Chapter 12

2.5K 26 1
                                    

Author's Note: Hello po sa inyo!! Pasensya na po kung ngayon lang ulit nakapag-update. I'm sure super bitin na naman po kayo sa last chapter. Kakatapos lang po kasi ng midterms namin so sobrang hectic na ang schedule namin ngayon. I promise na gagawin ko pang mas kilig ang story. Hihihi! I'm sure gusto niyo po yun. 

--------------------------------------------------------------

First day of showing pa lang ng movie nila Gerald, Kim at Bea at pumalo na ito sa 30 Million kaagad-agad. Pumatok ito sa takilya. Si Sarah, may shooting na naman ng movie with John Lloyd tapos si Gerald naman ay may basketball game sa may Cavite.

SARAH'S POV

Di pa rin talaga ako maka-move on sa sweet moment namin ni Babe sa may kotse ko. Sobrang sweet niya talaga!!!! Nagpapasalamat talaga ako kay Lord dahil mas magandang kapalit si Gerald kesa naman kay Rayver. Hindi sa sinisiraan ko siya pero yun naman talaga ang totoo. Papunta na ako sa shooting ko ngayon. Hay... ang aga! Nagiging sobrang busy na talaga ng schedule ko. Kasama ko ngayon si Ate Anna. Nga pala, magbubukas na kami ng restaurant! Wow!!! Yun ang pangarap ni Mommy eh tapos ngayon, abot kamay na niya. Ngayon, hindi na mararamdaman nina Mommy at Daddy ang pagka-wala ko ng time sa kanila.

"Sa, may tumatawag sayo. Di mo ba naririnig?" sabi ni Ate Anna. Si Sarah kasi ay nakatanaw lang sa bintana at nagmumuni--muni.

"Ay, oo nga." kinuha ang cellphone sa bag tapos tiningnan kung sino. "Si Babe pala."

"Babe?!?" pagkabigla ni Ate Anna.

"Oo teh. Explain ko sayo mamaya." sabi ni Sarah at kinausap na si Gerald. "Hello Babe! (Hi Babe! Good morning! San ka today?) May shooting ako Ge. (Ang dalas ha. Kelan ba showing niyan?) Di ko pa alam Babe eh. Ikaw san ka? (May basketball game lang ako ngayon sa Cavite. Sayang hindi ka na naman makakapanood.) Oo nga eh. Gusto ko pa naman sana para naman makabawi ako sayo!! (Ayieeee!! Ang Babe ko bumabawi.) Syempre, feeling ko sa cellphone nalang tayo nag-uusap eh. (Miss na miss na agad ako ni Sarah! Parang kagabi lang tayo nagkita ah!) Ganun kita kamahal eh!"

"Sarah, ano ba yan! Ang chessy niyo. Andito na tayo. Tama na muna yan!" pagsaway ni Ate Anna.

"Babe, pano ba yan? Andito na kami sa location. (Okay Babe. Keep safe for me ha? I love you!!!!) I love you too! Good luck sa game mo mamaya!!!" sabi ni Sarah. Pinapark pa nung driver ang sasakyan. "Kaw naman Ate Anna! Sinisira mo ang moment namin ng Babe ko eh!!!!" pabirong sabi ni Sarah.

"So Babe? Kayo na siguro noh?" tanong ni Ate Anna.

"Oo ate." kinikilig na sabi ni Sarah.

"Ikaw bata ka!!!! Wala ka bang balak na sabihin sakin yan? Kung di ko pa narinig ang tawagan niyo, hindi ko pa malalaman na kayo na pala!!!" bumaba na sila ng sasakyan at dumiretso na ng tent at inaral na ni Sarah ang kanyang script.

GERALD'S POV

Ang sarap ng gising ko kapag  nakakausap ko si Sarah. May basketball game na naman kami mamaya wish ko lang na sana andun siya pero naiintindihan ko naman na kailangan niyang mag-shooting eh. Nag-promise ako sa kanya na hindi na ako magseselos at trabaho lang ang kanilang ginagawa. Higit sa lahat, lagi naman niyang sinasabi na ako lang ang mahal niya kaya okay na yun. Bwiset naman oh!! Sira na naman ang day dreaming ko!!

"Bro!!! Breakfast na daw sabi ni Mommy! Leggo!!" sabi ni Ken.

"Panira ka naman Ken eh! Ang ganda ganda ng day dreaming ko!" sabi ni Gerald na naka-indian seat sa kama niya.

"Sino na naman ba yan Kuya? Si Sarah na naman!!! Kuya!!!! Masyado ka na talagang madly in love sa kanya noh?"

"Oo naman! Hinding-hindi ko na siya pakakawalan!"

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon