Chapter 31

1.7K 16 1
                                    

Aalis na nga si Ray sa Pilipinas at sa States na maninirahan. Kasabay nito ang pag-quit niya sa showbizness dahil hindi na nga siya masaya. Siguro nga dahil sa nangyari, na-realize niya na hindi siya para sa mundong iyon at gusto na niyang bumalik sa Pilipinas. 

Matapos ang pag-uusap nilang tatlo ay naghanda na sila para sa press conference na inihanda ng kanilang talent management na Star Magic. Ito ay para sagutin na ang lahat lahat ng mga tanong nila ukol sa pangyayari sa issue nilang tatlo. 

SARAH'S POV

Etooooooooo na!!!!! Press conference na pero parang natanggalan na ako ng isang malaking tinik kanina matapos nang aming pag-uusap. Sa wakas at natapos na rin ang issue naming tatlo at ang mahalaga ay nagkaayos-ayos na kaming tatlo. Eto pa ang natitirang malaking tinik, ang mga tanong ng press. Pagkatapos nito, party party na!!!!

"Babe, ang lamig na kamay mo." sabi ni Gerald at hinawakan si Sarah sa kanyang kamay na nakapatong sa table na kinauupuan nilang tatlo.

"Kinakabahan kasi ako." sabi ni Sarah.

"Wag kang kabahan okay?" hinalikan ni Gerald ang kamay ni Sarah.

"Ang sweet naman!!!" pagbibiro ni Ray.

"Ikaw talaga Ray! Palabiro ka ha!" sabi ni Sarah. "Ge, ano ba! Discreet nga daw sabi ni Mr. M eh!" sabi ni Sarah.

"Eh kinakabahan ka sabi mo diba? Oh eto, pampaalis na kaba mo!" sabi ni Gerald.

"Wow ha! Pampaalis na pala ng kaba ngayon ang paghalik sa kamay?"

"Oo! Uso yun!" 

Ang sweet naman ng Babe ko! Buti nalang andyan siya sa tabi ko sa mga ganitong mga eksena para naman may tagapagtanggol ako sa mga press o kaya naman taga-salo kung hindi ko na masagot yung mga tanong nila. Nagsisimula nang dumating ang mga press! Ayan na sila!!!! 

GERALD'S POV

At last naayos na ang issue naming tatlo. One last thing that we have to do then we're done! Part na ulit ito ng past. It's a closed book sabi nga ni Ray kanina na hindi na bubuklatin kapag nagkataon. Ang lamig ng kamay ni Sarah.

"Babe, ang lamig na kamay mo." sabi ni Gerald at hinawakan si Sarah sa kanyang kamay na nakapatong sa table na kinauupuan nilang tatlo.

"Kinakabahan kasi ako." sabi ni Sarah.

So kinakabahan pala si Sarah? Dahil ba sa mga press? Nako kawawa naman pala ang Babe ko. Matapos ang concert, eto namang issue naming tatlo. Masyado na siyang stressed out pero gaya nga ng sinabi ko isa siyang babaeng happy go lucky kaya hindi niya masyadong dinidibdib ang kanyang mga problema and that's a good thing. 

"Guys! We're going to start in a few. Ready yourselves! Be honest okay? You're a star magic baby remember guys!" sabi ni Mr. M at tumabi sa tabi kung saan di siya makikita masyado ng mga press.

So this is it. Malapit na malapit nang mag-start ang press conference and I will just remember what Mr. M said "Be honest. You're a star magic baby."  Last shot then we're done!!!

Nag-simula na ang press conference. Dinaluhan ito nga mga reporters mula sa TV, radyo, magazines at newspapers. Dinumog kumbaga dahil very hot ang issue nang tatlo. 

REPORTER: Ray, diba ex mo na si Sarah? Pero bakit mo sinasabi na mahal mo pa din siya? Tsaka in the first place dapat hindi mo siya iniwan diba kung mahal mo siya?

RAY: Oo nga po. Tama kayo jan at napaka-mali po yung ginawa ko na iniwan ko siya para ipagpalit kay Cristine. Sabihin nalang po natin na magulo po ang isip ko kasi po lasing ako nun kaya ko nasabi yung mga ganung bagay.

REPORTER: Bakit nakita yung sasakyan mo na nabunggo? Tsaka bakit ka lasing?

RAY: Kasi po naghiwalay po kami ni Cristine kaya ko po ginawa yun.

REPORTER: So ibig sabihin mahal mo si Cristine? Kasi hindi mo naman sasaktan nang ganun yung sarili mo eh kung hindi mo siya mahal.

RAY: Hindi ko po alam. Magulo po talaga ang utak ko nun!

REPORTER: Sarah, totoo bang nakita kayong naghahalikan ni Ray? Dun din daw sa binanggaan?

SARAH: Ay! Hindi po! Ang totoo po niyan, nakita nga naming nabangga yung sasakyan ni Ray kaya tinulungan namin ni Gerald tapos pinaalis niya si Ge kasi gusto niya daw akong makausap nang kaming dalawa lang tapos ayun tinangka niya na po akong halikan. Eh lasing po siya nun.

REPORTER: So Ge ano naman ang ginawa mo dun?

GERALD: Syempre po nagalit ako dun! Umalis na po kami, iniwan na po namin si Ray tsaka parang nabigla po si Sarah sa mga nangyari. Di niya pa na-absorb agad.

REPORTER: Ano naman yung nangyari sa bahay nina Sarah? Ray pakipaliwanag naman.

RAY: Dahil hindi ko nga po matanggap na hindi na ako mahal ni Sarah kaya naman pumunta pa ako dun sa bahay nina Sarah. 

REPORTER: Totoo bang may basag ka na bote na dala-dala?

RAY: Totoo po yun at yun din po ang dahilan kung bakit siya nagkasugat.

REPORTER: Ge, anong reaksyon mo nung nasugatan si Sarah?

GERALD: Again, like I've said, nagalit po talaga ako nun! Sobra sobra na po talaga ang mga nangyari kay Sarah nung gabing yun to think na katatapos lang nung concert niya nun.

REPORTER: Sarah, napatawad mo na ba si Ray?

SARAH: Actually, nag-usap usap na po kaming tatlo with Mr. M and yung mga handlers po namin, ayos na po kami. Nagkalinawan at nagkapatawaran kaya happy happy na! Sana tapos na po ang isyung ito after nitong presscon dahil po para sa amin tapos na!

REPORTER: Nakarating nga pala sa amin Ray na balak mo daw mag-ibang bansa? Para ba makapag-unwind?

RAY: Sa totoo lang po hindi lang po unwind ang gagawin ko, dun na po ako maninirahan at mag-quit na rin po ang sa showbizness.

REPORTER: Talaga?!? Alam na ba ito ni Mr. M?

RAY: Ay opo. Kasasabi ko lang po kanina nung nag-usap usap kaming tatlo.

HOST: Okay na po ang mga questions siguro. Thank you press people! Last words nalang po siguro from Sarah, Gerald and Ray.

RAY: Ayun, salamat po sa lahat ng pumunta ngayon! Sana po ay nalinawan na kayo sa isyung ito at sana tapos na. Sa supporters ko, thank you guys! Walang iwanan kahit na nasa ibang bansa na ako! Mr. M and Star Magic thank you!

GERALD: Yes! First of all thank you kay Mr. M for understanding us and Star Magic of course. Thank you po sa inyo press people at sa aming mga supporters. Sana po ay tapos na po itong issue na ito and wag na po sana nating balikan. Let's put it in the past.

SARAH: Tama po yan. Thank you rin kay Mr. M and Star Magic. Sa mga supporters ko, Popsters! I love you guys!!! Press people, thank you! And sa mommy and daddy ko na nagalit sa kin pero naunawaan na nila ako pagtapos, thank you!!! Ayun nga gaya nga ng sinabi nila sana po ay tapos na itong isyung ito. Ayoko na pong pagusapan pa after nitong press conference at maayos na po kaming tatlo kaya sana wag na po kaming guluhin pa ulit. Sana po walang dagdag bawas sa kung ano man po ang narinig ninyo ngayon po. Thank you po!!!!

Author's Note: Officially tapos na nga issue. Abangan pa sa mga next chapters kung ano na ang mangyayari sa relasyong Sarah-Gerald :) Nakapag-update ako ng three chapters!!!! Bukas na po ulit :)

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon