Chapter 4

3.3K 40 0
                                    

SARAH'S POV

Gerald Anderson. Ang gwapo niya pala at ang bait. Hay!! My God Sarah!! Isa na namang lalaking galing showbiz ang pinepeg mo hindi ka na ba nadala kay Rayver? Move on muna. Two months pa lang naman ang nakakalipas eh. Asan na ba sina Shin at Yeng? Kanina pa ako naghihintay dito eh. Ayun pala sina Gerald, nagkatinginan kami at nag-smile kami. What?!? Nangyayari ba ito? Papalapit si Gerald kasama sina Rachelle at Yeng. Ginayuma ba nila si Gerald?

"Hi Sarah." bati ni Gerald. 

"Hello Gerald." bati rin ni Sarah. Umupo silang lahat. "Bakit ka napunta dito?"

"Sis, gusto kasi nyang mahingi yung number mo personally." sabi ni Rachelle.

"Ha? Bakit naman. Hindi mo naman ako kilala eh tsaka baka mamaya di mo pala akalain masama pala ugali ko or may maitim akong budhi." pagtanggi ni Sarah.

"Arte mo Sis! Kung ako yan binigay ko na kanina pa. Gerald Anderson yan oh!!! GERALD ANDERSON." sabi ni Yeng.

"That's why I wanna get your number para mas makilala pa kita." sabi ni Gerald.

"Bakit naman?" tanong ni Sarah.

"Wala. I just wanna be friends with you."

"Sige, eto na." binigay ni Sarah ang kanyang number at nag-paalam naman na agad si Gerald matapos makuha ang kanyang number at bumalik sa table kung nasaan sina Fred.

"Wow Sis!!! Gerald Anderson, hiningi ang number mo. Wow!! As in wow lang!!" sabi ni Yeng.

"Alam mo kanina ka pa eh. Bakit parang ikaw ang kinikilig dyan?" sagot ni Sarah.

"Eh kasi, luma-love life ka na ulit." sabi ni Yeng at napagtanto na kaibigan pala ni Rayver si Gerald. "Kaibigan pala ni Gerald si Rayver?"

"Ha?!? Anong ibig mong sabihin?" 

"Ayun oh. Tignan mo dun banda." tinuro ni Yeng kung nasaan ang table nina Gerald. At biglang nag-flashback na naman sa kanya ang gabing paghihiwalay nilang dalawa.

"Sarah, I'm sorry pero kailangan na natin talagang maghiwalay." sabi ni Rayver na mejo maluha-luha.

"Bakit? HIndi ba sapat yung pagmamahal ko para sayo?" tanong ni Sarah na iyak ng iyak.

"Hindi naman sa ganun Sarah pero alam mo naman na nahihirapan din ako sa sitwasyon natin. Ayaw ng management na magkaroon ako ng girlfriend diba? Para sa love team namin ni Cristine."

"Tahimik naman ako diba? Hindi naman ako nanggugulo at sinunod ko naman kung ano ang gusto ng management ah. Minsan na nga lang tayo nagkikita eh pero tiniis ko yun. Hindi pa ba sapat yun?"

"Kaya nga eh. Yun na nga, napaka-unfair para sayo."

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon