Chapter 23

2K 29 1
                                    

SARAH'S POV

Grabe!!!!! Eto na!!! Concert ko na. Kinakabahan ako dahil first major solo concert ko ito tapos dito pa sa Araneta Coliseum eh ang laki laki nito eh. Natatakot ako baka hindi ko mapuno o walang manonood sa akin.

"Anak, ayos ka lang ba?" sabi ni Delfin. "Mukhang hindi ka mapakali dyan sa kinauupuan mo!"

"Eh Di, kinakabahan talaga  ako ng sobra sobra eh. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko dahil first time ko eh." sabi ni Sarah na halatang halata na kinakabahan.

"Sarah anak, basta manalig ka lang sa Diyos at malalatag na ang lahat sa ayos. Maniwala ka lang sa Kanya at magagawa mo na ang lahat at syempre, maniwala ka sa sarili mo na kaya mo yan."

"Salamat Daddy!" sabi ni Sarah sabay hug.

"Saraaahhh!!! Ang daming tao sa labas! Ang daming tao! Congrats ngayon pa lang! Proud ako sayo Beh!" sabi ni Gidget papasok ng dressing room ni Sarah.

"Talaga Ate Gidge?" sabi ni Sarah sabay tayo sa kinauupuan at lumabas para tumingin sa labas. "Ang daming tao nga!" at bumalik sa dressing room.

"Oh diba? Sabi ko naman sayo eh! Madaming naniniwala sayo kaya wag ka ng kakabahan dyan ha!" sabi ni Gidget at mejo nalungkot ng kaunti si Sarah dahil hindi niya nakita si Gerald sa audience. "Oh eh bakit parang ang lungkot mo bigla?"

"Wala naman ate." sabi ni Sarah.

"Oh siya. Picture muna kita para i-tweet ko." sabi ni Gidget at pinicturan niya si Sarah at nag-tweet na siya.

"With the new Concert Queen of the decade. Congrats Beh! Ang daming tao! pic.twitter.com/xxxxxxxx"

Wala si Gerald. Hindi na siguro siya manonood. Hay! Okay lang. Hindi naman sa kanya itong concert ko eh para naman ito sa mga Popsters ko. Bakit ba ang bitter ko? Dahil ba mahal ko pa din siya? Hay! Siguro nga mahal ko pa rin siya. Bahala ka na po Lord. Gagawin ko ang best ko para sa lahat ng manonood ng concert ko. 

GERALD'S POV

Eto na. Concert na ni Sarah. Gagawin ko na ang dapat kong matagal ng ginawa. I will win her back. I WILL!! After tonight, kami na ulit ni Sarah.

"Ge, oh." sabi ni Nhila at pinakita kay Gerald ang tweet ni Gidget. "Ang ganda naman ni Sarah."

"Yeah. Ang ganda nga niya." sabi ni Gerald.

"At napuno niya daw ang Araneta. Sana makaabot tayo sa opening! Wag muna silang magsimula!" sabi ni Nhila.

"Ayos ka lang ba Bro? Bakit parang hindi ka mapakali dyan?" sabi ni Fred. "Chill ka lang! Kaya mo yan!"

"Bahala na si Papa God mamaya basta gagawin ko na ang lahat. There's no turning back." sabi ni Gerald.

There is no turning back na talaga. Alam ko, nararamdaman ko na mahal pa din ako ni Sarah. At mahal na mahal ko pa din siya. 

Nag-tilian ang lahat ng tao sa pagdating ni Gerald kasama si Nhila, Fred at ilang pang mga taga-Star Magic. After nilang maupo ay agad namang nag-start ang concert. Sakto lamang sila sa opening. Manghang-mangha ang lahat ng tao kay Sarah. Napakagaling niya talaga at sobrang sexy sa kanyang mga outfit. Si Gerald naman ay patuloy sa pa-picture at halatang halata  sa kanyang mukha na proud na proud siya kay Sarah.

SARAH'S POV

Si Gerald ba yung nakita ko kanina? Oh baka naman namamalikmata lang ako? Kung siya nga, nanood siya. Bakit kaya? Pero wala naman sigurong masama kung manood siya eh kasi naman para sa lahat naman itong concert ko at nagbayad naman siya ng tama diba? Hay. Sarah? Inhale exhale. Inhale exhale. Kalma ka lang! Nakita mo lang siya ganyan ka na agad. Wala na kayo ni Gerald okay? Wala na.

"Ang galing mo Beh!!" sabi ni Gidget at pumasok sa dressing room habang si Sarah ay nagbibihis para sa susunod na production number.

"Salamat Ate." sabi ni Sarah. "Ate Gidget! May tanong ako."

"Ano yun beh?"

"Si Gerald ba nanonood? Parang nakita ko kasi siya eh."

"Ay oo beh! Andun siya kasama si Fred, Nhila at madami pang taga-star magic." sabi ni Gidget. "Uyyyyyy!!!!"

"Ate naman!! Para sa lahat naman itong concert ko eh! Ikaw talaga!" sabi ni Sarah.

So si Gerald nga talaga yun. Okay. 

Nagpatuloy ang concert ni Sarah at umingay ang twitter world dahil sa pagdating ni Gerald sa concert ni Sarah. Bandang huli na, at kakantahin na ni Sarah ang "It Might Be You". Mejo emosyunal si Sarah marahil iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Gerald. Na sana si Gerald na nga ang lalaking hinihintay niya.

Time... I've been passing time watching trains go by 

All of my life... 

Lying on the sand, watching seabirds fly 

Wishing there would be 

Someone waiting home for me... 

Something's telling me it might be you 

It's telling me it might be you... 

All of my life... 

Looking back as lovers go walking past... 

All of my life 

Wondering how they met and what makes it last 

If I found the place 

Would I recognize the face? 

Something's telling me it might be you 

Yeah, it's telling me it might be you 

GERALD'S POV

It might be you. Nakaka-inlove naman ang boses ng baby girl ko. Para sa akin kaya itong kantang ito. Maybe this is the right time. I will go up the stage and ask her the question.

"Bro? Anong pang hinihintay mo! Eto na ang right time!" sabi ni Fred. "Go!"

"Goodluck Ge!" sabi ni Nhila.

"Okay." sabi ni Gerald at umakyat ng stage. Habang paakyat ng stage si Gerald ay ang ingay naman ng dagundong ng mga tao sa Araneta. HIndi nila ine-expect ang mga ganitong pangyayari lalo na ang mga Ashralds.

"Gerald? Mga kapamilya. Mr. Gerald Anderson!" sabi ni Sarah. "Ginulat mo naman ako dun!"

"Sarah, I know it's been a while but I really can't.... I can't imagine myself without you." mejo kinakabahang sabi ni Gerald.

"Ha? Ano ba yang sinasabi mo?"

"Sarah, alam kong may pinagdaanan tayo these past few days. And I want to say sorry for that. But I want you back. Honestly, I still love you Sarah. Will you come back to me?" sabi ni Gerald at hindi nakasagot si Sarah. Nagulat na lamang siya sa mga pangyayari. "I know masyadong mabilis but, everyone. Gusto kong malaman niyo na we've been through a lot these past few days. And siguro it's about time para sabihin sa inyong lahat ang nangyari sa amin ni Sarah. Naging kami po ni Sarah and now, naghiwalay po kami for some issues and at this point in time, I wanna win her back. Will you help me guys?"

After sabihin ni Gerald iyon ay lahat naman ay humiyaw. Mga nagsasabing magbalikan na daw sila, sagutin na daw ulit si Gerald and etc. Nagulat din sila sa mga naging revelation ni Gerald. Naging alerto naman ang mga reporters sa pag-cover ng mga pangyayari sa concert.

"Ano Babe?" sabi ni Gerald kay Sarah na kanina pa ay speechless at mejo naiiyak na. "Will you be my girlfriend for the second time?"

"Alam mo, sa totoo lang...." naiiyak iyak na talaga si Sarah. "Hindi ka naman talaga nawala sa isip ko at sa puso ko. Na-realize ko na naging mabilis ang aking pagdedesisyon sa mga bagay bagay at hindi ko naman iniisip na aabot sa ganito tayo."

"So?" tanong ulit ni Gerald.

"So....yes." sabi ni Sarah.

"I love you. I love you! I love you!!!!!!!!" ang tanging nasabi ni Gerald at binuhat niya si Sarah at pinaikot ikot.

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon