Chapter 5

3.3K 37 0
                                    

Pagdating ng bahay ni Sarah ay mejo malungkot pa din siya. Nahalata ito ng kanyang Mommy Divine at agad naman siyang sinundan sa kwarto para kausapin.

SARAH'S POV

Hay! Naalala ko na naman yung mga nagawa niya sakin. Ano ba naman yana!! Kelan ka ba mawawala sa isip ko ha, Rayver? Kailangan ko ng mag-move on. Kailangan di ako magpapa-apekto sayo dahil kailangan kong maging matatag dahil magiging artista pa naman ako. Sana talaga matanggap ako. Lord please? Nga pala, may magandang nangyari naman sakin eh.... si Gerald Anderson. Wow!! Gerald Anderson yun oh, biruin mo hiningi ang aking number? Ay, parang may kumakatok sa kwarto ko. Sino kaya? Mommy or Daddy?

"Anak?" sabay pasok ni Mommy Divine sa kwarto at umupo.

"Oh Mommy? Bakit po?" tanong ni Sarah na halatang malungkot.

"Anak, magsabi ka nga ng totoo. May problema ka ba? Akala ko ba okay ka na?"

"Eh Ma, naalala ko lang naman bigla si Rayver kanina habang nandon kami sa bar nina Shin at Yeng. Naiwan ko tuloy sila bigla."

"Anak, ano ba naman yan!!! Wag ka na ngang magpa-apekto pa dyan sa Rayver na yan!!! Walang siyang kwentang tao at wag mong ilugmok ang sarili mo sa kanya dahil ang ganda ganda mong babae tapos papanget ka lang dahil kakaisip sa kanya. Gusto mo ba yun?"

"Syempre Mommy hindi. Ay Mi, may ibabalita nga pala ako sayo. Pero promise mo muna na wag kang mabibigla ha?"

"Oh sige. Promise. Ano yun?"

"Mi, nag-audition ako sa Star Magic. Balak kong maging artista."

"ANO?!?!?!!!!"

"Oh Mi!!! Akala ko ba nag-promise ka sa kin na di ka mabibigla?"

"Eh sa ginawa mo naman anak nabigla naman talaga ako eh. Ano naman naisipan mo bakit ka nag-artista aber?"

"Gusto ko kasing ipakita kay Rayver na kaya ko yang ginagawa niya tsaka ayoko na sa buhay kong simple. Bilang isang simpleng Sarah Geronimo."

"Anak, alam mo naman na suportado ka namin ng Daddy kahit ano gusto mong gawin pero sana lagi mong tandaan na ilagay mo palagi ang paa mo sa baba ha. Maging humble ka palagi at laging ipagpasa-Diyos ang lahat."

"Mi naman. Di pa naman ako natatanggap eh."

"Malakas ang pananalig ko kay Lord. Magiging artista ka, nararamdaman ko."

"Nako sana nga Mommy." tapos biglang natigil ang usapan ng may nag-text kay Sarah. Inusisa naman siya ni DIvine. "Oh sino yan anak?"

"Number lang Mi eh." biglang natigilan si Sarah nang maalala niya na binigay niya pala yung number niya kay Gerald. "Ay oo nga pala Mommy. Binigay ko yung number ko kay Gerald."

"Gerald? Sinong Gerald?"

"Gerald Anderson."

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon