Chapter 14

2.4K 26 1
                                    

Matapos ang story conference ni Gerald, sina Sarah at Gerald ay nag-date sa isang restaurant sa may Eastwood. Silang dalawa lang at yun ang kanilang paboritong lugar. Hindi magka-ugaga ang mga fans at sila ay nagkakagulo sa dalawang ito dahil spotted na naman silang dalawa na magka-date!!! Magka-holding hands sila na pumasok sa restaurant.

GERALD'S POV

Pang-ilang date na ba namin ito ni Sarah? Hay!!! Ang saya naman dahil may mga ganito pa kaming nagagawa ni Sarah kahit na mejo busy na kami these past few days. Andito kami ngayon sa Eastwood para mag-dinner date pero naging fans day namin ni Sarah iyon pero mahal naman namin yung mga fans namin kaya ayos na rin yun.

"Gerald, Sarah! Pa-picture naman!" sabi nung isang fan at naghiwalay ang kanilang mga kamay at pumagitna yun fan at sila ay nag-picture.

"Salamat! Ang bait bait niyo! Sana magkatuluyan kayo!" dagdag na sabi at agad naman na kumalat sa Twitter ang picture na iyon.

"With Gerald and Sarah in Eastwood! May date sila! Kaloka! pic.twitter.com/xxxxxxxx" At sunod-sunod pa ang mga tweets ng ilang pang mga nakakita.

"Spotted!!! Gerald Anderson and Sarah Geronimo at Eastwood having dinner"


"Ang sweet ni Sarah and Gerald! Holding hands pa!" Nag-tweet na din ang Ashrald pati ang Geraldnaticxs.

@Ashrald

"Awwwww! Spotted ang mag-babe sa Eastwood! Sweet!"

"Holding hands pa daw? Kayo na!!!"

"Masaya na naman ang gabi natin mga babes!!!"


@Geraldnaticxs

"I know you're happy Gerald. Masaya kami kapag masaya ka! Enjoy!!!"

"Thank you Sarah for the love and the joy you bring to our Prince"



Kumakain na sina Sarah at Gerald at hinayaan naman ng mga fans na kumain na muna sila at mag-date. Wala na munang nagpa-picture sa kanila pero napapatingin talaga sila sa mag-babe.

"Oh Babe! Tahimik ka ata?" tanong ni Gerald sabay hawak sa kamay ni Sarah na nakapatong sa table.

"Eh Babe, mejo nahihiya ako." sabi ni Sarah.

"Sarah, bakit ka naman nahihiya? Ang cute mo naman babe!"

"Tumigil ka nga dyan! Eh kasi ang daming tao parang hindi ako makakilos ng maayos. Alam mo na!"

"Ikaw talaga. Okay lang yun! Masanay ka na dahil nung kami ni Kim ganito rin..." natigilan si Gerald nung sinabi niya yun kay Sarah. Tapos tumahimik nalang din si Sarah. "Sorry Sarah, I didn't mean na ma-mention pa siya."

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon