Chapter 19

2.5K 30 2
                                    

Author's Note: Salamat po sa lahat ng sumusuporta sa fan fiction ko!!! Especially dun sa pinaka-bago kong Ashrald fan fiction entitled "One Heart (Ashrald Story)". Promo promo lang po ulit! Hehe :) Super shocking ang chapter na ito!!!

SARAH'S POV

Umalis na ang Babe ko. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas ay parang ang tagal tagal na sa akin. Two weeks lang naman ito eh, titiisin ko nalang! Iniintay ko pala siya sa Facetime. Ang tagal naman ng Babe ko atat na atat na akong makita siya eh. Hihi.

"Hi Babe!!!!!" sabi ni Gerald. Nag-pop out nalang siya bigla sa iPad ni Sarah.

"Hi Babe!!!!!" Andyan ka na pala. Ginugulat mo naman ako masyado eh!!!" sabi ni Sarah at humiga sa kanyang kama.

"I miss you soooooo much!!!!"

"Wow! Ang haba naman nun Babe!!! Singer ka na talaga ha!!! Sige ako naman. I miss you sooooooooooo much din Babe!" 

"Ang daya mo! Singer ka na eh kaya mas mahaba yung sa iyo! Kamusta ka naman dyan?"

"Okay naman ako Babe. Eto mejo busy na dahil ngayon pa lang naghahanda na ako sa concert ko early next year pati yung new show ko."

"Sobrang busy mo naman!!!! Baka mamaya, wala ka ng time para sa akin ha!"

"Wooooshoooo! Tampururot na naman ang Babe ko!!!! Ikaw, kamusta naman ang shooting mo dyan?"

"Okay naman. Babe, kailangan ko ng umalis. Shooting na namin kasi eh!" sabi ni Gerald at nalungkot naman si Sarah. "Oh Sarah? Wag ka ng malungkot! Magtetext naman ako eh o tatawag. Wala na akong pakialam sa bill ko."

"Ikaw talaga!!! Sige na. Bye!!! I love you!!!" sabi ni Sarah.

"I love you din!!! Bye!!! See you soon!!!" natapos na ang kanilang face time at pumasok naman sa kwarto ni Sarah si Mommy Divine.

"Oh Anak! Sino kausap mo dyan?" tanong ni Mommy Divine.

"Si Gerald po." sagot ni Sarah.

"Kamusta naman siya dun?"

"Okay naman po siya. Mejo busy nga lang sila sa shooting."

"Nagtatampo na kami ng Daddy mo sayo!" sabi ni Mommy Divine.

"Nako! Bakit naman po Mommy?" tanong ni Sarah.

"Eh kasi lagi ka ng busy tapos may bago ka pang show at concert!!"

"Awwwww. Ang Mommy ko naman talaga! Hindi po ba kayo masaya dun sa restaurant na binigay ko sa inyong dalawa ni Daddy?" hinug ang kanyang Mommy.

"Masaya naman pero mas masaya kung nakakasama ka namin palagi pero iniintindi nalang namin yun kasi ginusto mo itong gawin eh kaya susuportahan ka namin kahit anong mangyari."

"Salamat Mommy!!!! I love youuuuuuu!!!!" sabi ni Sarah at kiniss niya ng matagal si Divine.

GERALD'S POV

Hay!! Ang bilis naman ng oras kapag kasama ko si Sarah. Saglit lang kami ng face time nakakainis naman pero konting tiis lang naman ito eh. Two weeks lang at uuwi na rin naman ako. On the way na pala kami sa shooting kasama ko si Ate Nhila.

"Mukhang ang asim naman ng mukha ng alaga ko!!" sabi ni Nhila.

"Namimiss ko na kasi si Sarah eh." sabi ni Gerald.

"Grabe ka naman!!! Dalawang araw pa lang naman kayong hindi nagkikita eh paano pa kaya kapag one week na tayo dito? Halos mabaliw ka na dyan ganun?!?"

"Te Nhils! Hindi mo pa kasi nararanasan ang ma-inlove eh!!!"

"Ang alaga ko talaga oh!!! Oo na, sige na. Ikaw na ang madly in love!!!"

SARAH'S POV

Nag-aya si Shin na magkita-kita daw kami sa dating bar na pinupuntahan namin. At ako naman ay pumayag dahil dala na rin ng pagkalungkot ko kay Gerald. Yun nga lang, ang dami nang mga tao ang nakakakilala sa akin at nagtatanong kung pwede silang mag-pa picture.

"Grabe Sars!!!! Sikat ka na talaga!!!" sabi ni Yeng habang pabalik na ng table nila si Sarah.

"Hindi naman! Ikaw naman!!!" sabi ni Sarah.

"Anong hindi ka dyan? Tingnan mo nga ang dami dami nang gustong magpa-picture sayo!!!!" sabi ni Yeng.

"Kami ay parang background lang dito!!! Ikaw na ang Popstar Princess!!!" sabi ni Shin.

"Shhhhttt! Magsi-tigil na nga kayo! Ako pa rin naman ito eh. Si Sarah yung kaibigan niyong walang social life dati!!!" sabi ni Sarah.

"Di ba si Rayver yun? Bakit siya naglalasing?" sabi ni Yeng.

"Oo nga. At ang daming mga reporters na nakapalibot sa kanya oh! Bukas na bukas headline na yan!" sabi ni Shin. At tumayo naman si Sarah at pinuntahan si Rayver. "Hoy Sarah!!! San ka pupunta? Wag ka ng umeksena dyan!!!"

"Oy Rayver! Bakit ka naman naglalasing dyan?" sabi ni Sarah. Habang ang mga reporters ay patuloy na kumukuha ng information sa kanila. "Please po? Pwede po mag-usap po muna kami saglit? Salamat po!" umalis naman ang mga reporters.

"Sarah! Salamat." sabi ni Rayver.

"Bakit? May problema ka ba?"

"Oo eh."

"Eh bakit mo naman dinadaan sa paglalasing? Andito naman ako ah! Diba sabi ko naman sayo na tatawagan mo ako or ite-text kapag may problema ka?"

"Baka magalit si Gerald eh."

"Ikaw naman! Nag-usap na kami tungkol dun. Ayos na. Ano yung problema mo?"

"Wala na kami ni Cristine, Sarah eh."

"ANO?!? Bakit kayo nag-break?"

"Wala. Di ko na makayanan ang ugali niya! Ibang-iba siya sayo Sarah!!!" lasing na si Rayver dito. At palapit ng palapit kay Sarah at si Sarah ay mejo naiilang na.

"Ray, kung mahal mo talaga siya tatanggapin mo kung sino talaga siya diba? Kahit ano pa man ang ugali niya." lumalayo kay Rayver si Sarah.

"Na-realize ko na ikaw pa rin ang mahal ko Sarah eh." haplos kay Sarah si Rayver at amoy ng amoy.

"Alam mo Ray? Lasing ka na eh! Halika na, iuuwi na kita!" lumabas si Sarah ng bar kasama sina Yeng at Shin. Buhat buhat si Rayver. Kitang-kita naman iyon ng mga reporters at panay take ng pictures.

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon