni tita. "Zymith, follow me" tugon pa niya.

Pumunta kami sa kwarto niya at binigay niya sa akin ang isang white dress with a tiara. "Wear that. Sumunod ka na lang sa likod" sabi niya at lumabas. Sinuot ko iyon at lumabas na. It is awkward to wear this kind of dress and wearing slippers at the same time.

Pumunta na ako sa likod. Ang tahimik nila. Wala kang maririnig maliban sa kanta na Flightless Bird, American Mouth.

"Dito ka umupo, Zyzy" sabi ni mama at pinaupo ako sa center. Wow, ikakasal na ako? Dream on girl.

Ilang minuto ang lumipas at natatanaw na namin si tito Adam... With a flag and an envelope on his hand. My world stopped. The music stopped. Everyone is staring at the flag and the envelope. Could it be?

Nakalapit na sa akin si tito. "He is..."

"NO TITO! NO! HI-HINDI YAN TOTOO. FUCK!" sigaw ko.

"Zymith, wala na si Adamson. My son died fighting for someone else's freedom" sabi ni tito. "He died doing his duty... His passion" sabi niya. A tear ran down on his cheek. I witness a strong man cried.

"NO TITO. NAGBIBIRO LANG KAYO. ANDYAN LANG SIYA!" sigaw ko at tumakbo papasok ng bahay. Sinilip ko ang mga kwarto. Sa sala, kusina, pati sa CR pero si Poker lang ang nakita ko. Adamson's gone. I've been stood up on my own wedding day.

"Adamson, why?" bulong ko sa hangin. Napaluhod ako. Di ko kaya. Minsan na nga lang ako magpapasok ng tao sa puso ko, mawawala pa. Fuck!

"Zymith,"sabi ni tita and nag pat sa shoulder ko. "Pinapaabot ni Adamson" sabi niya.

"A-andito siya?" tanong ko. Please nod, tita. Pero umiling siya. I cried even more. She does too. "Sinulat niya yan the night before he went to the war" sabi niya.

Lumabas ako sa bahay nila at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta ayaw kong manatili sa bahay na yun. I want to find a peaceful place. I saw the chapel so pumunta ako dun.

I opened the letter. It hurts me to read this. To know things that I wish he told me personally. Why Lord? Why did you took him so soon?

Adamson, why didn't you live?

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon