Chapter 41

1.8K 20 5
                                    

Isang araw matapos ang pag-uwi nina Sarah at Gerald sa Pilipinas matapos nilang magbakasyon sa US nang silang dalawa lang ay inulan ng mga intriga ang kanilang pagbabakasyon. Sobrang daming mga tanong ang nagsusulputan ngayon kung ano ba talaga ang nangyari sa pagbabakasyon nina Sarah at Gerald pero kahapon nung sila ay dumating sa airport, tikom ang bibig nina Sarah at Gerald. Ayaw muna nilang ipaalam sa publiko ang kanilang engagement maging sa management. Gusto muna kasi nila na ang kanilang mga magulang ang mauunang makaalam.

SARAH'S POV

Eto na. Kakausapin ko na sina Mommy at Daddy tungkol sa engagement namin ni Gerald. Alam kong mabibigla sila pero jusko Lord! Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob. Hindi ko kakayanin ang magiging reaksyon nila lalo na si Mommy! OA pa naman nun! Haha! Baka mahimatay pa yun.

"Oh Sarah! Anong ginagawa natin dito? Masyadong pormal ha!" sabi ni Delfin na nasa office room sila nang kanilang bahay.

"Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin ha!" sabi ni Divine. "Ikaw anak simula nung bumalik kayo galing US ni Ge, kahapon ka pa balisa! Anong nangyari? Buntis ka ba ha? Bakit hindi ka mapakali dyan? Ano!!! Sabihin mo!!! Yun ba ang pag-uusapan natin!!!"

Nako po! Sabi ko na nga ba eh. Rumatsada na si Mommy ng mga tanong! Grabe ang pangbobomba! Hindi man lang ako maka-bwelo sa sasabihin ko. Bahala na! Puno na ang tangke sasabog na!

"Engage na kami ni Gerald. Magpapakasal na kami!" biglaang sabi ni Sarah at nabigla sina Delfin at Divine.

"Ano?!" sabi ni Delfin.

"Ang bilis naman ata!!!" sabi ni Divine. "Nagbakasyon lang kayo tapos pag-uwi niyo kasalan na agad!!! Mahihimatay ata ako jusko!!!"

"Mi, Di, alam kong mahirap dahil nakakagulat kaya I'm sorry pero nagpro-propose si Gerald sa akin dun eh hindi ko matanggihan dahil mahal na mahal ko siya kaya ayun, pumayag akong magpakasal sa kanya." sabi ni Sarah.

"Anak! Sana naman pinag-isipan mo muna yan! Ang kasal ay parang hindi......" sabi ni Delfin pero itinuloy ni Sarah ang pangungusap. 

"Isang kanin na kapag mainit ay pwedeng iluwa. Alam ko yun Daddy! Naniniwala ako at nararamdaman ko na mahal na mahal ako ni Gerald at hinding-hindi niya ako sasaktan kailanman!" 

"Tama na. Andyan na yan eh! Wala na kong magagawa." sabi ni Divine na tila natauhan at napigilan ang pagbubunganga. "Anak jusko! Ang laki laki mo na talaga! Hindi ako makapaniwala na ang unica hija namin ay ikakasal na!!!" nag-drama si Divine at maluha-luha na ito.

"Mommy naman eh!!! Hindi naman porket na mag-aasawa na ako eh iiwanan ko na kayo at mawawala na kayo sa puso ko at sa buhay ko! Syempre hindi noh!!!" sabi ni Sarah.

"Pag-pasensiyahan mo nalang yang Mommy mo! Masyadong emosyunal!" sabi ni Delfin.

"Oh eh kelan naman siya mamamanhikan dito?" sabi ni Divine.

"Hindi ko pa po alam Mi eh. Pero malapit na rin." sabi ni Sarah.

"Eh pano niyo sasabihin sa Star Magic?"

"Bahala na po! Maiintindihan nila yun!"

Hay sa wakas at nasabi ko na din sa mga magulang ko yung pagpapaksal namin ni Gerald. Mejo malungkot man dahil ako nga ang unica hija nila tapos ngayon magpapaksal na ako. Pero hinding-hindi ko naman sila tatanggalin sa buhay at puso ko. Sila ang una kong pamilya. Sila ay sobra kong mahal. Nasabi na rin kaya ni Ge?

GERALD'S POV

This is it. Ako na muna ang magsasabi kay Mommy at Ken yung tungkol sa pagpapakasal namin ni Sarah. And sa plano kong mamanhikan sa pamilya ni Sarah. I don't know where to start but I know in my heart na matutuwa sila sa akin.

"Ge, ano ba kasi yung sasabihin mo at masyado kang seryoso dyan?" tanong ni Vangie.

"Yeah Kuya! Para matapos ko na yung mga school work ko!" sabi ni Ken.

"Okay. This is it. Diba nagbakasyon kami ni Sarah sa US." sabi ni Gerald.

"Yes. And then?" sabi ni Vangie.

"Nag-propose ako sa kanya ng kasal. And she said yes! We're engaged!!!!"

"What?! Ang bilis!"

"I'm happy for you kuya!!!" sabi ni Ken. "And for Ate Sarah too!" 

"Thanks Ken!" sabi ni Gerald.

"Gotta go! May school work pa ko." umalis si Ken dahil gagawin niya ang kanyang mga school work. Natira lamang sina Vangie at Gerald sa kwarto.

"Mom, wag ka nang malungkot!" 

"Eh alam mo naman ang mommy mo! Masyadong emotional! Magpapakasal ka na nga talaga!!!" sabi ni Vangie. "You're a full grown man!!!"

"Mom hindi naman ibig sabihin na iiwanan ko na kayo kapag magpapakasal na kami ni Sarah. It's not like that. Isipin niyo na lang na mas lalaki pa ang family natin diba! Ang saya!"

"I know. I'm so proud of you son!"

"Thanks Mom!"

"Oh eh anong mga balak mo?"

"Mamanhikan po tayo kina Sarah as soon as possible. And then bahala na po sa management kung kelan po namin ni Sarah sasabihin." sabi ni Gerald.

"Okay. Basta always remember na maging faithful kay Sarah. Mahalin mo din siya gaya ng pagmamahal mo sa akin. Or kung pwede i-doble mo pa. Lagi kang maging totoo sa kanya dahil siya ang pinili mong makasama ng buong buhay mo."

"Yes Mommy. Tatandaan ko po yan!"

YES! Nasabi ko narin kay Mommy at Ken. Now, ang problema ko nalang is yung pamamanhikan dahil haharapin ko na ang parents ni Sarah at kukunin ko nang pormal ang kanyang kamay para pakasalan. Another thing, yung sa management. 

Author's Note: Hindi pa po pala ito ang Meet the Parents! Next chapter pa pala. Sorry po kung naatat. Okay na po ito for today! 2 chapters ang nagawa ko :) Last 5 nalang kaya subaybayan niyo na po ng todo todo!!!

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon